Part 4

1K 54 51
                                    

Part 4

(Lily's POV)

"Bebe girl, pwedeng tulungan mo akong magbigay ng meryenda kina kuya mo sa likod? Nasa kusina 'yong bihon at cookies."

Nilingon ko si Yaya Rosa na bitbit ang isang tray. Nagtaka ako nang makita na aside sa isang pitsel ng juice, may tatlong baso pa itong laman.

"Sino'ng kasama ni kuya, yaya?" Nakaupo lang ako sa sala at nagbabasa ng favorite kong Sweet Valley series.

"Mga kaibigan niya. Sila rin yata ang pinupuntahan niya kapag lumalabas siya."

"Sige po. Isusunod ko na po 'yong isang tray," sagot ko rito saka tumayo na at tinungo ang kusina para kunin ang bihon at cookies.

Sumunod nga akong bitbit ang meryenda patungo sa likod-bahay. Nang maibaba ni Yaya Rosa ang tray na hawak niya sa mesa, umalis na ito. Ibinaba ko na rin sa mesa ang tangan ko pero hindi pa ako umaalis sa kinatatayuan ko.

Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi ko sa hindi ko inasahang tao na mismong nasa harapan ko.

Si Dominic Marcus.

Hindi na naman magkamayaw ang tibok ng puso ko. Para na namang may ambulansiya sa loob ko.

"D-dom... D-dominic M-marcus?"

Lumingon naman ito sa akin at kamuntik na akong himatayin sa labis na tuwa. Kumaway ito sa akin at ngumiti. Ngumiti rin ako nang mas matamis pa sa matamis dahil sa inasal nito.

"A-ano'ng ginagawa mo rito?" Naglakad ako sa direksiyon nito ngunit bago pa ako makalapit sa kanya bigla na lang may taong pumagitna sa aming dalawa.

"Bear!!!"

Agad na nawala ang napaka-magical na ambience sa paligid namin ni Dominic Marcus.

"B-blake?" Hindi ako makapaniwalang naririto sa bahay ang mga dahilan kung bakit one week na naglinis si Kuya Sean sa school canteen. Sabagay, kasama rin ang dalawang 'to. Pagkatapos kasi ng suntukan moment noon sa library, pinarusahan sila ng aming school principal.

"Yes, Bear. It's me," sagot naman ni Blake sabay kindat pa sa akin.

"Ano'ng ginagawa niyo rito?" Nagtataka kong tanong sa dalawa.

"Well, na-realize naming tatlo, kasama si Sebastian, na isa pala kaming tropa. Kaya tropa na kami ngayon pati bukas pati magpakailanman." Huminto ito sa pagsasalita at tumitig lang sa akin.

Inirapan ko ito. Sanay na sanay na ako sa pangungulit nito. Sobrang gulo niya at talagang napakapapansin niya sa akin. Hindi ko lang ito maitaboy-taboy dahil hindi naman ako nababastusan dito.

"You're the reason why my world is bright and beautiful, Lily Bear." Hinawakan nito ang mga kamay ko. Binawi ko naman agad ang mga ito.

"Magmeryenda na nga lang kayo. Nasaan pala si Kuya?"

Agad namang sumagot ang kapatid ko, "Bakit?" Narinig ko ang boses nito mula sa likod. "Hoy, Blake, sobrang lapit mo na naman sa kapatid ko. Distansiya!"

Napangiti naman ako sa inasal ni Kuya Sean. Pero si Blake, wala pa ring pakialam. Nakadikit pa rin ito sa akin. Lumakad na si Dominic Marcus at tinungo ang mesa. Akmang kukunin na nito ang pitsel ng juice nang magsalita ako.

"A-ako na. Ako na lang ang magsasalin sa mga baso. Maupo ka na lang." Mabilis kong kinuha ang pitsel dito. Wala naman itong nagawa kundi umupo na lang.

Tumayo naman sa tabi ko si Blake nang masalinan ko ng juice ang mga baso.

"Hindi kita maintindihan, Bear. Mas gwapo at matalino naman ako kaysa kay DM pero bakit mas gusto mo siya?"

"DM?" Sabay-sabay naming tanong nina Kuya at Dominic Marcus.

"Oo. DM as in Dominic Marcus. Ang haba naman kasi ng pangalan mo, bro!" Sagot naman agad ni Blake. "Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mo. Basta ako, tatawagin kitang DM. Masyadong pahirap 'yang complete name mo."

"DM is fine," matipid namang sagot ni Dominic Marcus.

"Anyway, bakit nga ba, Lily Bear? Ano bang meron 'yang lalakeng 'yan? Pero 'di bale, nasisiguro kong maliit lang 'yang nararamdaman mo. Darating ang panahon, sa akin ka rin babagsak. Mrs. Blake Formosa."

After saying that, binigyan na naman ako ni Blake ng kanyang signature wink.

- - - - - - - - - -

#TrueLoveAlways #BlakeAndLily

Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon