MLFTC-19

15.9K 575 7
                                    

MLFTC-19

Zoldic Legacy Series
Volume One- The Knight In The Dark
Iyan po unahin, bago po ang Volume Two- My Love From The Century.
Salamat!

*****

Nang matapos ang agahan ay nagpaalam na ako kina ate Catherine at kuya Steffano. Paano ba naman kasi'y nakalimutan kong may kasama pala ako sa tinutuluyan ko, si Egoy. Paniguradong nag-aalala na 'yon sa akin.

Nang makalayo na ako sa bahay ng pinsan ko ay napuna kong madami ang nagkukumpulang mga kalalakihan malapit sa mataas na bakod. Lumapit ako upang makiusyoso kay mang Dhelfin. Puna kong siya yata ang nagmamando sa mga tao.

"Mang Dhelfin..." Tawag ko rito.

"Nako senyora, kayo po pala." Anito.

"Yana na lang po. Ano pong mayroon diyan?" Tukoy ko pa sa mga nagkukumpulang mga kalalakihan.

"Nagpapalista sila, senyora. Pasensya na po, nasanay lang talaga ako kay senyora Catherine." Paumanhin nito. Ang tinutukoy niya ay ang pagtawag sa akin ng senyora.

"Ayos lang po..." Napahagod naman ako ng tingin sa malawak na pader.

"Gaano ho ba iyan kataas mang Dhelfin." Naitanong ko bigla.

"Kung ikukumpara po sa isang gusali, aba'y nasa sampung palapag po iyan. At 'yang mga nagpapalista ay dudugtungan ulit ang taas ng pader, siguro mga limang palapag po." Paliwanag nito.

"Talaga po?" Mangha ko pang sambit.

Kung ganoon ay napakataas na nga niyan.

"Hindi lang basta sementong pader 'yan, senyora. Lalapatan pa 'yan ng solidong bakal, sa kabila nama'y purong pilak." Paliwanag nito ulit.

"O? E 'di ang laki po ng magagastos no'n at saka grabe naman po 'yang pader na 'yan mang Dhelfin, masyado pong mapili sa materyales." Sabi ko pa.

"Basta ba sa siguridad ng pamilya Zoldic at ng mga Seltzer, maging ang mga iba pang nakatira ay wala sa kanila ang malaking gagastusin para lang dito." Nakangiting sagot din naman ito.

Seltzer? Akala ko ba ang mga Zoldic lang ang nagmamay-ari ng islang 'to. Magtatanong pa sana ako ngunit nakita kong tumatakbo palapit sa aming puwesto ni mang Dhelfin si Egoy.

"Ate Yana..." Sambit nito at bigla akong niyakap.

"Egoy, bakit?" Alala ko namang tanong.

"Kasi ate, ang akala ko'y may masamang nangyari sa iyo. Dapat kasi isinabay na lang kita sa perya kagabi." Anito. Napangiti naman ako at ginulo ang kanyang buhok.

"Huwag mo sisihin ang sarili mo, Egoy. Ayos lang naman ako." Nag-angat naman ito ng kanyang ulo.

"Sa susunod na aalis ako ate ay isasama na talaga kita." Paniniguro pa nito. Ngiti lang ang itinugon ko.

"Mauna na ho kami, mang Dhelfin." Paalam ko pa.

Tumango lamang ito at lumapit na sa mga kalalakihang nagpapalista. Kami naman ni Egoy ay lumakad na pabalik sa silid-aklatan.

"Egoy, nagsara ka ba?" Tanong ko nang matanawan kong nakasirado pa ang mga kurtina ng mga bintana.

"Opo ate, utos ni ate Catherine para naman po raw makapagpahinga kayo." Aniya.

Tipid na ngiti lamang ang itinugon ko.

"Egoy, maari bang tumambay ako sa museo?" Pagpapaalam ko pa.

"Oo naman po..." Nakahinga naman ako ng maluwag sa pagpayag nito.

Nang umabot kami ay tuluyan na akong nagpatiuna nang lakad papasok sa museo. Nang makapasok ako'y sinigurado kong silyado ang pinto. Humakbang ako palapit sa larawang napasukan ko no'ng nakaraan. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng oras na makabalik dito kaya't lulubosin ko na ang pagkakataon.

Napamasid akong muli sa larawan at sinubukang galawin ito ng kaonti. Napaatras ako sa biglaang pag galaw ng pader ngunit agad din naman akong sumampa upang madala ako nito sa oras na ito'y bumaliktad.

"Hmm..." Ungol ko.

Hindi ko na naman kasi napaghandaan ang aking pagbasak sa sahig. Dahan-dahan akong napatayo at muling kumuha ng isang sulo na nakasabit lamang sa pader. Lumakad na ako at muli ay narating ko ang dulo ng makipot na daanang 'to. Kinapa ng mga daliri ko ang nakaukit sa pader at muli ay binigkas ito.

"In profudum cordis videam secretum iter..."

Muli ay napaatras ako at isinabit muli sa pader ang sulong hawak ko. Muling umakyat ang pader. Hindi ko talaga mapigilan ang sobrang tuwa at mangha ko talaga sa lugar na ito. Napatakbo ako at agad na dumungaw sa malinaw na tubig ng talon. Nagsalok ako ng tubig gamit ang aking mga palad at ininom ito. Talagang kay sariwa at presko ng tubig. Napalinga rin ako sa aking paligid at talagang ang gaganda ng pagkakatanim ng mga itim na rosas. Ngunit napaisip ako saglit.

"Itim na rosas..." Sambit ko.

Bakit nga ba ngayon ko lang naalalang may itim na rosas din ang nagbibigay sa akin. Ang akala ko ay ang tiyang dahil 'yon ang paniniwala ni Jeorgie. Nasabi pa nitong masama raw ang ibig sabihin nito ngunit sa nakikita ko ngayon ay mukhang may iba pang kahulugan ito.

"Yana..." Narinig kong bulong ng hangin sa akin. Natigilan ako.

"Nagustuhan mo ba ang nakikita mo..." Mas lalo yata akong natigilan sa biglaan nitong pagsasalita sa aking likuran.

Napalunok ako. Tanghaling tapat ay narito siya! Umiral na naman ang matinding kaba at kuryusidad sa akin. Natutuwa ako na natatakot. Sari-saring emosyon ang pumapaibabaw sa akin. Akmang lilingonin ko ito ngunit sa isang kurap lang ay yakap na nito ako mula sa aking likuran.

Ipinatong din nito ang kanyang baba sa aking balikat at tila ba inaamoy ang aking leeg. Hindi ko alam kung paano niya nagawa iyong mabilis na pagkilos niya.

Nagsimula nang manlumo ang aking mga tuhod. Kung hindi ito nakakapit sa bewang ko'y baka nabuwal na ako sa aking pagkakatayo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, ni ang pag-ungol ay hindi ko magawa! Bumigat ang aking paghinga nang maramdaman kong inilapat nito ang kanyang labi sa aking leeg.

"Bakit ka naritong muli? Hinahanap mo ba ako, Yana..." Halos pabulong nitong wika sa akin. Sa tono nang pananalita nito'y tila ba't nababasa niya ang mga kilos at iniisip ko. Diyos ko Yana! Gumalaw ka!

Para akong nasemento sa aking kinatatayuan at kulang na lang maging isang ganap na rebulto. Napalunok akong muli.

"...ah." Tanging naiusal ko ngunit pabulong iyon.

"Lakas-loob kang pumarito ngunit hindi mo naman alam ang labasan sa lugar na ito." Bulong nito ulit sa aking tainga.

Sa bawat letrang bigkas nito'y katumbas ng ilang milyong boltahe ng kuryente ang gumagapang mula sa dulo ng hibla ng aking buhok hanggang sa aking talampakan. Napalunok akong muli. Diyos ko! Tanging paglunok na lang yata ang magagawa ko!

"Gusto mo yata ang ikulong kita rito..." Muling bigkas nito.

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon