Part 9

839 48 35
                                    

Part 9

(Lily's POV)

Isang seryosong Blake Formosa ang sumalubong sa akin. Pati ang boses nito ay malayo sa madalas na malambing kapag kinakausap ako.

"Hindi ka makakatakas kasi nasa labas si DM. At nasa kanya lang ang susi para mabuksan ang pinto. In other words, nakakulong tayo sa kwartong ito."

Nagulat na lang ako kaninang lapitan ako ni DM after ng class namin. Pinapatawag daw ako ni kuya. Nagtaka naman ako dahil nasa college na si Kuya Sean at nasa fourth year naman kami nina Blake at DM. Bakit ako pupuntahan ni kuya sa school ko? Pero dahil nagtiwala naman ako sa pagiging nice and gentleman ni DM, sumama ako rito. Mas nagulat na lang ako nang ipinasok niya ako sa isang bakanteng classroom saka isinara agad ang pinto. Iniwan niya ako sa loob. Pero hindi na ako nagulat kung sino ang nadatnan ko sa classroom.

Binilinan ko ang sarili kong kumprontahin si DM after this. Sigurado akong pakana nila ni Blake ito para magkausap kami ng huli.

"Lily, bakit mo ako iniiwasan? Isang buong taon mo na akong hindi pinapansin." Seryosong-seryoso si Blake. Unang beses niya akong hindi tinawag na "Bear."

Tinalikuran ko lang ito at humalukipkip. "Wala akong sasabihin sa'yo kaya wala akong dahilan para kausapin ka. Pwede ba, pabuksan mo na kay DM ang pinto?" Tinungo ko ang pinto at kinatok-katok ito.

"Hindi 'yan bubuksan ni DM hangga't hindi tayo natatapos dito," matigas naman nitong sagot.

Marahas ko siyang hinarap. "Ano ba talagang gusto mo sa akin, Blake?"

Napaawang naman ang mga labi nito. "Seryoso ka ba sa tanong mo? Manhid ka ba, Lily?"

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Simula nang makilala ni Keyyah si Blake a year ago, mas naging madalas na ang pagbisita ng kaibigan ko sa bahay. Kapag nagkataong nasa bahay din si Blake, sila na lang lagi ang magkausap. Simula nang magkakilala silang dalawa, naging abnormal na ang nararamdaman ko. At kapag kinukulit ako ni Blake, lagi ko itong sinusungitan. Hindi ko na rin ito pinapansin at kinakausap.

Matagal nang hindi pumupunta si Keyyah sa bahay dahil umuwi na ito sa probinsiya nila sa Quezon. Doon na lang daw nito ipagpapatuloy ang pag-aaral. Pero kahit wala na si Keyyah, hindi pa rin maalis-alis ang inis ko kay Blake.

Huminga naman ako nang malalim. "Ano pa bang gusto mo sa akin?"

"Ano bang ipinaggaganyan mo? Bakit ang sungit-sungit mo na?" Lumapit si Blake pero mas lumayo naman ako. "Lily, ano bang nagawa ko?"

"Wala kang nagawa, okay?"

"Pero bakit tayo ganito ngayon?"

"Ano'ng ganito? Ano ba tayo?"

Natahimik naman ito. Hindi nagtagal, "Ano tayo? Ano nga ba tayo? Ipapaliwanag ko sa'yo. Patay na patay ako sa'yo, Lily. Wala nang hihigit pa sa nararamdaman ko para sa'yo. Habol ako nang habol, ikaw naman, takbo nang takbo. Patintero. 'Yan tayo. Ganyan tayo. Pero ang masaklap, ako lagi ang taya."

"Pwes, para hindi na tayo patintero, tumigil ka na lang sa paglalaro." Sinalubong ko naman ang mga mata nito.

"Is that what you want?"

Hindi ako bumaba ng tingin.

"Is that what you really want?" Nakipaglabanan din ng tingin si Blake sa akin.

Sumuko na lang ako. Ibinaba ko ang tingin ko at hinarap ulit ang pinto. "DM, buksan mo na 'to, please." Namasa bigla ang mga mata ko sa hindi malamang dahilan. "DM! Buksan mo na 'to, please." Hindi ko naman namalayang umiiyak na ako. Naramdaman ko na lang na unti-unti nang bumukas ang pinto.

Dali-dali akong lumabas at hindi na pinansin pa kahit sino sa dalawang kasama ko.

☆☆☆☆☆

Summer vacation na after ng high school graduation namin. Isinama ako ni Mommy sa Cebu dahil may event daw roon ang news and public affairs program kung saan siya nagtatrabaho. Kaming dalawa dapat ni Kuya Sean ang isasama niya pero, as usual, mas pinili ni kuyang makasama sa bakasyon ang mga matatalik nitong kaibigan, sina Blake at DM. Sabi nga ni kuya, kapag nag-Cebu raw kami ni Mommy, pupunta naman ang mga ito sa Quezon Province.

Hmmmm. Quezon Province.

If I know, baka dadalaw pa ang mga ito kina Keyyah. O baka nga sa kanya pa sila didiretso. Nasa gano'n akong pag-iisip nang mag-ring ang cellphone ko. Nasa terrace ako ng kwarto namin ni Mommy. Nakatanaw lang ako sa bughaw na karagatan. Dinampot ko ang aking Nokia 3310 na nakapatong sa mesa.

Sumimangot ako nang makita ang pangalan ni Keyyah sa screen.

"Hello?" Walang sigla kong bati.

"Uy, girl! Guess what! Kasama ko sina Blake ngayon!"

Mas lalo pang tumindi ang simangot ko. "Ohhh." 'Yon lang ang naisagot ko.

"Grabe sila, 'no? Wala talaga silang kapagod-pagod. Kanina pa kaya kami lakad nang lakad! Tuwang-tuwa nga ako, eh. Kasi bigla ko na lang silang nakita kanina. Buti na lang talaga at lumabas din ako para magliwaliw."

"Gano'n ba."

"Oh, sige. Bye na, girl, ha? May tinatanong kasi si Blake."

Bigla na lang akong napabuga sa hangin at umikot pa ang mga mata ko. "Bye."

Agad ko namang itinabi ang cellphone at lumabas na ng kwarto. Maglalakad-lakad na lang ako sa dalampasigan kaysa magmukmok.

☆☆☆☆☆

Nagmamadali akong bumaba sa hagdan upang tumungo sa kusina. Bigla na lang akong nauhaw. Isang linggo na kaming nakabalik ni Mommy from Cebu. Tatlong araw lang kami roon. Hindi ko na inistorbo pa si Yaya Rosa dahil alam kong busy ito sa paglalaba. Malapit na ako sa kusina nang matunugan kong may mga nag-uusap sa loob. Hindi na muna ako tumuloy at huminto na lang muna ako.

"Hindi mo na yata kinukulit si Lily. Matagal-tagal na rin kitang nahahalatang behaved," narinig kong wika ni Kuya Sean. Alam kong si Blake ang kausap at tinutukoy nito.

"Wala, eh," matipid na sagot naman ni Blake.

"Ano'ng ibig mong sabihin? Nagsawa ka na? May iba ka na bang apple of the eye?"

Palihim kong sinilip ang mga ito upang tingnan ang reaksyon ni Blake. Nakatungo lang ito at nakatitig sa Coke-in-can na hawak nito.

Tumikhim naman si DM bago nagsalita, "Ang totoo niyan, galit yata si Lily sa amin, pare. Ito kasing si Blake, eh. Pinakiusapan akong dalhin si Lily sa isang bakanteng classroom para lang kausapin. Ang masama, ini-lock pa namin ang pinto para hindi ito makaiwas. She cried that day."

"What?! Alam niyo namang may bad experience ang kapatid ko. Bakit niyo gagawin ang gano'n sa kanya? Kelan 'yan?" Biglang tumaas ang boses ni kuya sa dalawang kausap.

"Before graduation. It's not what you think. Hindi 'yon ang dahilan kung bakit siya umiyak. Maybe it was what they talked about," depensa naman agad ni DM.

"Nag-away ba kayo?" Tanong ni kuya kay Blake na tahimik pa rin.

Nakita ko namang nagkibit-balikat si Blake. "She doesn't like the idea of me liking her. Alam naman nating lahat 'yon. Ako lang talaga ang makulit. Isang taon na niya akong hindi pinapansin so sige. Okay na. Titigilan ko na lang siya."

Bigla namang tumawa si kuya. "Gago! Nagseselos lang 'yon sa inyo ni Keyyah. Kung makadikit naman kasi 'yong kaibigan niyang 'yon sa'yo. Shit, pare. Hindi mo man lang ba napansin 'yon?" Patuloy pa rin sa pagtawa si kuya. "Tingnan mong itsura mo, bro. Capable ka palang mag-emote? Hindi ko alam na ganyan ang effect ni Lily sa'yo. Pero, dude, believe me. Nagseselos lang 'yon."

Agad naman akong bumalik sa kwarto ko. Hindi ko na pinakinggan pa ang sumunod nilang usapan. Ano'ng nagseselos ang pinagsasabi ni kuya? Ako? Magseselos kina Blake at Keyyah? Kelan pa?

- - - - - - - - - -

#TrueLoveAlways #BlakeAndLily

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon