Part 24

785 31 42
                                    

Part 24

(Lily's POV)

May natanggap akong tawag galing kay Blake kaninang nasa opisina pa lang ako na hindi niya raw ako masusundo ngayon dahil may kliyente raw siyang pupuntahan sa Antipolo. Pagkatapos ng trabaho, nagpaalam ako sa mga kaibigan kong sina Shakira at Vicky na mauuna na. Agad namang pumayag ang mga ito dahil may sari-sarili silang lakad.

Nagpasya akong huwag na lang magpasundo kay Kuya Sean at dumiretso muna sa isang mall para maglakad-lakad. Dinala naman ako ng mga paa ko sa isang men's shop. Tumingin-tingin ako ng mga maaari kong bilhin para kay Blake. Hindi ito mahirap hanapan ng isusuot dahil likas na maganda ang pangangatawan at complexion nito. Sabi nga nitong ipinanganak daw talaga siya para mabawasan ang problema ng mundo just by the presence of his unexpainable good looks. Yup. That's my Blake.

"Excuse me."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Model ito ng ilang commercials both in print and TV at minsan na rin siyang nakasama ni Blake sa TVC ng isang perfume.

"Lily, right?" Tanong nito at mas lumapit pa ito sa akin. Hindi maitatangging model ito dahil sa ganda ng mukha at tangkad nito.

"Yes," normal kong sagot.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at bumalik pa. Saka sinabing, "At last. Nakita rin kita nang malapitan."

Nagkibit ako ng balikat. I know na ex-girlfriend siya ni Blake because of that TVC perfume. I know that their relationship didn't reach three months. I know that they broke up because of me. But that was from long ago. At never pa akong nilapitan ng kahit sino'ng ex-girlfriend ni Blake so what now and why now?

"You're not that pretty naman pala gaya ng naririnig ko. Sa malayo ka lang maganda."

Nabigla ako sa tinuran nito. I can't believe na may magsasabi sa akin na sa malayo lang ako maganda. Hindi naman sa pagmamayabang pero I know myself. Bulag ba siya? Dahil sa inis sa babae, itinuloy ko na lang ang pagtingin-tingin sa mga polo shirts sa isang rack.

Tumabi lang ito sa akin. "You know, matagal na talaga kitang gustong kausapin but Blake wouldn't approve. It's good that I saw you earlier and found out na hindi mo kasama si Blake."

Huminga ako nang malalim. This is my first time to be ever confronted by anyone from Blake's past kaya hindi ko alam kung paano mag-respond.I don't even know some of the names ng mga exes niya, including this one. Basta alam ko lang sa mukha. Though I work in a magazine, may mga models pa rin naman akong hindi kilala lalo pa't hindi namin ito kinukuha sa any of our features. I tried to stay calm though.

"You may not know pero ex-girlfriend ako ni Blake. At naghiwalay kami one night sa isang event where he saw you and went to you at iniwan na lang niya ako na parang wala lang. Iniwan niya akong girlfriend niya at sa'yo na bumuntot." Hinawakan niya ako. "I am talking to you so you better face me and listen to me."

Hinarap ko naman ito pero pinilit na magpakapormal.Mukha itong sasabog sa galit. Namumula na ang mukha nito and her teeth are gritting. I braced myself.

"My name is Candice and I'm very glad na magagawa ko na ang dapat matagal ko nang ginawa sa'yo. You're a bitch!" Galit na sigaw ng kausap ko. As expected, sumabog na nga ito. May lumapit sa aming staff ng shop pero bago pa ito makapagsalita, tiningnan ito ni Candice. So that's her name. "You stay there until I'm done with this bitch! Huwag kang makisawsaw!"

"Candice," pigil ko rito. Nakatawag na kami ng atensyon. Marami nang nakatingin sa amin. May nakita rin akong isang customer na inilabas ang cellphone para siguro kunan ang eksena namin. Doon ako kinabahan. I don't want scandal in any form.

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon