Part 10

960 46 41
                                    

Part 10

(Lily's POV)

"Bear..."

Napalingon ako sa tinig na nagsalita. Pababa ako ng hagdan nang mabilis naman akong sinabayan ni Blake. Galing siguro ito sa kwarto ni kuya. Nanonood sila ng Daimos kasama rin siyempre si DM.

"Buti naman lumabas ka na rin sa kwarto mo. Kanina pa kita tinetyempuhan."

Naalala ko bigla ang narinig kong usapan nilang magkakaibigan sa kusina no'ng isang araw. At kay Kuya Sean pa mismo nanggaling na nagseselos daw ako kina Blake at Keyyah. Para tuloy akong biglang na-conscious sa katabi ko. Nakababa na kami ng hagdan at sinamahan pa rin niya ako hanggang sa kusina.

Kahapon, sa bahay nina DM sila nagtambay na tatlo. Ang pagkakaalam ko kina Blake naman sila dapat ngayong araw kaso nagulat na lang ako nang malaman ko kay Yaya Rosa na magkasunod na namang dumating sina Blake at DM.

"Bear..."

Nakasunod lang ito sa lahat ng dako ng kusinang pinupuntahan ko. Nang umupo ako sa harap ng mesa, umupo rin ito sa katapat ko.

"Bear naman," huminto ito para bumuntung-hininga. "Sorry na sa lahat ng kasalanan ko."

Humalukipkip naman ako. "Ano bang kasalanan mo?" Mataray kong tanong.

"'Yong pagbili ko ng gayuma. Oo, sige na, aamin na ako. Bumibili talaga ako pero hindi ko ginagamit." Tila nahihirapan nitong wika. "Promise!" Itinaas pa nito ang kanang kamay na parang namamanata. "Nasa kwarto ko lang sila pero itinapon ko na rin lahat. I don't know how to use them."

Itinago ko naman ang pagngiti. "Okay."

"Sorry din dahil I forced you to talk to me before. Sorry talaga, Bear. Sorry."

Tumango-tango naman ako. "Okay."

Bigla naman itong ngumiti nang nakakaloko pero bigla ring bumalik sa kunyari napakaamong mukha. Akala siguro nito hindi ko siya mahahalatang nagdadrama lang. "Saka sorry kung nagselos ka kay Keyyah." Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagtaas ng sulok ng labi nito pero agad ding nawala.

"Nangti-trip ka ba, Blake?" Mataray kong tanong.

"Hindi, ah!"

"Eh bakit hindi mo mapigilan 'yang pagngiti-ngiti mo?"

"Hindi! Sino'ng ngumingiti?"

"Ayan, oh! Oh! Bakit sumisimple kang ngumingiti? Oh! Ayan, oh! Akala mo hindi ko mapapansin?"

Hindi na nga nito naitago pa ang nakakalokong ngiti. "Hindi mo naman kasi sinabing nagseselos ka..."

"Hindi ako nagseselos!" Masungit kong putol sa sinasabi nito.

"Weh? Eh bakit ganyan ang reaksyon mo? Ayan, oh! Oh! Bakit ganyan?"

Mabilis naman akong tumayo at inabot ang ilong nito para kurutin.

"Aray! Sige na. Tama na. Hindi na kita aasarin."

Umupo na lang ulit ako at humalukipkip.

"I'm surprised you got jealous. I mean, seriously? Pero, Bear, walang sinuman ang makakatumbas sa'yo. Not Keyyah or anyone else."

Tinaasan ko naman ito ng kilay.

"Totoo! Peks man! Actually, I have something for you. Binili ko ito sa Quezon." Tumayo ito at dinukot ang isang bagay sa side pocket ng pantalon nito. "Here."

Kinuha ko naman dito ang isang cute na cute na Doraemon coin purse. Bigla tuloy nagkaroon ng liwanag ang paligid ko. "Wow. Thank you, Blake."

Nakangiti naman itong lumapit sa akin saka inilapit ang tungki ng ilong nito sa ilong ko. "Anything for you, Bear."

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon