MLFTC-29

14.2K 395 30
                                    

MLFTC-29

*****

"Hindi!" Malakas na sigaw ko nang magdilat ako kasabay nang aking pagsinghap.

Wari'y galing ako sa isang karera dahil sa hinahabol ko ang aking hininga. Isang masamang panaginip. Napahilamos ako ng aking mukha gamit ang mga palad ko. At ngayon ko lang napagtantong umiiyak na pala ako.

"Si Mattheaus!" Sambit ko at napababa sa aking kama.

Kaagad kong tinungo ang museo kahit na masakit pa ang aking katawan. Talagang napatakbo na ako at kaagad na pumasok nang makarating ako. Diretso ako agad sa larawan dinadaanan ko dati ngunit ganoon na lang ang aking pagkadismaya dahil hindi pa rin ito bumubukas.

"Bakit ba ayaw!" Mangiyak-ngiyak ko nang sambit.

Napamewang ako at pinunasan ang aking pisngi.

Talagang hindi siya nagbibiro na ayaw na niyang magtungo pa ako sa lungga niya. Nailing ako. Wala na akong ibang paraan para makita at masigurong maayos siya. Kailangang sumama ako sa kabilang bakod kay Zsakae ngayong linggo.

Nanlulumo akong napabalik nang lakad sa aking silid at muling nahiga sa kama. Pahapyaw ko pang tiningnan ang oras. Tatlong oras na lang bago mag-umaga at mukhang hindi pa yata kumakalam ang sikmura ko; mabuti naman.

*****

"Ugh!" Ungol ko nang 'di na ako makatiis sa kinahihigaan ko.

Talagang hindi mawala sa isip ko ang masamang panaginip kong iyon. Talagang nag-aalala ako sa kanya. Napabuga ako ng hangin. Saktong pagtayo ko sa kama'y siya ring pagtilaok ng manok. Nang lumabas ako ng silid ko'y muntik na akong mapatalon sa sobrang gulat. Bumungad ba naman sa aking harapan ang mukha ni Zsakae.

"Magandang umaga..." Masiglang bati nito sa akin.

"M-magandang umaga. Ang aga mo yata..." Sagot ko pa at nilagpasan ito.

Diretso ako sa lababo upang makapagmumog. Nang matapos ako'y hinarap ko na siya.

"Ano nga pala ang sadya mo rito Zsakae? Kay aga mo namang naparito, ni hindi man lang ako nakapaghanda." Wika ko pa habang nagsasalin ng mainit na tubig sa aking tasa.

"Paumanhin ngunit gusto ko lang sanang isama ka sa isang boutique. Gusto ko sanang ikaw ang pumili ng damit na susuotin mo kung papayag ka nang sumama sa akin." Anito.

Lihim akong napangiti.

"Oo naman..." Nakangiti ko pang baling dito.

Pagkakataon ko nang makapunta sa sekretong lugar ni Mattheaus. Gusto kong siguraduhing maayos siya. Nagliwanag naman ang mukha nito.

"Talaga Yana? Kung oo na talaga'y lubos ko itong tatanawin na utang na loob. Ipagpaumanhin mo sana ang pag-imbita ko sa iyo ng ganito kabilis gayong hindi mo pa naman ako lubos na kakilala. Talagang kailangan ko lang ng kasama sa pagtitipon namin." Mahabang wika nito. Nailing ako.

"Ayos lang Zsakae. Gusto mo ng kape?" Alok ko pa.

Nailing naman ito. Kumikit-balikat lang din naman ako at ininom na ang kape ko.

Napamulsa naman si Zsakae na napatitig sa akin.

"Hintayin na lang kita sa silid-aklatan." Anito.

"Sige..." Sang-ayon ko rin naman.

Nang makalabas ito'y agad kong hinanap si Egoy. Saktong papasok ito sa tinutuluyan namin nang hilain ko siya.

"Ate Yana, bakit po?" Takang-taka naman nitong tanong sa akin.

"Bakit mo pinapasok si Zsakae?" Tanong ko pa. Kumunot naman ang noo nito.

"Po? E kapapasok niya pa nga lang ate. Kabubukas ko lang po ng silid-aklatan." Anito.

Napaawang ang aking labi at napakunot.

"Sigurado ka ba? Kanina lang nga'y kausap ko siya dito mismo sa loob." Wika ko.

"Po? E talagang kapapasok niya lang talaga ate. Imposible naman pong magkasalubong kami, e 'di sana'y nakita ko siya." Ani Egoy.

Napatiim-bagang ako at napaekis ng aking mga braso.

"Baka panaginip ko lang 'yon, Egoy. Sige na." Sabi ko na lamang.

Ngumiti lang din naman siya sa akin at lumabas na. Sumunod ako sa kanya ngunit nahinto lang ako sa may pintuan at napasandal. Tinanaw ko kung saan nakaupo si Zsakae. Abala ito sa pagbabasa ng libro. Napapaisip ako. Paano niya kaya ako napasok nang 'di nakikita ni Egoy? Talagang may kakaiba sa kanya. Hindi lang naman niya ngayon ginawa itong pagsulpot-sulpot niya sa aking harapan. Aalamin ko rin kung ano siya ngunit saka ko na siya pagtutuonan ng pansin kapag nakita ko na si Mattheaus. Labis talaga akong nag-aalala sa kanya.

Alam ko, kakaiba siya ngunit sa sitwasyon naming dalawa ngayon ay talagang hindi ko maiwasan ang hindi makampante. Sa mahabang pag-iisip ko kanina'y napagtanto kong ako nga talaga ang nakasaad sa propesiya. Hindi ako hahabulin ng mga taong-lobo na 'yon kung hindi ako ang nakasaad. May parte sa akin na hindi pa rin makapaniwala ngunit kung susuriin kong mabuti ang mga masasamang naganap sa akin ay mukhang napapaniwala na ako na ako talaga ang nakasaad sa propesiya. Kailangan ko lang ng impormasyon o 'di kaya'y libro na mapagkukunan ko pa ng ibang kaalaman tungkol sa tinutukoy nilang propesiya.

Umayos na ako sa pagtayo at pumasok na sa loob. Naghanda na ako ng agahan namin ni Egoy. Nang matapos ako'y umuna na akong kumain at nag-ayos na ng sarili pagkatapos.

Hindi nagtagal ay natapos din ako sa lahat ng aking mga ginagawa. Lumabas ako sa tinutuluyan namin at kaagad na nilapitan si Zsakae na hanggang ngayon ay nagbabasa pa rin ng libro.

"Egoy, nauna na akong nag-agahan. May lakad kasi kaming dalawa ni Zsakae e." Wika ko kay Egoy.

"Ayos lang ate." Nakangiting sagot lang din naman niya. Binalingan ko si Zsakae.

"Tara na..." Anito.

"Sige..." Sang-ayon ko rin naman.

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon