Bonus 1

773 34 31
                                    

BONUS 1

THE SECRET MESSAGE

(In Willa's POV aka ambushed girlfriend aka DM's love life aka Goddess of Love aka Love Hotline; Setting – PUERTO PRINCESA, PALAWAN at the hotel)

♡♡♡

"This is just between me and you, okay? Never tell DM and especially, Sean. Utang na loob, Willa." Blake looked so desperate. He pleaded like whatever that was, it was a matter between life and death.

"Suhulan mo muna ako," pang-aasar ko sa kanya. Sarap na sarap ako sa kinakain kong chocolate cake. Sinabihan ko kasi siyang bago niya ako pagtrabahuin ng kung anumang gusto niyang ipagawa, nag-request muna ako ng isang order ng chocolate cake at buko juice. Siyempre, marami pa siyang reklamo bago niya ako pinagbigyan.

Siya naman ay nag-order ng kanyang kape at nag-request pa ng pandesal na may Cheez Whiz. Sinunod naman siya ng mga staff. Pambihira. Napaka-demanding.

"Bigyan mo na ako ng instructions para matapos na 'to." Sabay namang natapos kaming dalawa sa pagnguya sa mga nai-serve na pagkain sa amin.

Inilabas niya ang kanyang cell phone. Pumindot-pindot lang nang kaunti pagkatapos ipinakita sa akin ang isang thread ng conversation na naka-save sa kanyang inbox.

"I want you to decode what's the truth in these messages," seryoso niyang saad. Kinuha ko naman ang phone niya.

"Sino naman si Lily Bear? Kailangan talaga may heart?"

Nang hindi siya sumagot, tiningnan ko siya at nakita ko ang isang maamo at maaliwalas na mukha ni Blake. 'Yong parang may white na shining aura pang naggo-glow sa paligid niya. And then I realized something.

"Si Lily na kapatid ni Sean?!" I gasped.

Para naman siyang batang biglang tinutop ang bibig ko. "Ssssshhhh! Your voice!"

Tinanggal ko naman ang kamay niya sa bibig ko. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko. Para kaming mga batang nag-uusap. Wala na ngang tao sa part ng restaurant kung saan kami nakaupo maliban sa amin, nagbubulungan pa kami.

"In love ka ba sa kanya, Blake? Oh my goshness." Hindi ko talaga mapigilang ma-amaze kay Blake. From the outside, he looked so playful and boastful and a lot of a heartbreaker pero ang naka-save na contact ni Lily sa kanyang phonebook ay Lily Bear (with a heart character).

Lily Bear ♡

"Just read the messages and tell me your interpretation. Do it."

"I can't believe it. Akala ko ine-echos mo lang si Sean kapag nagtutuksuhan kayo about that Lily girl."

"Just read the messages. Ang dami mo pang sinasabi."

"Eh bakit ako? Bakit hindi na lang si Sean ang tanungin mo?"

"Are you crazy? Ano naman ang magiging interpretation no'n sa mga messages na 'yan? Baka sakalin at itapon pa niya ako. Sayang naman ang kaguwapuhan ko."

"Eh bakit ako?"

Kumunot lang ang noo niya. "Kapag hindi mo pa inumpisahang basahin at pag-aralan 'yan, sasabihin ko kay DM na sine-seduce mo ako. Tingnan ko lang kung matuloy pa 'yang kind of fairytale ninyong dalawa."

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon