MLFTC-8
*****
"Madam, gumising ho kayo. Madam..." Napadilat ako at napasinghap. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa tindi ng kaba.
"Tubig..." Wala sa katinuan kong naisambit.
Mabilis naman ang pagbigay nila sa kailangan ko kaya't walang pag-aalinlangan kong ininom ang tubig na nasa plastik na bote.
"Binabangungot po kayo. Gusto niyo po bang ipa-eksamin ko kayo sa aming kasamahan na doktor." Anito. Nailing ako.
"Ayos lang ako..." Pinipigilan ko ang boses ko na manginig.
"Puwede na po kayong bumaba." Anito ulit.
Ngayon ko lang napansin na ako na lang pala ang natitirang pasahero sa loob.
Hugot at buga ang ginawa ko bago ako tumayo. Kinuha ko agad ang mga gamit ko at dali-daling lumabas ng eroplano.
Nakakahiya ang ginawa ko kanina. Ang akala ko talaga ay totoo na iyon, panaginip lang pala.
Mariin akong napakapit sa maleta ko. Nakakatuwa mang isipin dahil pinalitan talaga ni Jeorgie ang lalagyan ng mga gamit ko upang magmukha raw akong presintable. Ngunit hindi ko rin naman ikakahiya kong iyong malaking bayong ang dadalhin ko.
Naniningkit ang aking mga mata habang napapatanaw sa papalubog na sikat ng araw. Hindi naman masakit sa mata ngunit nakakasilaw pa rin. Ngalingali na akong lumapit sa mga taga-rito at nagtanong-tanong.
Hindi kasi ako sumabay sa mga turista na may nakahandang bus para sa kanila.
"Manong, saan ho ang sakayan papuntang Isla Pag-asa?" Ani ko.
"Ay ineng, tamang-tama lang ang pinagtanungan mo. Papunta kami roon sa pantalan. Maaari kang sumabay sa amin kung gusto mo." Anito. Natuwa naman ako sa mabuting pakikisama nito.
"Sige ho! Salamat po talaga."
~~~~~
Hindi rin naman nagtagal ay binabagtas na namin ang daan papuntang pantalan. Masaya akong nakipagkuwentuhan kay Mang Edgar.
Nag-aangkat pala siya roon ng mga isda na ibenibenta sa palengke. Iyon nga lang daw ay mahina ang benta dahil sa tindi ng pag-aagawan ng tiretoryo sa pagitan ng karatig na bansa.
Hindi kami inabutan sa daan at nakarating din kami sa pantalan.
"Mang Edgar may alam ho kayong matutuluyan dito?" Ani ko."Nako ineng, nalagpasan na natin ang mga posible mong tutuluyan. Pero kung ayos lang sa iyo aba'y sa bahay ko nalang ikaw magpalipas. Hayan lang naman ang bahay ko." Anito.
Nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ang alok nito sa akin. Bago pa man ako makapagdisesyon ay dumating naman bigla ang may edad na babae.
"Edgar! Diyos ko naman, lubos mo naman akong pinag-alala. Bakit ngayon ka lang umuwi?" Anito at mukhang hindi niya pa yata ako napapansin.
"Asun naman, mahiya ka nga sa bisita." Napapakamot pa sa ulo si Mang Edgar.
"O? Ay nako madam, pasensya na ho." Paumanhin nito sa akin.
Nailing ako.
"Wala po iyon." Nakangiti ko namang sagot.
"Nako, pasensya ka na talaga..." Bahagya pa itong tumigil sa sasabihin nito. Ngunit parang nahulaan ko na ang ibig nito.
"Ayesha Yana po, Aling Asun." Sagot ko naman at nakipagkamay sa kanya.
"Asun, pakitawag mo si Selia para maihanda iyong tulugan na pinaparentahan natin. Nalagpasan ko na kasi ang mga pahingahan dito sa atin kaya't nag-alok na ako na dito muna siya magpalipas ng gabi." Paliwanag ni Mang Egdar sa asawa niya.
Todo naman kung makangiti itong si Aling Asun sa akin.
"Tara na Ayesha Yana..." Gayak pa nito.
"Yana nalang po." Wika ko naman.
"Ikaw bahala." Tugon naman nito at inalalayan pa akong makatawid sa tulay na gawa sa kahoy.
"Nasaan ho ang bahay paupahan niyo?" Usisa ko.
"Hayan lang, iyang katabi ng bahay namin. Makakasama mo rin si Selia, ang anak ko. Ayaw kasi nito sa kuwarto niya dahil masyadong masikip." Ani Aling Asun.
Napatango-tango lang ako at bahagyang nilingon si Mang Edgar na bitbit ang mga gamit ko.
"Selia, anak!" Tawag pa ni Aling Asun nang matapat kami sa kanilang bahay.
"Opo nay, papanaog na ho!" Sagot naman nito.
Base sa boses nito ay mukhang dalaga pa ito. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas ito at sinalubong ng mano ang kanyang mga magulang.
"May bisita po pala tayo nay." Ani Selia.
"Oo, pero mukhang ngayon lang mananatili rito si Yana. Edgar, saan mo nga ba ihahatid itong si Yana." Ani Aling Asun.
"Sa Isla Pag-asa..." Sagot ni Mang Edgar.
"O, siya Selia, samahan mo na siya roon at hahatiran ko na lamang kayo ng pagkain." Ani aling Asun.
Bago ako maakay ni Selia ay humugot muna ako ng pera sa bulsa ko.
"Aling Asun, ito ho, pangdagdag man lang po."
Inabot ko sa kanyang ang isang libo.
"Nako Yana, hindi na kailangan iyan." Tanggi pa nito.
"Pero gusto ko po, sige na ho." Pagpupumilit ko pa.
"Mukhang hindi mo na matatanggihan ang batang iyan Asun. Siya rin ang bumili ng gasolina kanina para sa bangka natin. Aba'y ilang araw din iyon bago tuluyang maubos." Nakangiting sabat pa ni Mang Edgar sa amin.
Walang ano pa'y ginagap nito ang aking kamay at nagpasalamat ng lubos sa kabaitang ginawa ko. Ngumiti lang ako at kinayag na ako ni Selia papunta sa tutuluyan ko.
"Masuwerte ka sa kanila." Wika ko.
"Oo nga po ate. Salamat po sa tulong niyo." Ani Selia.
"Wala 'yon. Mabuti rin naman ang ginawa nilang pagtulong sa akin." Ngumiti lang ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/51580638-288-k724125.jpg)
BINABASA MO ANG
MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]
VampireSeries 2 Highest Rank on Vampire Genre #3 Zoldic Legacy Series Si Ayesha Yana Darvin o mas kilala sa palayaw na Yana ay walang kamuwang-muwang na napadpad sa lugar kung saan nakatira ang tanging kinikilala na lamang niyang kamag-anakan na si Cather...