Part 12
(Lily's POV)
"Girl, huwag mong mamasamain ang sasabihin ko, ha?"
Nakaupo kami ni Shakira sa isa sa mga bench sa university. Pareho na kaming nasa second year college at abala kami sa paggawa ng assignment namin sa Entrepreneurship.
"Ano 'yon?" Hindi ko naman ito nilingon at patuloy lang ako sa pagsulat sa yellow paper.
"Alam kong close na talaga kayo ni Blake noon pa pero, alam mo 'yon..." Tila ibinitin nito ang sinabi kaya nilingon ko na ito at itinabi muna ang ginagawa ko.
"What are you trying to say, Shakira?"
Huminga muna ito nang malalim saka tumayo at naglakad pabalik-balik sa harapan ko. "Well... I mean, alam mo na. Alam mo 'yon?"
Umiling naman ako. "Hindi. Hindi ko alam kasi walang laman 'yang sinasabi mo."
"Bestie naman! Well, okay. Okay. Kasi ganito 'yon." Huminto ito at muling umupo sa tabi ko. "Lily, may tinatago ka ba sa akin? Ang ibig kong sabihin, feeling ko kayo na ni Blake. Pero wala kang sinasabi sa akin kaya mouth-zipped lang ako. Pero kasi iba na 'yong level niyo, eh. I mean, dati wala naman akong nakikitang reaction sa'yo kapag binobola-bola ka niya or anything. Tapos iba na ngayon, eh."
Napamulagat naman ako. "A-ano bang s-sinasabi mo?" Kinuha ko ulit ang yellow paper ko at binasa kung ano na ang naisulat ko roon. Pero wala naman akong naintindihan sa mga isinulat ko.
"Lily," kinuha naman ni Shakira ang hawak kong papel at ballpen saka isinilid sa bag ko. "Pag-usapan nga natin 'to. Tumingin ka sa akin. Tingnan mo ako sa mata."
Sinunod ko naman ito at sinubukan kong salubungin ang mga mata nito.
"Dati hanggang akbay, holding hands at dikit-ilong or nose-to-nose lang kayo ni Blake. Taga-donate lang siya ng mga Doraemon chorva sa'yo. Pero kahit gawin niya lahat ang mga 'yon sa'yo noon, poker-faced ka lang. Tapos ngayon ibang-iba na. Kapag ginagawa ni Blake sa'yo 'yong dikit-ilong ninyong dalawa, may something akong nakikita sa mga mata mo, eh. May twinkle, twinkle."
Umiwas naman ako ng tingin dito. "Ano ka ba? Kumportable lang ako. Sa tagal niyang ginagawa 'yon, siyempre, sanay na ako."
"Eh paano 'yong kiss sa noo saka 'yong pag-amoy-amoy niya ng buhok mo? Hindi pa niya matagal na ginagawa 'yon. 'Yong paghilig mo sa balikat niya at 'yong pag-abresete mo sa kanya? Bago ang mga 'yon."
"Shakira, alam mong hindi ako nababastusan kay Blake. Kumportable nga ako sa kanya saka matagal na kaming magkakilala."
"Hindi ka nababastusan kay Blake kasi kinikilig ka. Admit it, bestie. Saka aminin mo na lang na boyfriend mo na siya."
Umiling ako. "Shakira..."
"Lily, hindi mo ba ako mapagkakatiwalaan? O dahil aso't pusa kami ni Blake kaya ayaw mong sabihin sa akin na kayo na? Bestie, kahit pa palagi kaming nagsasagutan ni Blake, alam ko naman kung gaano ka niya sobrang pinapahalagahan. Inaamin ko, nakakabwisit talaga siya at napakakontrabida niya pero pagdating sa'yo, iba talaga siya. And I just want to know right now kung ano kayo kasi okay lang naman sa akin eh. You can trust me, bestie."
Tumingin naman ako sa malayo saka huminga nang malalim. "Shakira, bawal akong magka-boyfriend until I'm 18. Five months pa bago ako mag-18."
"Alam ko naman 'yan, bestie."
Nilingon ko ito. "Three months na kami ni Blake. Since May, no'ng summer. Pero wala kaming pinagsabihan kasi alam naming dalawa na bawal pa ako. Hindi 'to alam ni kuya at ni DM. Please. Don't tell anyone kahit pa si Blake. Lalo na kay kuya. Please, Shakira. Don't tell anyone." Hinawakan ko ang mga kamay ng bestfriend ko at nagmakaawa rito. "Lagot ako sa bahay kapag nalaman nila. Mom and Dad like Blake kasi good influence talaga sila ni DM kay kuya. But they will really get mad at me for breaking their rules kapag nalaman nila. Please, don't tell anyone."
BINABASA MO ANG
Blake and Lily (TLA #2) [COMPLETED]
RomansaHanda mo bang isugal ang lahat-lahat para sa pag-ibig? Paano ibibigay ni Lily ang buong puso niya sa lalaking minamahal kung siya mismo ay may agam-agam sa sarili? Handa ba siyang suungin ang lahat ng laban para makamtan ang lubos na kaligayahan? Pa...