Part 5

969 54 43
                                    

Part 5

(Lily's POV)

After 3 years

"Oh, Blake! Ang aga mo naman yata." Pababa ako ng hagdan nang madatnan ko si Blake na prenteng-prenteng nakaupo sa sala. "9am pa ang alis niyo nina Kuya, 'di ba? Alas otso pa lang."

May out-of-town silang tatlo sa Zambales, kasama si DM. Pinayagan sila ng mga parents dahil, for sure, kung anu-anong kasinungalingan about school-related na naman ang pinagsasabi nila.

Simula nang maging close ang tatlo noong naging cleaners sila sa school canteen three years ago, hindi na sila mapaghiwalay. At kahit pa senior nina Blake at DM si Kuya Sean, para pa rin silang magkakaedad sa mga asal nila. Sa high school nga kung saan sophomore na kami nina Blake at DM at kung saan junior si Kuya, tinatawag silang Team Perfect. Tila ba kasi nasa sa kanila na ang lahat. Looks, brains and wallet. Idagdag na rin ang character.

"Inagahan ko talaga, Bear. Mahirap na kung hindi ko masilayan ang kagandahan mo today. Alam mo na ang result kapag hindi kita makita. Bad day," very straightforward namang sagot ni Blake sa akin.

"Ikaw talaga lagi mo na lang akong binobola," wika ko rito. Nakasanayan ko nang naririnig sa kanya ang tawag niya sa aking "Bear." Nakababa na ako ng hagdan pero hindi ako lumapit dito.

"Kahit pa i-dissect mo ang human body ko, Bear, wala kang makikitang pambobola."

Tumawa naman ako. "Alam mo bang mas dumami na naman ang bida sa mundo? Dahil sa mundo nila, ako ang kontrabida dahil sa'yo."

Napatawa rin ito. "Pero sa mundo ko, nag-iisa ka lang."

"Asus! Mauna na nga ako. Ba-bye na. Baka ma-late ako sa group project namin. Ingat na lang din kayo sa group project niyo," sabi ko saka ngumiti nang nakakaloko. Alam kong lakwatsa at hindi school-related ang gagawin nilang tatlo sa Zambales.

"Aalis ka na agad? Hindi ba pwedeng mamaya ka na umalis, Bear?"

"Hindi pwede." Saka naman biglang pumasok si DM hudyat na kadarating lang nito. "O, ayan na pala si DM. Kayo na lang ang mag-bonding. Bye!"

"Teka lang!" Bigla naman akong hinawakan ni Blake sa braso. "Dito ka na muna. Please?"

"Hindi nga pwe---"

"May Doraemon akong ballpen dito. Ibibigay ko lang ito sa'yo after fifteen more minutes," very victorious na wika ni Blake. Alam na alam nito na kahinaan ko talaga si Doraemon.

"Fine." Umupo naman ako agad sa isang sofa. Fifteen minutes lang naman. Magpapaliwanang na lang ako sa mga groupmates ko mamaya.

Nilingon naman ni Blake si DM na umupo sa tabi nito. "Bro naman, masyado kang maaga. Para naman hindi sayang 'yang pagiging early bird mo, ikaw na ang gumising kay Sean sa kwarto niya. May date pa kami ni Lily Bear. Can't you see?"

"Pambihira!" Sagot naman agad ni DM pero tumayo ito at pumanhik na sa hagdan. Hindi pa ito masyadong nakalalayo nang muling magsalita, "Limang daang beses nang basted, hindi pa rin sumusuko."

Napahagikhik naman ako sa tinuran nito.

"Hoy, Fontanilla! Ano'ng sinabi mo?" Agad namang nag-react si Blake.

"Ang pogi mo," labas sa ilong na sagot naman ni DM.

Umismid lang ang kaharap ko. "Buti alam mo."

- - - - - - - - - -

#TrueLoveAlways #BlakeAndLily

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon