MLFTC-38

12.2K 413 8
                                    

MLFTC-38

*****

Hindi nagtagal ay natapos din naman kami sa lahat-lahat ng gawain. At heto kaming dalawa ni Egoy ngayon sa malapit na kainan. Dito na kami naghapunan nang sa gayon ay diretso na lang kami ng klinika.

"Egoy, sigurado ka bang may doktor pa?" Tanong ko sa kalagitnaan ng aming paglalakad.

Ang galing lang dito sa bayan nila'y puwede lang nang lakaran dahil ang lalapit lang ng mga gusali.

"Oo naman ate Yana. Tatlong doktor ang nakatoka diyan sa klinika at saka libre po ang tsek-ap, kasi sila kuya Steffano naman po ang nagpapasuweldo sa kanila. Iyon nga lang po ay talagang bibilhin niyo 'yong resita na ibibigay ng doktor." Aniya.

Tamango lang din naman ako. Diyos ko! Huwag sanang sumakit ngayon ang puson ko. Lumakad pa kami at nahinto sa harapan ng klinika. Umunang pumasok si Egoy habang nakasunod lang ako sa kanya.

"Magandang gabi po doktora Abby." Bati ni Egoy nang makita niya ito. Nakaupo ito sa harapan ng mesa at abala sa pagbabasa ng libro sa medisina.

"O? Magandang gabi Egoy, nagawi ka rito? May sakit ka ba?" Wika naman ni doktora Abby.

"Wala po. Si ate Yana ko lang po, magpapatingin po sana." Sagot naman ni Egoy at bumaling sa akin.

"M-magandang gabi po..." Alanganin ko pang bati.

Maganda ito at may pagkamorena ang kutis nito. Mukhang nasa trenta pa ang edad nito, hula ko lang din naman.

"Egoy, hintayin mo kami dito. Titingnan ko lang ang ate mo sa kuwarto." Bilin pa nito kay Egoy.

"Sige po." Inakay naman ako ni doktora papasok sa kuwarto.

Pagkapasok namin ay maraming aparato ang nakapalibot sa amin. Pinaupo naman niya ako sa kama at sinimulan na niya akong sinuri.

"Hinga ng malalim...pakalmahin ang sarili." Aniya nang maitapat sa aking dibdib ang hawak nitong aparatong estetoskopio. Sinunod ko naman ang inutos nito sa akin.

"Sobrang lakas." Nakangiting wika nito at inalis na ang hawak nitong estetoskopio.

"Hindi po normal? May sakit po ba ako sa puso?" Kabadong tanong ko. Ngumiti naman ito at nailing.

"Normal ka at wala kang sakit sa puso. Ngayon mahiga ka at titingnan ko kung malusog ba siya." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito, ngunit sinunod ko pa rin naman ang utos nito. Sino'ng malusog na tinutukoy niya? Itinaas naman nitong bigla ang pang-itaas kong damit pero inawat ko siya.

"Anong gagawin niyo!?" Taka kong tanong.

"Iha, kumalma ka lang. Pangako, hindi ito masakit." Aniya nang puno ng kasiguraduhan.

Binitawan ko ang braso niya at hinayaan itong tuluyang maitaas ang damit ko hanggang bewang. May hinaplos naman itong malagkit na likido sa parte ng puson ko at ginamitan ako ng isang aparato na kung tawagin ay isang ultrasound. Buntis ba ako? Nagugulohan ngayon ang utak ko.

"Malusog siya ha, ngunit kakaiba yata ang batang ito. Tatlong buwan pa lamang ito ngunit kumpleto na ang anyo nito. Nakakapagtaka naman." Wika ni doktora Abby. Nasapo ko ang aking dibdib.

"Buntis ako..." Gulat at natulala akong saglit sa nalaman ko.

"Oo iha. Ayon dito, nasa labing limang linggo na itong tiyan mo. Hindi nga lang halata na lumaki ang tiyan mo pero tatlong buwan na ito. Hindi mo ba alam na buntis ka, iha?" Aniya na ikinailing naman ng aking ulo.

Parang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang sinabi nitong buntis ako. Pinahiran naman nito ang puson ko ng tuyong tela at inalalayan akong maupo. May kinuha naman itong papel at panulat.

"Ito ang mga gamot na bibilhin mo, tapos kumain ka ng masustansyang pagkain para 'di ka dapuan ng sakit at nang 'di magkaroon ng kumplikasyon ang bata." Bilin pa nito ngunit tila yata tulala pa rin ako sa mga nangyayari sa akin.

Paano umabot sa tatlong buwan ang tiyan ko gayong mabibilang lang naman sa kamay ko ang araw ng pananatili ko sa islang 'to at ang mga araw na ginalaw ako ni Mattheaus. Wala sa sarili akong napaiyak sa sobrang tuwa. Imbes na matakot ako'y natuwa pa ako. Dinadala ko ang anak ng pinakamamahal ko. Bakit ko pa nga ba ipagtataka itong kalagayan ko gayong alam na alam ko namang hindi normal na tao ang naging nobyo ko.

"I-iha? Ayos ka lang ba?" Alalang tanong sa akin ni doktora. Pinahiran ko ang mga luha ko kahit patuloy pa rin ito sa pagtulo.

"Masaya lang po ako, doktora. Salamat po." Wika ko sa pagitan ng aking pag-iyak. Niyakap naman ako nito at hinagod ang aking likuran.

"Panganay mo siguro ito kaya ka medyo natutuwa. Tahan na iha." Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at inalalayan akong makatayo.

"Iyong mga bilin ko sa iyo ha? Huwag mong kalimutan." Paalala pa nito.

"Opo..." Tugon ko rin naman.

Lumabas na kami ng silid at sinalubong naman ako ni Egoy.

"Ate ano'ng nangyari?" Usisa nito agad. Bakas sa mukha nito ang matinding kaba at pag-aalala.

"Walang problema Egoy."

"Ba't po kayo umiiyak?" Usisa nito. Nailing ako at pinahiran ang mga luha ko sa pisngi.

"Masaya lang ako, Egoy. Tara na at mapapagabi pa tayo sa daan." Wika ko at bumaling kay doktora Abby.

"Salamat po, dok." Wika ko. Ngumiti lamang ito ng kay tamis at tumango. Hinila ko na palabas ng klinika si Egoy. At talagang ayaw mapalis sa mukha ko ang matinding saya.

"Ate Yana? Ano po bang resulta?" Usisa ni Egoy sa akin. Mukhang 'di pa rin kasi ito mapakali. Inakbayan ko naman ito at ginulo ang kanyang buhok.

"Malusog ako Egoy at walang sakit. Kulang lang daw ako sa pahinga." Pagsisinungaling ko pa.

Ayaw ko mang ilihim itong pagdadalang tao ko ngunit kailangan. Panigurado kasing magtataka ito kung bakit nabuntis akong bigla gayong wala naman ito nakilalang nobyo ko simula nang mapadpad ako sa islang 'to.

"Mabuti naman at ganoon ate." Masiglang wika naman ni Egoy sa akin.

Muli ko lamang ginulo ang kanyang buhok at lumakad na.

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon