MLFTC-17

15.8K 559 17
                                    

MLFTC-17

*****

Iniligpit ko na ang mga librong nakakalat sa bawat mesa at ibinalik sa tamang puwesto nito sa lagayan ng mga libro. Habang abala ako sa pagliligpit ay napuna ko na para bang may taong nakatayo sa aking likuran. Dahan-dahan akong pumaling.

"Ay!" Sambit ko at napasinghap sa sobrang pagkagulat.

"Ito 'yong mga lumang nahiram ko..."

Inabot pa nito sa akin ang mga hawak niyang libro. Siya 'yong lalaki kanina na puro nakaitim ang suot sa katawan. Napatikhim ako. Ang lakas pa rin nang kabog ng dibdib ko dahil sa tindi ng gulat kanina.

"S-salamat..." Alanganin ko pang kinuha ang mga librong hawak niya. Tumango lang ito at umalis na.

Dali-dali akong sumunod nang makalabas na ito at isinarado ang pinto. Sinilyado ko na ito upang wala nang makapasok pa. Hindi naman ako masyadong nagkakape pero aatakihin ako sa nerbyos dahil sa panggugulat nila sa akin.

Muli kong inabala ang aking sarili sa pagliligpit hanggang sa ako'y matapos. Isinilyado ko na rin ang bawat bintana at ibang puwedeng pasukan. May susi naman si Egoy kaya't ayos lang kong isisilyado ko ang mga pinto. Nang masiguro kong maayos na ang lahat ay tinungo ko na ang silid ko. Nagpalit ako ng damit at pares ng sapatos. Siguro'y sa labas na lang ako kakain. Nakakawalang gana kasi kung ako lang ang mag-isa.

"Yana..."

Nabitawan ko ang panyo ko. Sa linaw nang pagkakatawag sa pangalan ko'y agad akong tinubuan ng kaba at takot. Dali-dali kong iniligpit ang aking mga gamit at lumabas ng aking silid. Nagkukumahog akong lumakad papunta sa pinto ng silid-aklan. Pagkalabas ko'y nakahinga ako ng maluwang. Alam ko, gusto ko siyang makilala ngunit hindi sa ganitong paraan na para bang tinatakot niya ako.

Nang maisarado ko na ang pinto ay nagsimula na akong lumakad. Yakap-yakap ko pa ang aking sarili habang binabaybay ang daan papuntang perya. Hindi naman madilim ngunit nakakatakot pa rin dahil kakaiba ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Bumigat ang mga hakbang ko at panay linga sa aking paligid. Sobrang tahimik kasi ng lugar at para bang may hindi magandang mangyayari sa akin.

Bigla akong nahinto dahil sa narinig kong mga kaluskos aking likuran. Napalunok ako at muling humakbang. Nilakihan ko na ang bawat hakbang ko upang mapabilis ang aking paglalakad. Halos magkanda-tisod na ako sa bilis ng aking hakbang. Ngunit hayan pa rin at naririnig ko pa rin ang mga kaluskos sa aking likuran. Nagsimula nang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan at tinutubuan na ako ng kaduwagan. Maging ang mga tuhod ko'y nagsisimula na ring manginig. Napasapo ako sa aking dibdib at napalingon muli sa aking likuran. Lumitaw ang isang anino ng lalaki. May limang dipa ang layo nito sa akin at nakatayo ito sa dilim kaya hindi ko maaninag ang itsura nito. Tanging anino niya lang ang natatamaan ng ilaw mula sa maliit na poste.

"S-sino---" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko'y bigla na lamang nagbago ang porma nito base na rin sa anino nito.

Napatakip ako ng aking bibig at namilog din ang aking mga mata. Naging isang malaking aso ito. Diyos ko! Hindi na ako nag-atubili pa at napatakbo na ako. Ngunit sa bilis nito'y konti na lang ang aming pagitan. Naiyak na ako sa sobrang takot habang binibilisan ko ang aking pagtakbo. Sa sobrang laki nito'y hindi ko matantiya kung talaga aso nga ba ito. Mas bumilis pa ang aking pagkilos at sa 'di inaasahan ay may bigla akong nabangga. Sa lakas nang pagkakabunggo ko rito'y muntik na akong matumba. Bigla akong napalingon sa aking likuran dahil sa ngayon ay wala ang utak ko sa taong nabangga ko kung 'di nasa humahabol sa akin. Naabutan na nito ako at wala akong nagawa kung 'di ang pumikit na lamang ng mariin. Ngunit napuna ko ang biglaang pagtahimik ng aking paligid at ang mga bisig na nakapulupot sa aking bewang lang ang tangi kong nararamdaman.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bahagyang nilingon ang aking likuran. Hawak ng lalaking 'to ang leeg no'ng malaking aso gamit ang kanang kamay nito at sa pakiwari ko'y patay na ito dahil nakalabas na ang dila nito. Tulala ako at lutang sa nasaksihan ng mga mata ko. Hindi ordinaryong aso ang humahabol sa akin dahil nakakatakot ang itsura nito. Natauhan naman ako mula sa aking pagkakatulala nang bitawan ito ng lalaki at bumasag sa aking likuran. Natatakot man ako ngunit dahan-dahan kong inangat ang aking ulo. Kung sa asawa ng pinsan ko ay pakiramdam ko'y mapipigtasan ako ng karsonsilyo; itong lalaki namang nasa harapan ko'y para na talaga akong mahuhubadan dahil sa sobrang pagiging magandang lalaki rin nito. Napalunok ako at tila takot sa aking dibdib ay biglang naglaho; napalitan ito nang pagkamangha. Napatiim-bagang ito at mas lalong ako hinapit sa aking bewang.

"May katigasan din ang iyong ulo, Caritas mea..." Anito.

Napaawang lang ang aking bibig dahil wala akong ideya kung ano ang tinutukoy niya. Anong 'Caritas mea'? Ayesha Yana ang pangalan ko at hindi 'Caritas mea'.

"Tinawag kita kanina ngunit binalewala mo ako." Anito at bigla akong kinarga.

"Ha?" Tanging naisambit ko. Mas lalong gumulo ang utak ko sa mga sinasambit niya.

"Yana..." Muling sambit nito at muling namilog ang aking mga mata.

"I-ikaw!?" Nanginginig ko pang sambit. Hindi ito sumagot at may kung anong idiniin sa aking leeg. Sa isang iglap lang ay bigla na lang akong nawalan ng malay.

*****
'Caritas mea'
Endearment iyan ni Mattheaus kay Yana.
Spread loves!

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon