Part 3
(Lily's POV)
Isang linggo before our Recognition Day sa school, napagdesisyunan kong bumili ng regalo para kay Dominic Marcus na ibibigay on our recognition day itself. Kahit hindi na nasundan ang pag-uusap naming dalawa at puro na lang tanguan ang nagsisilbing means of communication namin, nag-ipon pa rin ako ng lakas ng loob para magawa ang isang napakahirap na bagay.
Ang lapitan ito at ibigay ang isang regalo.
Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang may tumawag sa akin. "Hi, Bear!"
Napasimangot ako. Nasa school library ako at kasalukuyang nangangarap nang gising pero mukhang hindi na naman ako makakarating sa happily ever after ng panaginip ko.
"Nabuksan mo na ba 'yong gift ko sa'yo?"
Umupo ang classmate kong si Blake sa katapat kong silya. Sa lahat siguro ng may crush sa akin, ito ang pinakamakulit at pinaka-persistent.
"Nagustuhan mo ba?"
Huminga ako nang malalim. "Blake, ilang beses ko pang sasabihin na huwag ka nang magbibigay ng regalo?"
"Bear, nothing and no one can stop me from doing things for you," mabilis naman nitong sagot.
"Papagalitan na ako ni Kuya kapag nagpatuloy ang pagbibigay mo ng gifts."
Ngumisi naman ito. "Bakit naman siya magre-react? Hindi naman siya ang binibigyan ko."
"Basta. Huwag ka nang magbibigay pa." Tumayo na ako sa mesa at kinuha ko na rin ang mga gamit ko. Marami na naman kasing grupo ng mga estudyante ang nakatingin sa direksiyon namin. Gaya ni Dominic Marcus, matalino at gwapo rin si Blake. Kaya marami ring nagkakagusto rito. At dahil sa akin siya buntot nang buntot, maraming girls tuloy ang naiinis sa akin.
"Oh, teka. Iiwan mo na naman ako? Magmeryenda muna tayo." Tumayo na rin ito at sumabay sa akin.
Hindi na lang ako umimik pa. Palabas na kami ng library nang eksakto namang papasok si Dominic Marcus. Napatigil ako. Hindi na naman matigil ang pagrigodon ng puso ko.
"Ahhh. D-dominic Marcus," nabigla ako nang hindi ko namalayang tinawag ko pala ito. Huminto naman ito sa harap ko.
"Bakit, Lily?"
Parang biglang naging napakakulay ng paligid. "A-ano kasi. Ummm, a-ano..."
"Bear, okay ka lang?" Napalingon ako kay Blake na nakakunot-noo. Hindi ko ito pinansin at lakas-loob kong sinalubong ang mga mata ni Dominic Marcus.
"Dominic Marcus, gusto ko lang mag-hello sa'yo." Binigyan ko rin ito ng napakatamis na ngiti.
Tila naman nabigla ang kaharap ko dahil sa pagkunot ng noo nito. Lumipas lang ang napakabilis na sandali nang iiling-iling itong nagpatuloy sa paglakad. Nawala bigla ang ngiti sa labi ko. Wala man lang itong sinabi sa akin.
"Hoy! Bastos kang Fontanilla ka!" Wika ni Blake. Nabigla naman ako sa inasal ng katabi ko.
Napahinto tuloy si Dominic Marcus at hinarap ulit kami ni Blake.
"Ang yabang mo rin ah!" Mabilis na nakalapit si Blake dito at walang anu-anong sinuntok ito sa mukha. Nagulat ako sa nangyari at parang lumuwa pa ang mga mata ko sa nasaksihan ko.
Agad ko na lang itong inawat. "Blake! Ano ba'ng ginagawa mo?!"
Nakita kong may mga estudyante nang nagsisilapitan sa direksiyon namin.
"Ba't 'di ka tumayo? Stand up, Fontanilla! Masyado kang pa-charming!" Wika pa ni Blake kay Dominic Marcus.
Hinawakan ko na lang si Blake at inilayo ito rito. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ang aking Kuya Sean na patungo na rin sa direksiyon namin. Iwas agad ang mga estudyante sa pagdaan ng kapatid ko. Mas humigpit pa ang hawak ko kay Blake. Siguradong lagot na ako.
"Get your hands off that man, Lily!" Dumagundong ang boses ni Kuya.
Nang bitawan ko ang kamay ni Blake, walang anu-anong sinuntok ito ni Kuya. Gaya ni Dominic Marcus, humandusay rin ito sa sahig.
- - - - - - - - - -
#TrueLoveAlways #BlakeAndLily
BINABASA MO ANG
Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]
RomanceHanda mo bang isugal ang lahat-lahat para sa pag-ibig? Paano ibibigay ni Lily ang buong puso niya sa lalaking minamahal kung siya mismo ay may agam-agam sa sarili? Handa ba siyang suungin ang lahat ng laban para makamtan ang lubos na kaligayahan? Pa...