MLFTC-5

17.1K 578 11
                                    

MLFTC-5

Follow me for you guys to read the missing parts dahil naka-private, para walang aberya.

Salamat.

*****

Sa kalagitnaan ng gabi ay bigla na lamang akong naalimpungatan at napakurap ng aking mga mata ngunit agad din naman akong natulog muli. Ang akala ko'y tuluyan na akong makakatulog ngunit natigilan ako.

Malamig na hangin ang dumampi sa aking balat. Napabiling ako sa kanan at pinilit na makatulog muli.

"Yana..." Bulong sa aking punong tainga.

Sa takot at pagkabigla ko'y napadilat ako at napabangon. Wari'y parang nasa karera ako dahil sa lakas nang pintig ng aking puso; idagdag mo pa ang biglaang pamamawis ko ng malamig.

Sa sobrang kaba at takot ko'y napalabas ako ng kuwarto upang magtungo sa kusina para makainom ng tubig. Panay ang pagtahip ng aking dibdib. Tinungo ko ang lababo at wala sa sariling napahilamos ng mukha.

"Ano ba Yana!" Mariin kong sita sa aking sarili.

Mariin akong napakapit sa dulo ng lababo. Panaginip ba iyon o imahinasyon ko lang?

"Yana naman..." Usal ko.

Pakiramdam ko talagang may bumulong sa akin. Pinilig ko ang aking ulo at bahagyang napahimas sa batok ko.

"Wala iyon Yana..." Kastigo ko sa aking sarili.

Inilagay ko na ang baso sa lababo at muling bumalik sa kuwarto ni Jeorgie. Nahiga akong muli sa tabi niya at kinumutan ito. 'Diyos ko, sana'y matigil na itong mga kakaibang nangyayari sa akin.' Nasabi ko sa aking utak bago ako tuluyang hinila ng antok.

*****

Kinabukasan nang magdilat ako'y wala na si Jeorgie sa aking tabi at tanging maliit na papel lamang ang naiwan. Kinuha ko ito at binasa gamit ang aking mga mata.

'Yana,

Umalis ako ng maaga dahil may sakit si Alona. Iyong nakabantay sa kantina, siguro naman ay kilala mo iyon. Nakapagluto na ako ng agahan mo, maging ang baon mo. Ingat ka riyan ha. Iyong susi ay nasa altar. Magkita na lamang tayo rito sa unibersidad.'

Jeorgie.

Napangiti ako. Kahit kailan talaga ay napakamaalaga nito sa akin. Bumaba na ako sa kama at niligpit ang pinaghigaan ko. Nag-ayos muna ako ng aking sarili bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Mabuti nalang at may sariling banyo itong si Jeorgie kaya hindi nakakahiyang pumarada sa bahay nila ng nakatapi lang. Tinungo ko agad ang kusina at talagang nakahanda na nga ang agahan ko.

Agad din naman akong naupo at kumain na; matapos ay agad ko rin namang nilisan ang bahay nila upang makapasok na sa trabaho. Siniguro ko pang nakakandado lahat ng bintanda at pinto para iwas na rin sa mga masasamang loob. Mabilis akong nagtawag ng traysikel at agad din naman itong pinasibad ni manong.

Pagkarating ko sa unibersidad ay napakunot ako ng aking noo. Sa tarangkahan pa lang ay sinalubong na ako ni Jeorgie. Bakas sa mukha nito ang matinding pagkabahala at 'di ko mawari kung bakit.

"Oy Jeorgie!" Sita ko rito. Para kasing hindi niya man lang ako napansin.

"Diyos ko Yana!" Ngawa nito at agad akong niyakap.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay at kumalas sa yakap nito.

"Ayos ka lang ba? Ano ba ang nangyayari sa iyo?" Nag-aalala kong tanong. Nagsimula na itong maiyak at mas labis ko iyong ikinabahala.

"Jeorgie naman..." Alo ko rito.

"Kasi...pinawatag ako kanina sa opisina ng punong guro...tapos ano...Yana!" Aniya sa pagitan ng kanyang pag-iyak at muling napayakap sa akin.

Hinagod ko ang likod nito.

"Ang gulo mo namang kausap Jeorgie, ayusin mo naman." Medyo nakaramdam ako ng kaunting pagkairita rito dahil sa pambibitin niya. Imbes na sagutin ako'y hinila na niya ako papasok at mukhang sa opisina ng punong guro ang tungo namin.

Nang matapat kami sa opisina ay halos pinagtitinginan kami ng mga istudyante; o mas tamang sabihin na ako ang pinagtitinginan nila.

"Jeorgie..." Tawag ko sa kanya kasabay ng pagkalabit ko sa kanyang balikat.

Ngunit bago pa man ako sagutin ni Jeorgie ay bumungad sa aming harapan ang punong guro ng unibersidad. Matalim itong napasulyap sa akin.

"Sumunod ka sa akin Darvin. May pag-uusapan tayong importante." Anito at umuna nang pumasok sa opisina nito.

Nagtataka akong napasulyap kay Jeorgie. Nakayuko lang siya at panay pa rin ang pagpahid sa kanyang pisngi. Mariin akong napakagat ng aking labi. Kinakabahan ako sa maaaring sasabihin sa akin ng punong guro.

Lumakad na ako papasok sa loob ng opisina nito.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa Yana. Kailangan na kitang tanggalin sa trabaho mo." Anito na ikinabigla ko ng matindi.

"Ho? Pero bakit po?" Puno ng pagtataka kong tanong.

"Nakakahiya ang ginawa mo sa unibersidad. Ipinagkalat mo na maraming multo ang iskuwelahang ito gayong ni minsan sa haba ng panunungkulan ko rito ay ngayon lang may kumalat na ganitong balita." Halata pa sa mukha nito ang pagpipigil na pagtaasan ako ng kanyang boses.
"Nagkakamali ho kayo. Wala po akong pinagkalat na ganyang balita." Mariin kong tanggi.

"Lahat ng nakakaalam ay ikaw ang itinuturo kaya kung maaari lamang ay umalis ka na." Matigas nitong sagot sa akin at padabog na ibinigay sa akin ang sobre na naglalaman ng huli kong sahod.

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na maiyak. Paano na ako nito!?

"Ayaw ko na makita ang pagmumukha mo rito! Isang malaking kahihiyan ang ginawa mo sa amin!" Anito.

Hindi na ako umimik pa at patakbong napalabas ng opisina. Hindi ko naman ipinagkalat ang tungkol doon at tanging si Jeorgie lang naman ang pinagsabihan ko. Ngunit alam kong hindi iyon magagawa sa akin ni Jeorgie.

Mabilis na hinanap ng aking mga mata si Jeorgie. Tinungo ko ang kantina at laking gulat ko nang makita kong sinampal ni Jeorgie ang kasamahan namin sa trabaho, si Liza. Agad akong lumapit at inawat si Jeorgie dahil akmang sasabunutan niya pa kasi si Liza.

"Bitawan mo nga ako Yana! Sisirain ko ang pagmumukha ng babaeng iyan!" Humarang ako kay Jeorgie.

"Tama na Jeorgie!" Bulyaw ko. Bahagya naman siyang kumalma.

"Yana, siya ang dahilan kung bakit wala ka ng trabaho ngayon! Hindi mo ba alam? Anak pala iyan ng madrasta mo e!" Natigilan at napaawang ang aking bibig dahil sa nalaman ko. Napakuyom ako ng aking kamay at napaharap kay Liza.

"Bakit mo ginawa iyon?" Kunwari ay kalmado ko pang tanong dito ngunit ang totoo'y kating-kati na ang mga kamay ko. Napamewang naman ito.

"Para wala ng dahilan ang itay na dalawin ka pa rito!"

Ang kapal! Naningkit ang mga mata ko at napalapit sa kanya. Isang malutong na sampal ang ibinigay ko sa kanya.

"Puwes isaksak mo sa baga mo ang amain ko!" Singhal ko't agad na hinila palayo si Jeorgie.

Patuloy sa pag-uunahan ang mga luha ko sa pagtulo. Saan ako ngayon pupulutin nito?

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon