MLFTC-34
*****
"Ate Yana---nako patawad po!" Narinig ko pang sambit ni Egoy nang ito'y makapasok sa aking silid. Napadilat ako at agad na sinipat ang aking ayos. Diyos ko! Suot ko'y isang tsaketa, na sa palagay ko'y kay Mattheaus ito. At halos makita na ang hinaharap ko dahil sa nakahawi ito ng todo. Napabangon ako at agad ko naman itong inayos.
"Pasensya ka na Egoy, ang alinsangan kasi." Pagdadahilan ko pa. Napayuko naman ito at halatang takot sa akin.
"Patawad talaga ate. Hapon na kasi at 'di po kayo lumabas para mag-agahan at tanghalin. Nag-alala lang po ako ng husto. Pasensya po at kung 'di ako nakakatok." Paliwanag niya. Nailing naman ako at nagkunwaring napahilot sa aking noo.
"Masama na naman kasi itong pakiramdam ko Egoy. Hindi ko namalayang buong araw na pala akong nakahilata sa aking kama." Sabi ko pa.
"Sige ate, diyan ka lang at ipaghahanda kita nang makakain mo." Aniya.
Tumango lang ako. Nang makalabas na ito'y diretso ako ulit na bumagsak sa aking kama. Sa pagmamadali ko kanina'y 'di ko man lang naramdaman itong pananakit ng buo kong katawan. Nang hawiin ko ang tsaketa ay ganoon na lang ang aking pagkadismaya. Ang dami ko na namang pasa sa katawan, ni hindi pa nga gumagaling 'yong iba'y nadagdagan na naman. Muli kong ipinikit ang aking mga mata.
"Ate Yana, gising po." Narinig kong pukaw ni Egoy sa akin. Hindi ko pala namalayang nakatulog ako ulit. Inalalayan niya naman akong makaupo at sinapo ang aking noo.
"Nako ate! Inaapoy po kayo ng lagnat!" Tarantang wika pa nito at tanging ungol lang ang itinugon ko.
"Ayos lang ako Egoy." Sagot ko pa at sinubukang tumayo ngunit diretso naman akong bumagsak sa sahig.
Nagdidilim ang paningin ko at sobrang bigat din ng aking pakiramdam. Napapikit ako at tila hapong-hapo na hinahabol ang aking paghinga.
"Kuya Keanno..." Narinig ko pang wika ni Egoy. Namalayan ko na lang ang biglaan kong pag-angat sa ere.
"Ako na ang bahala sa kanya Egoy." Narinig ko pang wika nang lalaking kumarga sa akin.
Pinilit kong idinilat ang aking mga mata ngunit sadyang traydor itong katawan ko dahil talagang ayaw nitong sumunod sa akin. Sinubukan kong idinilat muli ang mga mata ko ngunit kay labo ng aking paningin. Pakiramdam ko'y sing-init ng katawan ko ang sikat ng araw; nakakapaso!
Napasinghap ako. Dinig na dinig ko ang mga yapak ng mga paa nito. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin dahil masyadong malabo ang aking paningin. Dahan-dahan akong humugot ng hinga. Ngayon ay ramdam ko na ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama at amoy na amoy ko ang pamilyar na bango ng silid.
"Mattheaus..." Wala sa sarili kong naisambit.
Napasinghap akong muli nang madama ko ang malambot na bagay na dumadampi sa aking balat. Bumigat ang aking paghinga at sinubukan ulit na idilat ang aking mga mata. Sa wakas ay naaninag ko na rin kung nasaan ako ngunit nadismaya ako dahil ang akala ko'y nasa silid ako ni Mattheaus, iyon pala'y ibang silid ito. Inaninag kong mabuti ang lalaking nasa aking harapan.
"M-mattheaus?" Mahinang tawag ko rito.
Abala ito sa pagdila ng mga pasa ko. Diyos ko! Kailan pa naging pamalit sa pamahid ng pasa ang dila nito. Napapikit akong muli. Tila ilang libong bloke ng yelo yata ang dumadampi sa aking balat dahil sa ginagawa nito. Ngunit paano niya ako nakuha gayong kanina lang ay kasama ko lang si Egoy.
Ngunit masyadong masakit itong ulo ko at 'di ko pa kayang pagtagpiin ang mga napuna ko. Naramdaman ko muli ang pag-angat ko sa ere at ang paglapat muli ng aking katawan sa maligamgam na tubig. Sa palagay ko'y pareho kaming nasa isang malaking batya na kasya ang dalawang tao. May kalaliman ito ng konti ngunit sapat na upang ibabad ang buong katawan.
Sa napuna ng aking pandama'y nakakandong ako sa kanya at ang tanging nakatakip sa hinaharap ko'y ang kaliwang bisig nito. Ang kanang kamay naman nito'y panay ang pagsalok ng tubig at inihahaplos sa aking katawan. Hindi ko man nakikita kung ano ang nangyayari ngunit dama ko naman ang bawat galaw nito. Amoy na amoy ko ang mabangong halimuyak ng itim na rosas, na sa palagay ko'y kanyang ginamit upang bumango ang tubig. Bigla namang lumuwag ang aking paghinga maging ang aking pakiramdam. Mainit man ang aking katawan dahil sa lagnat ngunit sa pakiramdam ko'y maayos ako at tila ba unti-unting bumabalik ang sigla ng aking katawan.
"Patawad Yana..." Bulong nito sa akin.
Ginalaw ko ng konti ang aking ulo at simiksik ng husto rito. Marahil ang inihingi nito nang tawad ay ang pagkakasakit ko matapos ang pag-niniig namin. Ngunit para sa akin ay wala siyang dapat na ihingi ng tawad. Tao ako at isa siyang bampira, lubos kong nauunawaan ang pagkakaiba namin. Sadyang hindi lang talaga kinakaya ng aking katawan ang pag-niniig naming dalawa.
"Mahal kita Mattheaus..." Tanging naiusal ko kahit ito ay pabulong lamang.
Muli kong ninamnam ang maingat na yakap nito sa akin at hinayaan ang aking sarili na makatulog muli.
![](https://img.wattpad.com/cover/51580638-288-k724125.jpg)
BINABASA MO ANG
MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]
VampirSeries 2 Highest Rank on Vampire Genre #3 Zoldic Legacy Series Si Ayesha Yana Darvin o mas kilala sa palayaw na Yana ay walang kamuwang-muwang na napadpad sa lugar kung saan nakatira ang tanging kinikilala na lamang niyang kamag-anakan na si Cather...