Part 18

746 41 42
                                    

Part 18

(Blake's POV)

Lumipas ang mahigit dalawang taon and from being a model, I was also able to make a name in photography. May mga business partners na rin ako for events and parties kung saan ako ang official photographer nila. Sa umpisa, hobby ko lang ang pagkuha ng litrato pero naging passion ko na ito eventually.

"Hindi pa ba tapos 'yan?" Nababagot na tanong ni DM sa niluluto kong adobo. "Kung bakit kasi pinag-dayoff mo 'yong mga maids mo. Gutom na ako." Nakasimangot itong umupo sa harap ng mesa.

"Nasaan na ba si Sebastian?" Tanong ko rito.

"Tinawagan kong kumuha pa ng pagkain sa labas. Wala akong tiwala sa luto mo."

"Hoy, Fontanilla, nakikikain ka lang. Huwag ka ngang magreklamo."

Hindi naman nagtagal at dumating na rin si Sean. Mabilis itong tinulungan ni DM sa mga dala nito at ito na rin mismo ang naghain sa mga pinamili ng isa.

"Dahan-dahan naman, DM! Para kang hindi nakakain ng isang buwan." Inihain ko na rin ang kanin at adobo sa mesa.

"Nakaka-stress kasi sila sa bahay. Hindi ako makakain nang maayos," sagot nito.

"Magpaampon ka na lang kay Blake," sabi naman ni Sean. Saka biglang hindi itinuloy ang pagsubo sa pagkain nito na para bang may naalala. "Blake, narinig mo na?"

"Na ako ang pinakagwapo sa ating tatlo? Sure, man," pilosopo ko namang sagot dito.

"Gunggong. Break na sina Lily at Jorge."

Sakto namang isinubo ko ang laman ng kutsara ko kaya labis ang pagkabigla ko sa narinig ko. Nabilaukan ako halo-halo dahil sa init at alat ng lasa ng niluto kong adobo. Pero higit sa lahat dahil sa sinabi ni Sean. Nanlaki ang mga mata ko. "Sigurado ka, bro?"

Nagkibit lang ito ng balikat.

Mula pa noon, pumaparaan si Sean sa pagsabing huwag kong isusuko ang kapatid niya. Kahit hindi nito kailanman sinabi sa akin nang direkta na gusto niya ako para kay Lily, may mga ginagawa at sinasabi itong mga bagay-bagay na nararamdaman kong ako ang gusto niya para sa kapatid nito. Madalas itong nagsusungit sa akin pagdating kay Lily pero matagal ko na siyang kaibigan. Alam ko kung ano ang genuine at fake na ugali niya.

Binasag naman ni DM ang ilang sandaling katahimikan. Para itong nakaapak ng bubog sa tindi ng reaksiyon nito.

"Aaaaahhhh!" Bigla itong napatayo at tinungo ang ref kung saan naglabas ito ng juice drink. Parang nilamukos na papel ang mukha nito. Hindi maipinta. Mabilis nitong ininom ang laman ng bote saka namumulang umupo ulit sa harap ng mesa. "Isang sako ng asin ba ang nilagay mo sa adobo mo?"

Napailing naman si Sean at agad ibinalik ang kinuhang adobo sa bowl.

"Pasalamat ka good mood ako ngayon dahil sa balita ni brother-in-law. Kung hindi, palalayasin kita dahil sa panlalait mo sa luto ko."

(Lily's POV)

"I told you, Jorge. It's over. We can't do this anymore kasi it's not working."

"I am the one who's only making this work. How about if you do your part also? More than two years, Lily, ako lang ang nagtrabaho para mag-work ang relationship natin. You, on the other hand, never gave a damn! Tapos biglang sasabihin mong hindi mo na kaya?"

"Four months na tayong wala, Jorge! We're over. Ihinto mo na ang sasakyan."

"Yes. Four months na rin na hinihintay ko ang paliwanag mo. So if you only tell it to me now!"

"I've told you, Jorge. I don't want to be unfair to you kasi..."

"Kasi na kay Blake talaga ang puso mo?"

Umiling ako. "Ihinto mo ang sasakyan."

"No! You tell me right here, right now! Mula noon hanggang ngayon, si Blake pa rin, Lily? You see him displaying his face with all the women he meets but you still like him? No, of course you don't like him. You still love him?"

"Stop the car, Jorge!"

"Sabagay kahit naman pala may kasama siya kung dumating ka na at nakita ka na niya, iiwan niya kahit pa anak ng presidente para puntahan, samahan at buntutan ka. You two have always that kind of shit!"

Sinubukan ko ulit tawagan si Kuya Sean pero hindi ito sumasagot. "Just stop the car and let me go, Jorge." Ibinaba ko na ang cellphone ko.

"Ginamit mo lang ako!"

"I'm sorry, Jorge. But I tried. I tried my best to love you back..." Umiiyak kong sagot dito.

"I knew. I've always known. Ang laki kong tanga!"

"Huminahon ka lang, Jorge. Please. I'm sorry. I'm really sorry, Jorge. I'm sorry. I'm sorry..." Umiiyak kong wika at hinawakan ko ang mga kamay niya. Inihinto nito ang sasakyan sa isang tabi. "I'm not the one for you. You don't deserve me. I am not worthy of you. Napakabuti mong tao, Jorge. You are meant for someone else na mas pahahalagahan ang mga efforts mo. Hindi 'yong kagaya kong sarili lang ang iniisip. I've decided to end us dahil ayokong mas lumala pa ito. You are a great person. And you waited for me for how many years tapos ganito lang ang gagawin ko sa'yo. Noong una, talagang gusto lang kitang gamiting instrument to clean myself. To be renewed. Pero along the process, nakita ko kung gaano ka kabuting tao and then I realized that you and I are not made for each other. Because you have a clean slate to work on everyday. Samantalang ako, dahil lang sa isang pagkakamali, ang dami kong nasirang relationships. I'm not who you think I am, Jorge. People may see me and admire me pero may malaki akong kasalanang nagawa sa taong mahal ko and yes, that's Blake. But instead of correcting my mistake, I turned my back from every chance. You don't deserve me, Jorge. Gusto kong malaman mong nagsisisi ako sa ginawa ko. But thank you kasi napagtanto kong you're with the wrong person all the while. And you don't deserve anything of me. I'm sorry, Jorge."

Nakarinig ako ng click sa loob ng sasakyan hudyat that the doors were unlocked. Huminga nang malalim si Jorge saka nito binawi ang mga kamay nito sa akin. "Get out, Lily."

Dahan-dahan akong bumaba sa sasakyan nito at nang makalabas ako, mabilis nitong pinalipad ang kotse. Pinunas ko ang mga luha ko saka ko tinawagan ulit si kuya pero hindi pa rin ito sumasagot. Si Blake ang sumunod kong tinawagan ngunit gaya ni kuya, hindi rin ito sumasagot. Nag-send na rin ako ng texts dito pero wala pa rin.

Hindi ako sanay sa kalsada. Worse, hindi pa ako kailanman nag-commute. Inikot ko ang mga mata ko sa gas station na pinang-iwanan sa akin ni Jorge. Sa bigat ng nararamdaman ko dahil sa sakit na idinulot ko sa kanya, pumara ako at sumakay sa isang bakanteng taxi.

For the first time in my life, naramdaman ko ang tunay na reality. Kung ano talaga ang katotohanan sa likod ng mga kasinungalingan ko. Ang lahat-lahat ng idinulot kong sakit sa mga taong hindi deserve ang lahat ng ginawa ko. Kay Jorge na sa simula pa lang napakabuti na sa akin. Kay Blake na sa simula pa lang nandiyan na at hindi ako sinukuan. Kay Shakira na nagsilbing taga-salo sa mga problema ko. At sa isang taong hindi kailanman nakita ang kagandahan ng mundo.

Pagdating ko sa bahay, ibinuhos ko lahat-lahat ang luha ko dahil hindi ko alam kung paano ko itatama ang mga nagawa ko. Sana nagkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin na lang nang mas maaga ang lahat kay Blake para hindi ako pinapatay ng konsensiya ko.

- - - - - - - - - -

#TrueLoveAlways #BlakeAndLily

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon