Part 6

891 47 37
                                    

Part 6

(Lily's POV)

"Lily," bigla na lang sumulpot sa harapan ko ang pigura ni DM. Katatapos lang ng praktis sa skit presentation namin for our Filipino subject para sa susunod na araw. Ang grupo namin ang huling natapos. Marami na ang nakaalis kanina pa at akala ko nga nakaalis na rin si DM dahil kabilang siya sa kabilang grupo.

"DM, bakit narito ka pa?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Tila naman nag-isip ito nang malalim at hindi ito nakasagot agad.

"Kasama mo pa rin si Blake?" Sumunod kong tanong. Silang dalawa kasi ang magkasama sa grupo.

Umiling ito. "Nauna na siya."

"Ohhhh." Nagtaka naman ako dahil nasanay ako ritong hinihintay ako kapag ako ang may huling activity sa school. Kahit pa magkaiba ang direksiyon namin pauwi, hinihintay pa rin niya ako at inihahatid sa parking lot kung saan naroon ang sundo namin ni Kuya Sean. "Bakit daw?" Hindi ko naman napigilang tanungin.

Nagkamot naman ng ulo ang kaharap ko. "Actually, sinabihan ko talaga siyang ako na lang ang maghihintay sa'yo ngayon."

Mas nagtaka naman ako. Si DM? Hihintayin ako? Unexpected!

"Pumayag si Blake?" Tanong ko na lang dito.

Tinanguan naman ako ni DM. "Lily, gusto kong mag-usap tayo."

Tuluyan nang nawala isa-isa ang mga kasama ko at kami na lang ni DM ang natira sa hallway. Nag-umpisa naman akong maglakad at sumabay naman ito.

"Iniiwasan mo ba ako?"

"Bakit naman kita iiwasan?"

"Napansin ko kasing iniiwasan mo ako kapag nasa inyo ako at kahit din dito sa school."

"Hindi kita iniiwasan, DM."

Huminto ito sa paglakad kaya napahinto rin ako.

"I'm sorry kung nasaktan ka sa sinabi ko no'ng first year tayo."

Huminga naman ako nang malalim. "Okay lang 'yon. Tapos na 'yon kaya huwag na lang nating pag-usapan."

"I'm really sorry, Lily."

Napatitig naman ako sa kaharap ko.

Last year, nagkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin si DM at ibigay ang regalong binili ko noong grade five pa lang kami para sa kanya na dapat ibibigay ko on our recognition day that year. Pero hindi niya tinanggap ang relong binili ko. Sinabi niyang kalimutan ko na lang ang nararamdaman ko para sa kanya hangga't maaga pa. Sinabi niyang pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa akin. Kahit masakit para sa akin ang lahat ng sinabi ni DM, unti-unti kong tinanggap sa sarili ko na kailangan ko na talagang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya hangga't maaga pa.

"Okay na nga."

"Are you sure? Pero bakit iniiwasan mo ako?"

"Wala naman kasi akong sasabihin sa'yo. Saka huwag mo na lang kasing isipin. Basta okay naman tayo."

Ngumiti naman ito. "Okay. Sige, ihahatid na kita sa sundo mo."

Tumango na lang ako at ngumiti rin dito. Nalulungkot pa rin ako, honestly, pero I have to move on.

Nang makarating na ako sa bahay, nadatnan ko si Kuya Sean sa sala na may kausap sa telepono. Hindi na raw niya ako nahintay kanina at nauna na lang daw ito. Nag-commute na lang daw ito sabi ng driver namin.

"Oh, nandito na si Lily. Kararating lang." 'Yon lang ang sinabi nito sa kausap at iniabot na ang telepono sa akin. "Kausapin mo na 'yan, utang na loob! Kanina pa niya iniistorbo ang lahat ng linya ng telepono!"

Kumunot naman ang noo ko. Inabot ko na lang ang awditibo rito. "Hello?"

"Bear!!!" Inilayo ko nang kaunti ang telepono sa tainga ko dahil sa sobrang lakas ng pagkakatawag ni Blake sa akin. "Bakit naman ang tagal mong umuwi?"

"Na-late kaming natapos sa praktis," sagot ko naman dito.

"Kahit kailan talaga hindi mapagkakatiwalaan si Fontanilla. Hayaan mo, Bear, hindi ko na hahayaang ganitong oras ka uuwi."

Napangiti naman ako. "Sige na, magpapalit pa ako. Ba-bye."

"Bye, Bear. Miss you."

- - - - - - - - - -

#TrueLoveAlways #BlakeAndLily

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon