MLFTC-26~

14.3K 546 34
                                    

MLFTC-26~

*****

Nang lumingon ako sa aking likuran ay halos dalawang dipa na lang ang layo nito sa akin. Ibig ko na yata ang sumuko sa pagtakbo dahil sa pakiwari ko'y katapusan ko na yata sa oras na maabutan niya ako. Panay kabog na ng dibdib ko. Nagsimula nang mangilid ang mga luha ko dahil sa tingin ko'y hindi na siya darating para iligtas ako.

Lumingon akong muli sa likuran ko at halos mahablot na ako ng matutulits nitong mga kuko. Ngunit sa paghakbang ko'y bigla na lamang akong nahulog sa isang malaking butas. Napapikit ako ng mariin at tuluyang naiyak ngunit natigilan ako't marahang napadilat dahil tila ang lambot yata nang nabagsakan ko. Nang tuluyan kong maaninag ang paligid ko'y nagulat ako. Nagkasalubong ang aming mga mata at ngayon ko lamang napansin na nakapatong pala ito sa akin.

"Paano..." Pigil hininga kong sambit.

Paano ko narating ang kanyang silid?

"Bakit ka lumabas ng ganitong oras..." Anito nang hindi patanong.

Napalunok ako at mariing nakagat ang aking ibabang labi. Hindi ako makasagot dahil sa sobrang takot na magkamali ako.
"Bakit? Bawal? Hindi mo naman ako pag-aari." Kunwari'y inis ko pang sagot.

Pilyo naman itong napangiti at ibig ko yata ang lumubog sa aking kinahihigaan. Nanlumo ako at naiyak. Sa pakiwari ko kasi'y pinaglalaruan niya lamang ako.

"Sino ka ba talaga!? Bakit ba ako nandito? Ako ba ang hinahanap ng mga taong-lobong 'yon? Ang dami kong tanong dito sa utak ko na hindi ko masagot!" Napahagulhol na ako't napatakip ng mukha.

Hindi ko mapigilan ang magdamdam dahil sa totoo lang ay nahihirapan na ako.

"Hindi lahat ng mga bagay ay minamadali, Caritas mea..." Inalis nito ang mga kamay ko at kanang kamay ko nama'y ginagap nito.

Laking gulat ko nang kanyang isinubo ang mga daliri ko. Sa lamig ng dila nito'y nakakapanghina ng mga tuhod.

"Pa-paano mo ako nadala rito?" Wala sa sarili kong tanong.

"Sa butas..." Napangiwi ako.

"Alam kong sa butas ngunit paano nga?" Pangungulit ko pa.

"Hulaan mo..." Anito.

Diyos ko! Wala yata akong mahihita sa lalaking 'to.

"Pangalan mo?" Tanong ko pa ulit ngunit bigla naman nito akong siniil ng halik.

Nang humiwalay ito'y ramdam ko pa ang pununugo ng aking labi. Natigilan ito at napapikit, tila ba nilalasap nito ang amoy ng dugo ko. Nang magdilat ito'y nagbago kaagad ang kulay ng mga mata nito, naging kulay pula na naman. Kaagad kong pinahiran ang aking dumugong labi. Inilapit naman nito ang kanyang mukha sa akin.

"Mattheaus..." Bulong niya.

"Kay tagal kitang hinanap at ngayong narito ka na, hindi ko na hahayaang kunin ka nila sa akin." Anito at bigla na lamang pinunit ang damit ko.

Natulala akong saglit at namilog ang aking mga mata. Napaawang din ang aking bibig at tila'y nalunok ko na naman yata ang dila ko. Pilyo naman itong napaismid.

"Kailangan mangyari ang dapat ay nagawa na sana noon pa..." Wika nito.

"Yana, kailangan nating bumuo..." Sa pagsambit nito'y ay siyang pagsiil din nito ng halik sa akin.

Gumapang ito sa aking leeg, hanggang sa umabot sa matayog kong pinagpala.

"...aah!" Daing ko.

Tila may hipnotismo itong ginamit sa aking ngunit sa palagay ko nama'y wala dahil maging ang utak ko ay ayaw magprotesta. Nakiayon ang puso at utak ko sa gustong mangyari nito.

"...aah!" Daing kong muli nang lumapat ang kamay nito sa aking tiyan.

Nilapat niya nang husto ang palad niya pababa sa aking puson.

"Metis noctis opacae..." Biglang utas nito.

Pakiramdam ko'y mas lalong uminit ang buo kong katawan. Muli niyang sinakop ang mga labi ko at wala akong nagawa kung 'di ang tumugon. May sariling utak bigla itong katawan ko upang umayon sa nais niya. Habang sakop niya ang lapi ko'y hindi naman niya inaalis ang kanang kamay niya sa aking puson.

"...dilectus meus hic..." Muling sambit niya kasabay nang pagdiin nito sa aking puso.

"...aah!" Daing ko nang pagkalakas dahil para yatang mas lalong sumakit ang katawan ko, lalo na sa parte ng aking tiyan.

Hindi ko na napigilan din ang aking sarili na napakapit sa batok nito.

"...et innocentia cordis sui..." Napaliyad ako at namilog ang aking mga mata.

Wari'y tinutusok ng karayom itong tiyan ko.

"...tamquam virgo mortalibus dare..." Kasabay nang pagbigkas nito ay siya ring pagpasok nito sa kaibuturan ko.

"...aah!" Napaluha ako sa sobrang sakit dahil hindi ko napaghandaan ang kanyang ginawa.

Nagpatuloy ito sa pagbayo sa akin habang hindi pa rin inaalis ang kamay nito sa aking puson.

"...mihi velle et sanguine..." Muling sambit niya.

"...M-mattheaus! Ah!" Sambit ko sa pangalan niya.

Pakiramdam ko'y parang isinasalang ang buo kong katawan sa isang malaking pugon. Namilog din ang aking mga mata nang biglang lumitaw sa magkabilang pulsuhan ko ang tangkay na marka ng itim na rosas na napupuno ng mga tinik. Gumapang ito paakyat sa aking balikat hanggang sa aking leeg at nahinto sa aking puson.

"...aah!" Sambit ko ng maabot ko ang aking sukdulan kasabay ang masakit na pakiramdam sa kaloob-looban ko.

Bigla naman niya akong hinawakan sa batok at walang pasubaling kinagat ang aking leeg. Nanlumo ako ng matindi, 'yong tipong paralisado ang buo kong katawan. Ramdam na ramdam ko ang mainit na likidong umaagos sa leeg ko.

Nang humiwalay ito sa leeg ko'y kitang-kita ko kung gaano ka dami ang kumalat na dugo sa kanyang bibig. Binatawan niya ang batok ko at diretsong bumaon ang katawan ko sa malambot niyang kama.

Gusto kong magsalita o ibuka man lang ang aking bibig ay hindi ko magawa. Nanatiling dilat lamang ang aking mga mata habang nakatitig kay Mattheaus.

Umalis ito sa pagkakadagan sa akin at doon ko muli naramdaman ang masakit na parte sa akin nang ito'y kanyang biglaang hinugot.

Napapikit na lamang ako dahil talagang pakiramdam ko'y pagod na pagod ang buo kong katawan. Ramdam ko naman bigla ang pagtabi nito sa akin sa kama. Kinumutan niya ako. Iniunan naman nito ang kanyang kanang braso sa akin at niyakap ako. Isiniksik nito ang mukha sa leeg ko at dinilaan ang parte kung saan niya ako kinagat. Gumapang ang kiliti sa buong katawan ko.

"...M-mattheaus..." Sa wakas ay naiusal ko ngunit halos pabulong na ito.

Tumigil ito sa pagdila sa aking leeg at dinampian nang halik itong kaliwang pisngi ko.

"Mahal na mahal kita, Yana..." Bulong nito at maingat akong niyakap.

Napangiti ng kusa itong mga labi ko. Unang beses itong nangyari sa buhay ko. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng ganito kasaya. At ang nakakamangha lang ay sa isang istranghero ko pa ibinigay ang sarili ko. Hindi lang siya basta istranghero, bagkus siya'y aking nobyo mula sa nagdaang taon.

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon