Part 8

817 49 24
                                    

Part 8

(Lily's POV)

Nasa sala kami ng bahay nina Blake. Kaming dalawa ni Kuya Sean. Dalawang linggo matapos ang nangyari sa school gym, nasibak as faculty member si Sir Brenan at kinakaharap nito ang patung-patong na kaso patungkol sa mga nilabag niyang batas.

Nang magkamalay ako pagkatapos kong mahimatay mula sa lakas ng suntok ni Sir Brenan na sa akin tumama, agad kong inilahad lahat ng nangyari kina Mom and Dad. Iyak ako nang iyak habang inilabas ko lahat ng katotohanan. Nandoon din si Kuya Sean at labis-labis din ang pagkamuhi nito sa nalaman. Galit na galit si kuya at pinagsusuntok nito ang matigas na pader ng hospital room. Humingi ito ng tawad sa akin pero sinabihan ko itong wala siyang kasalanan. Mabilis namang kumilos ang mga magulang ko. Pati na ang school administration. Ipinangako nila sa aking sisiguraduhin nilang makakamit ko ang hustisya.

Hindi muna ako pinapasok nina Mommy sa school ngunit nagpumilit akong bisitahin si Blake sa bahay nila ngayong araw dahil hindi ko pa ito nakikita mula no'ng insidente. Dahil walang pasok, nagprisinta si kuya na samahan ako sa kanila.

Agad akong tumayo sa sofa nang makitang bumaba ng hagdan si Blake. May mga pasa pa ito sa mukha at braso.

"Hi, Bear." Ngumiti ito pero hindi kasing-sigla nang nakasanayan ko.

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko. Nilapitan ko ito at niyakap habang iyak ako nang iyak. "K-kasalanan ko k-kung bakit ka n-nasaktan. S-sorry, B-blake."

Hinagod lang nito ang likod ko. "Ano ka ba? Kelan ka pa nagkaatraso sa akin? Tahan na."

Nang kumalas ako rito, nakita kong ngumingiwi ito. Dahil siguro sa higpit ng yakap ko kaya sumakit din ang mga pasa at sugat nito.

"Maupo ka na, Bear. Saka huwag ka nang iiyak." Pinunas naman nito ang mga luha sa pisngi ko.

Umupo naman ulit ako sa tabi ni kuya. "Pero salamat, Blake, ha? Kasi kung hindi dahil sa'yo baka mas malala pa 'yong nangyari."

"Hindi ako papayag na may mangyaring hindi maganda sa'yo, Bear. Pangako. Ililigtas kita hangga't kaya ko."

Bigla namang tumikhim si kuya at nagsalita, "Nagpapa-cute ka na naman. Umayos ka nga."

Binato naman siya ni Blake ng unan. "Bakit ba kasi sumama-sama ka pa kay Lily Bear? Napakaatribida mo. Umuwi ka na nga."

Sasagot na sana si kuya nang biglang humahangos na dumating si DM. Parang kagagaling lang nito sa mabilis na pagtakbo.

"Hay! Bakit naman sa lahat pa ng oras, ngayon ka rin darating? Wala man lang akong matinong moment kasama ang Bear ko? Pambihira naman kayong dalawa, oh! Umuwi na kayo!" Singhal ni Blake sa kadarating lang na si DM.

Napatawa naman ako sa inasal niya pero parang walang narinig si DM at sumiksik na lang sa tabi ni kuya.

"Ano ba, DM?!" Sita ni kuya rito.

"May clown sa labas!" Mas isiniksik pa nito ang sarili kay kuya. Lalo namang umasim ang mukha ng kapatid ko.

Tumawa naman nang malakas si Blake. "Gago ka talaga, DM. Kalalake mong tao, takot ka sa clown? Ano'ng silbi ng kagwapuhan mo ngayon?"

"Takot si DM sa clown?" Tanong ko naman. Hindi ako makapaniwala. May party kasi sa kapitbahay nina Blake. Doon siguro nakita ni DM ang clown na sinasabi niya.

"Huwag mo na lang siyang pagtuunan ng pansin, Bear." Tumayo naman si Blake at inilahad ang isang kamay sa harap ko. "Punta na lang tayo sa kusina tapos ipaghanda mo na lang ako ng meryenda, please?" Nag-puppy eyes pa ito.

"Hoy, Formosa, huwag mong uutus-utusan ang kapatid ko."

Umismid lang si Blake kay kuya. "Baka nakakalimutan mo, Alegre, nasa teritoryo kita."

Tumawa naman ako at tinanggap na ang kamay ni Blake. "Sure. Ipaghahanda kita ng meryenda."

☆☆☆☆☆

"Hi, Bear!"

Iwinaksi ko ang kamay ni Blake na humawak sa kamay ko.

"Oh, bakit?"

"Akala mo ba hindi ko malalaman na bumili ka ng panggayuma mo sa akin?"

Tila nagulat naman ito. "Ano'ng sinasabi mo? Kanino mo nalaman?"

Weekend noon at nasa bahay sila ni DM. Iniwan lang ni Blake sina kuya at DM na naglalaro ng basketball sa likod-bahay nang makita niya ako.

Kahapon sa school, nakita at narinig ko sila ni DM na pinag-uusapan ang kabibili lang ni Blake na gayuma sa Quiapo. Narinig ko itong tinatanong si DM kung natatandaan nito ang sinabi ng tindera kung paano gagamitin ang gayuma. Sa sobrang inis ko rito, isinumbong ko ito kay kuya. Tinawanan lang ni kuya ang sinabi ko. Kaya bwisit na bwisit ako sa kanilang tatlo.

"Huwag mo muna akong kakausapin."

"Bear, teka lang! Sorry na."

"Isinumbong na kita kay kuya."

"Let me ex..." Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang nagsidatingan na rin ang mga bisita ko. Sila ang mga kaibigan ko noon sa all girls' school na pinag-aralan ko bago ako nag-transfer kina kuya.

"Hi, Lily!" Sabay na bati sa akin nina Keyyah at Pinky.

Iniwan ko naman si Blake at tumungo na sa mga kaibigan ko. "Hello, girls! Upo muna kayo."

Sumilip naman sa likod ko si Keyyah. "Hi there, gorgeous!" Kumaway ito kay Blake. Saka ito tumingin sa akin. "Girl, ipakilala mo naman kami sa boylet mo."

"Hindi ko siya boylet. Kaibigan siya ni kuya," sagot ko na lang dito. Nagulat na lang ako nang lapitan ni Keyyah si Blake.

"Hi! I'm Keyyah," narinig kong bati niya kay Blake. Nilingon ko ang dalawa.

Tumango lang si Blake at tinanggap ang pakikipagkamay ng kaibigan ko. "Blake," matipid nitong sagot.

- - - - - - - - - -

#TrueLoveAlways #BlakeAndLily

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon