Part 25

795 33 25
                                    

Part 25

(Lily's POV)

Nasa grocery section ako ng isang mall at habang binabagtas ko ang aisle kung nasaan ang mga feminine products, kausap ko rin sa cellphone ang fiancé kong si Blake. Gustung-gusto ko talaga siyang tinatawag na fiancé kahit pa hindi ideal ang proposal na ginawa niya. After I told him about how I lost our baby, doon din niya ako inalok ng kasal. And instead of an engagement ring, he sealed my yes with a kiss. I never asked for a ring though. At iyon ang dahilan kung bakit nagmamaktol ito sa kabilang linya.

"Whether you like it or not, bibili na talaga ako ng engagement ring," matigas na wika nito. Naglagay naman ako ng tatlong bottle ng shampoo brand ko sa cart.

"August na ngayon, B. We're almost there. Hindi na kailangan 'yan," sagot ko naman dito. "Ang importante, 'yong wedding ring. Isang singsing lang ang isusuot ko at iyon ay sa December pa."

"But..."

Hindi ko na hinayaan pang matapos ito, sumagot na ako agad, "B, how many times do I have to tell you na I don't need an engagement ring?"

"Paano kung umatras ka?"

"Now you're being childish, Blake Formosa."

"We need a ring."

Sinapo ko ang ulo ko dahil sa kakulitan ni Blake. "Aatras ako kapag bumili ka."

And as expected... "Whaaaaaaattt?! No freaking way! Sige, hindi na ako bibili pa."

Napangiti ako. Narinig ko na lang itong may sinasabi sa kabilang linya. Nasa isang jewelry shop na siguro ang loko. "Hindi. Hindi na ako kukuha. Pakibalik na lang ang mga ito. Thanks sa pag-assist." Nakarinig naman ako ng mga kaluskos. Hindi nga ako nagkamali, nasa shop talaga ito.

Nagpatuloy naman ako, "Ah, basta. Oras na may bilhin kang wala akong approval, aatras talaga ako. Mas mahalaga pa iyang singsing than a well-saved future with me? That's too costly."

"Oh, oh. Relax na, Bear. Hindi na nga. Wala na nga. Nasa labas na nga ako, eh. Bear naman. Ito nga oh. Sasakay na po ako sa kotse. Narinig mo 'yong switch? Oh, naririnig mo? Naka-turn on na 'yong engine. Nasa kotse na ako. Wala na po ako sa shop. Oh, bubusina pa ako."

BEEEEEP!

Humagikhik naman ako. Na-i-imagine ko na lang itong parang baliw sa loob ng kotse nito. "Sira ka talaga."

"Basta, Bear, walang aatras ha? December na talaga ha?"

"Oo na nga. Ano ba kasi ang naisip mo at bigla na lang gusto mong bumili? Sinabi ko naman sa'yo noon na hindi ko kailangan ng ring."

Narinig ko itong bumuntung-hininga sa kabilang linya. "May isang bagong unggoy na model kasing nagsabi mismo sa harap ko na nakita na raw niya ang destiny niya. Nang tanungin no'ng isa ring unggoy na kasama namin sa agency kung sino, sinabi ba naman ang buong pangalan mo? Nakakabwisit. Gusto ko siyang kaladkarin at ihulog sa Bulkang Mayon."

Ngumiti naman ako. "Hmmm. Parang kilala ko 'yan ah. Siya ba 'yong model ng magazine cover namin this month?"

Napansin ko ngang habang ginagawa namin ang issue namin for this month, mahilig itong magpapansin sa akin. But my bestfriend, Shakira, did the warning. Na-miss lang siguro nitong banggitin kung sino at kanino ito dapat matakot. Kay Blake. My Blake Formosa.

"Mismo, Bear! Doon ka raw niya na-meet. Kung hindi lang ako pinigilan ng kasama ko, wala na siyang imo-model pang katawan sa susunod."

"Oh, ayan na naman 'yang napaka-morbid mong imagination. So na-threaten ka naman?"

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon