MLFTC-33~
*****
"Oras na..." Aniya bigla."A-ang alin?" Takang tanong ko pa.
Hindi niya ako kinibo bagkus ay iginiya niya lang ako sa may talon. Napaatras pa ako dahil mukhang mababasa na ako ngunit hawak ni Mattheaus ang kaliwang kamay ko kaya't maging ako'y nadala na niya.
"A-ang...init?" Sabi ko pa nang nasa may bewang ko na ang taas ng tubig.
Akala ko malamig ngunit parang nakasalang sa konting apoy itong talon na ito dahil talagang naghahalo ang init at lamig ng tubig. Napatitig ako kay Mattheaus at mukhang alam ko na ang tinutukoy niya. Akmang hahawakan niya ako ngunit lumayo ako. Kumunot ang noo nito.
"Ako na, sisirain mo na naman ang damit ko." Nakanguso ko pang presinta.
Pupunitin na naman niya ito. Sayang naman kung sisirain niya lang. Hinubad ko na ang aking damit at talagang diretso kong inilubog ang sarili ko sa tubig. Napalunok ako. Diyos ko! Hindi naman ito unang beses na may mangyayari sa amin ngunit talagang hindi pa rin maalis sa akin ang hiya. Pilyo namang napangiti itong si Mattheaus kaya napayuko ako. Nakakabaliw ito kung ngumiti! Tuluyan naman na itong lumapit sa akin at niyakap ako.
"May magbabago sa iyo at gusto ko sanang huwag mo itong ikatakot." Anito. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Susubukan ko..." Sagot ko. Kung ano mang pagbabago 'yon ay tatanggapin ko, huwag lamang siyang mawala sa akin.
Hinawakan naman nito ang aking mukha. Dinampian niya nang halik ang aking noo, mga mata ko at ang tungki ng aking ilong. Pasumandali itong tumitig sa aking labi at siniil ako. Buong puso ko itong tinugon ng walang pag-aalinlangan. Gumapang ang labi nito sa aking leeg at nahinto sa aking matatayog na hinaharap.
"...aah!" Daing ko.
Parang may kung anong gumagapang sa buong katawan ko na hindi ko maintindihan.
"Metis noctis opacae..." Sambit nitong bigla at wala sa sarili akong napaliyad.
Kitang-kita ko kung gaano kabilog ang buwan at para bang nakikita ko ang pagbabago ng kulay ng mga mata ko.
"...adsum offerens tibi ubera..." Napasinghap ako.Heto na naman iyong pakiramdam ko na parang isinasalang ako sa isang malaking pugon.
"...aah!" Daing ko nang maramdaman ko ang pagpasok nito sa akin. Narinig ko ang malalim na pagsinghap din nito.
"...mea per sanguinem ejus...." Muling sambit nito kasabay nang pagbayo sa akin.
Namilog ang aking mga mata dahil lumabas na naman sa magkabilang pulsuhan ko ang itim na rosas. Gumapang ito paakyat sa braso ko at gumapang sa buong katawan ko.
"...aah!" Ungol ko.
Nang mapayuko ako'y lahat nang kumalat na tinik ng itim na rosas sa aking katawan ay nagkumpulan sa aking puson.
"...aah!" Hiyaw ko dahil sa biglaan pagsakit ng puson ko.
Parang may kung ano rito sa aking sinapupunan ang nagwawala at talagang napakasakit nito. Napakapit ako sa magkabilang balikat ni Mattheaus upang kumuha ng suporta. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo. Hindi ako mapakali. Parang gusto kong lumaklak ng pampamanhid ng sakit dahil talagang napakasakit nito.
"...puritas mentis et da mihi..."
Halos manginig ang buo kong katawan nang muli itong nagsambit ng mga salitang hindi ko maintindihan. Nakakabingi at masakit sa ulo!
"...aah!" Hiyaw ko at hindi na napigilan pa ang sarili na maiyak.
"...filium tuum semper..." Muling sambit niya kasabay ang pagkagat niya sa aking leeg at ang pagrating namin sa sukdulan.
Diretso akong bumagsak sa tubig ng kanyang ako'y bitawan ngunit maagap ito at muli akong inangat. Lupaypay ang buo kong katawan at talaga namang pagod na pagod itong pakiramdam ko. Nawala rin ang biglang sakit ng katawan ko, lalo na sa parte ng sinapupunan ko. Napapikit ako sa sobrang pagod. Ramdam ko naman ang pagbuhat niya sa akin at ang mabilis na paglapag nito sa malambot niyang kama. Alam kong nasa silid niya ako dahil alam na alam ko kung gaano kalambot ang kama nito. Ngayon ko lang din napuna na kay bango rin pala ng silid nito. Ngayon ko lang ba talaga napuna? Kahit 'di ko man nakikita ang ginagawa nito'y ramdam na ramdam ko naman siya. Kinumutan naman niya ako at niyakap. Tuluyan ko na ring hinayaan ang sarili ko na makatulog.
*****
Nang maalimpungatan ako'y nakaramdam ako ng hininga sa aking leeg. Nang idinilat ko ng tuluyan ang aking mga mata'y nasa aking silid na ako at ang ikinagulat ko pa'y katabi ko si Mattheaus. Sinulyapan ko ang orasan at ilang oras na lang bago mag ala-sais ng umaga.
"M-mattheaus..." Mahinang tawag ko rito.
Alam ko, ang mga gaya nila ay 'di natutulog. Bahagya itong gumalaw at isiniksik pa ng husto ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Matthe---" Sambit ko ngunit agad din namang naputol dahil sa isang iglap lamang ay bigla na itong nakadagan sa akin at nakalapat ang labi nito sa aking labi.
"Caritas mea..." Sambit nito habang hindi pa rin inaalis ang nakalapat nitong labi sa akin.
Napapikit ako at nang magdilat ako'y wala ito sa harapan ko. Napabuga ako ng hangin at kusang napangiti itong mga labi ko. Hindi man kami normal na mag sing-irog ngunit para sa akin ay parang ganoon na rin. Nakakatawa mang isipin at kay bilis ko itong naging nobyo nang wala man lang ligawang naganap ay 'di 'yon isang kalabisan upang huwag siyang aking ibigin. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at muling nagpahila sa aking antok.

BINABASA MO ANG
MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]
VampiroSeries 2 Highest Rank on Vampire Genre #3 Zoldic Legacy Series Si Ayesha Yana Darvin o mas kilala sa palayaw na Yana ay walang kamuwang-muwang na napadpad sa lugar kung saan nakatira ang tanging kinikilala na lamang niyang kamag-anakan na si Cather...