Part 20

821 37 38
                                    

Part 20

(Lily's POV)

May tatlong linggo na rin ang lumipas simula no'ng mag-Tagaytay kami ni Blake. Sunud-sunod kaming lumabas after that. Hindi naman ako nakakarinig ng reklamo kay Kuya Sean kapag sinasabihan ko siyang si Blake na lang ang susundo sa akin sa office. Nakakapagtaka nga kasi nasanay akong laging may mahabang sermon ito sa akin kapag nasa paligid si Blake at nangungulit. At marami pang sinasabi bago ang kanyang approval.

Ngayong nakakalabas ulit kami ni Blake, ang saya-saya na naman ng pakiramdam ko. Napakasarap talaga niyang kasama. Walang boring moment. Dahil sa kadaldalan niya at sa dami ng mga pick-up lines na pina-punchline niya, sobrang enjoy na enjoy ako kapag kasama ko siya. Kakaiba talaga si Blake. Siya talaga ang hinahanap-hanap ng puso ko. Sadyang wala siyang kapantay at kahit pa panahon at mga tao na ang pumagitan sa aming dalawa, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya.

Pero sa sobrang kaligayahan ko, unti-unti na naman akong kinakain ng konsensiya ko. Alam kong hangga't hindi ko nasasabi kay Blake ang totoo, hindi ako magiging lubos na maligaya. Alam kong hindi ko sinadya pero hindi ko alam kung paano ko ipagtatapat sa kanya ang lahat.

Kasalukuyan silang nasa Palawan nina kuya at DM. Kasama dapat ako pero I backed out. Nagugulat na lang ako kapag nagte-text si kuya ng news about sa mga ginagawa ni Blake. Pero okay naman sa akin dahil gusto ko rin namang malaman kung ano ang activities nilang tatlo.

Although one week ko na namang hindi pinansin si Blake. Sabi nga nito minsan, ako na raw ang tunay na definition ng "Hot and Cold". Nakakabaliw din kasi ang sitwasyon ko. Sana noon pa lang sinabihan ko na siya para hindi ganito kahirap ngayon. Iniisip ko tuloy kung kaya pa rin akong tanggapin ni Blake after everything.

April 15, 6pm

BLAKE: Hey, thought we're doing good. WHY ARE YOU IGNORING ME? You're always avoiding me. One week straight! Hindi kita mahagilap. Masyado na akong malungkot. :(

BLAKE: Sean said you backed out from coming with us in Palawan next week. Why?

April 16, 7pm

BLAKE: Lily...

BLAKE: I miss you. :(

BLAKE: Bear.

April 17, 9am

BLAKE: Lil, extended ba ang Holy Week mo? Bakit hindi mo ako pinapansin? Ayaw mo rin akong harapin kapag dinadalaw kita sa office mo at sa bahay niyo.

BLAKE: Lord, sana po pansinin na ako ulit ni Lily Bear kasi miss na miss ko na siya. :(

Napangiti ako habang binabasa ang mga text ni Blake. Winner talaga sa akin ang sense of humor niya. Sa sobra kong pangungulila sa kanya, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. Binabasa ko ang conversations namin sa cellphone ko.

April 18, 9am

ME: Good morning, B!

BLAKE: :):):) Good morning, Bear! I miss you. Glad you FINALLY answered. Can I call?

ME: No. I just wanna text.

BLAKE: Okay. We arrived in Palawan last night. Wish you're here. :(

ME: Hahahaha! Let's go somewhere north next time. :)

BLAKE: 'Di nga? Promise?

ME: Yup!

BLAKE: You're serious?

ME: Yes!

BLAKE: Where do you wanna go?

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon