MLFTC-28

14.5K 469 31
                                    

MLFTC-28

Para sa iyo ito bilang pasasalamat sa bonggang comments mo sa bawat mystery ng TKITD. :) Salamat po!

*****

Habang nasa kalagitnaan kami nang pagkain ay bigla namang may kumatok sa pinto. Pareho kaming napatingin sa pinto.

"Nagsara ka ba, Egoy?" Baling ko pa rito.

"Opo ate e. Teka lang po a?" Aniya.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Nang mabuksan nito ang pinto ay bumungad sa amin si Zsakae. Nahinto ako sa pagsubo.

"Kuya Zsakae, kayo po pala..." Wika ni Egoy nang makita ang lalaki.

Ginulo nito ang buhok ni Egoy at pumasok bigla nang walang paalam.

"May sakit ka raw kaya dinalhan kita ng mga prutas." Ani Zsakae kasabay nang paglapag ng buslong hawak niya sa aking harapan.

Muntik na yata akong mapairap sa ginawa nito. Pumaling ako kay Egoy. Napapakamot pa ito sa kanyang ulo at napatingala pa sa kisame. Kung ganoon ay si Egoy ang nagsabing may sakit ako.

"S-salamat..." Alanganin ko pang sabi rito.

Umupo naman ito sa kaharap kong silya. Muli kong sinulyapan si Egoy at pinaningkitan ng aking mga mata. Agad itong lumapit at naupo sa tabi ko.

"Gusto mong kumain?" Alok ko pa kahit na ang totoo'y puno ako nang pag-aalinlangan. Ewan ko ba? Pero hindi talaga magaan ang loob ko rito dahil sa pagiging presko nito.

"Sige lang, mas gusto ko ang panoorin ka." Ani Zsakae.

Ngalingali kong kinurot si Egoy sa kanyang tagiliran nang 'di napapansin ni Zsakae.

"Ara---mina..." Sambit pa ni Egoy.

Napahagikhik naman ako.

"Aramina?" Wika ni Zsakae na nakakunot na ang noo.

"Ay si Aramina po? Nako kuya, nobya ko po sa aking panaginip." Natatawa pang pagdadahilan ni Egoy.

Napatango-tango naman si Zsakae at nakangiting pumaling sa akin. Napayuko ako. Bakit kaya 'di pa ito umaalis?

"Maari ba kitang imbitahan ngayong linggo? May piging kasing gaganapin sa kabilang bakod." Ani Zsakae.

Napaangat ako ng aking ulo.

"Sa kabilang bakod?" Ulit ko pang sambit.

Napatango naman ito. Napalunok ako. Nag-aalangan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Kung tatango ba ako o magdadahilan. Inaalala ko lang kasi 'yong sinabi ni ate Mocha sa akin noong nagdaang gabi. Kabilin-bilinan niyang huwag na akong bumalik sa kabilang bakod. Tinukoy din nito ang lalaking bumabagabag sa akin. Sa pagkakaalala ko'y ang huling sinabi nito'y huwag na akong babalik sa kabilang bakod at ang sabi pa niya'y huwag akong lumubay sa lalaking 'yon. 'Di kaya'y si Mattheaus ang tinutukoy ni ate Mocha?

"Ate Yana..." Pukaw sa akin ni Egoy kaya natauhan ako.

"Paumanhin, maari bang pag-isipan ko muna ang iyong alok?" Wika ko pa.

"Oo naman..." Nakangiti nitong sang-ayon.

Sumulyap ako sa kalendaryong nakasabit sa dingding. Biyernes ngayon at may bukas pa akong mag-isip kung paano ako tatanggi sa kanya.

"Mauna na ako Egoy, Yana..." Ani Zsakae.

Tango lang ang itinugon ko at inubos na ang pagkain ko, maging ang gamot para sa sakit ng katawan ay ininom ko na rin. Nagpaalalay na din ako kay Egoy pabalik sa aking silid.

"Ate, hindi niyo po ba kakainin 'yong mga prutas?" Tanong nito bigla.

"Mamaya na lang siguro..." Tipid ko lamang na sagot.

Ngumiti lang naman si Egoy at tuluyan nang lumabas ng aking silid. Nang makalabas ito'y pinilit kong makatayo agad at isinalyado ang pinto. Paika-ika akong bumalik sa kama ko at sinimulan nang hubarin ang aking pang-itaas na damit. Napangiwi ako dahil talagang ang dami kong pasa sa katawan. Kinuha ko ang pamahid at nilapatan kaagad ang mga pasa ko. Hindi nagtagal ay natapos ko rin lahat lagyan ng gamot ang mga pasa ko sa buong katawan. Napaliyad pa ako at iniunat ang aking mga braso dahil sa pangangalay. Diretso akong nahiga sa aking kama at napatitig sa kisame. Pupunta ba ako? Ngunit hindi ko pa naman gaanong kakilala si Zsakae.

Oo nga't pamangkin siya ni kuya Steffano, ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alangan. Lalo pa ngayon at may nobyo na ako, si Mattheaus.

Oo nga't kay bilis ng mga pangyayari at naging nobyo ko na agad ito pero bilang nobya na nito'y obligado kong isaalang-alang ang nararamdaman nito. Napahilamos ako ng mukha ko at kinuha ang mga damit ko. Muli akong nagbihis at napagpasyahang magpahinga na lang muna. Mukhang aabutin ng ilang araw itong pananakit ng katawan ko at ang pag galing ng mga pasa ko sa katawan.

*****

Napadilat ako nang madama kong masyado yatang malamig ang aking nahigaan. Nang luminaw sa utak ko kung nasaan ako'y agad akong napabangon. Nakahiga ako sa lupa na napapalibutan ng tuyong mga dahon. Nasa isang gubat ba ako? Ngunit kanina lang ay nasa aking kuwarto pa ako.

Natigilan ako nang mapuna kong iba na pala ang aking kasuotan. Suot ko'y itim na bestida. Hindi lang isang simpleng bestida dahil mukha itong pangkasal na damit. Iyon nga lang ay kulay itim ito, maging ang suot kong pares ng sapatos ay kulay itim na may palamuting pilak na dekorasyon. Napakunot ako ng aking noo at inikot ang aking mga mata sa aking paligid. Paano ako napunta rito? Nasaan ako? Lumakad ako at napuna kong nagsilapitan sa akin ang mga paru-paronig kulay itim rin. Dumapo ang mga ito sa aking damit ngunit kaagad din namang nagsiliparan ang mga ito. Ngunit ewan ko ba kung bakit sinundan ko ang mga ito. Nakakatuwa lang kasi dahil sa iisang direksyon lang ang dinadaanan ng mga ito. Bigla namang nagkumpulan ang ito at laking gulat ko nang magsialisan ang mga paru-paro ay may lalaking lumitaw dito. Nakatalikod ito sa akin. Suot niya'y isang tuksedo, na talaga namang bumagay sa matikas nitong pangangatawan. Ang kulay gintong abong buhok naman nito'y nakalugay lang na umabot hanggang leeg. Ngunit kahit mahaba ang buhok nito'y hindi ito naging dahilan para hindi ito bumagay sa kanya, kahit pa nakatalikod ito sa akin. Humakbang pa ako palapit hanggang sa isang dipa na lang ang distansya ko sa kanya. Parang huminto ang oras ko at para bang lahat ay nakahinto. At ang tanging gumagalaw lang ay siya nang kanyang ako'y lingonin. Napaawang ang aking mga labi ngunit agad din namang napalitan nang ngiti sa aking labi.

"Mattheaus..." Sambit ko.

Humakbang ito palapit sa akin at ipinulupot sa bewang ko ang magkabilang bisig nito. Gumapang ang kanang kamay nito sa aking leeg at hinaplos ang aking kanang pisngi. Napapikit ako dahil sa banayad na paghaplos nito sa aking mukha. Nang magdilat ako'y nagimbal ako sa aking nasaksihan. Unti-unting naglalaho ito at nagiging abo, kasabay nang pag-ihip ng hangin. Nailing ako at mahigpit na napakapit sa suot nitong damit ngunit ganoon na lang ang pagkagulat ko nang maging abo na ito ng tuluyan. Tuluyang naglandas sa aking mukha ang mga butil ng luha mula sa aking mga mata.

"Mattheaus! Hindi!" Nanginginig kong sambit.

"Ugh! Hindi!" Puno nang paghihinagpis ang nadarama ko.

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon