MLFTC-49

13.2K 440 12
                                    

MLFTC-49

*****

"Mas hangal ka! Dahil sa babaeng 'yan napunta lahat ng atensyong ng inay sa kanya! Lahat ng taong nakakaalam sa propesiya ay tinatrato siyang isang mamahaling bato! Samantalang ako? Ano ako? Naging anino niya! Masisisi mo ba ako Zsakae? Buong buhay ko, sinunod ko ang gusto ng inay Nely. Protektahan si Yana! Sinunod ko 'yon dahil mahal ko siya! Pero ano ang nangyari!? Ipapakasal siya sa taong lubos kong minamahal ng palihim! Nalaman ko pang matagal na silang magkasintahan at nagmukha akong tanga! Kaya dapat lang mawala ang babaeng 'yan!" Iyak ako nang iyak sa himutok ng aking kapatid. Wala akong maalala kaya paano ko siya maiintindihan.

"Itigil mo na ito Alyana. Kakalimutan ko lahat nang nagawa mo, magbago ka lang." Pakiusap ko.

Kahit papaano ay kapatid ko siya.

"Bakit Yana? Maibibigay mo ba sa akin si Mattheaus!" Diretsong nailing ang aking ulo.

"Kahit ano, Alyana huwag lang siya." Lumuhod na ako sa harapan niya. 'Di ko kakayaning mawala si Mattheaus sa akin. Kailangan ko siya at ng anak namin.

"Hindi! Ugh!" Akmang susugod sa akin ang kapatid ko ngunit maagap si Zsakae sa paghila sa kanya.

"Sinabing tama na!" Talagang galit na galit na ang anyo ni Zsakae dahil halos pilipitin na niya ang braso ng kapatid ko.

"Sige na Yana! Puntahan mo na ang kapatid ko." Napakurap pa ako at agad din namang tumalima. Patawarin mo ako Alyana pero babawiin ko na ang matagal na sa akin.

"Yana!" Malakas na tawag ni Alyana sa akin ngunit 'di ko na siya nilingon pa.

Halos paika-ika ko nang nilakad papasok ang bahay ni Mattheaus.

"Mattheaus!" Tawag ko kahit sumasakit na itong lalamunan ko.

Panay ang pahid ko ng aking mga luha. Napapahawak din ako sa aking tiyan na may kalakihan na. Sa tantsa ko'y parang nasa walong buwan na itong tiyan ko.

"Mattheaus!" Muling tawag ko hanggang sa nahinto ako sa isang malaking bulwagan.

May altar sa gitna at may malaking salamin sa gilid. Kumunot ang noo ko at napalunok. Ito ang lugar kung saan ko nakikita ang sarili ko na isinasayaw ng isang lalaki na nakasuot ng tuksedo.

"Si Mattheaus ang kasayaw ko sa larawang nakapinta?" Gulat ko pang bulong sa aking sarili.

Buong buhay kong hinanap ang sagot kung sino ang pintor ng larawan. Iyon pala'y siya lang, lahat nang nasa museo ay siya rin ang nagpinta. Napalinga-linga ako sa paligid ko.

"Matt----" Bago pa man ako makapagsalita ay bigla na lamang akong nakahiga na sa altar at kapwa nakatali ang dalawang kamay at paa ko sa solidong bakal.

Lumitaw si Mattheaus sa harapan ko at halos matibag ang sementong hinihigaan ko dahil sa malakas na paghampas niya rito.

"Dapat noon pa'y pinaslang na kita Alyana dahil sa panlilinlang mo sa akin. Lubos talaga akong nagpapasalamat at 'di natuloy ang kasal natin." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil 'di talaga sila nakasal ng kakambal kong si Alyana o maiiyak ako lalo dahil hindi na niya ako makilala bilang si Yana.

"Mattheaus, ako 'to, si Yana..." Humihikbi kong wika.

"Magpapanggap ka paring ikaw si Yana? Napakaistupida mo talaga!" Bulyaw nito at muling napahampas sa semento. Konting hampas pa nito'y mawawasak na itong altar na hinihigaan ko.

"Mattheaus..." Umiiyak kong usal.

"Tama na Alyana!" Namilog ang mga mata ko nang humugot ito ng matulis na punyal.

Napapikit ako ng mariin. Diyos ko! Kayo na po ang bahala sa akin. Muli nitong hinampas ang sementong altar dahilan para mabasag ito ng tuluyan. Nakawala ang kanang kamay ko sa pagkakaposas dahil nabuwal ang bakal na nakakabit sa akin.

"Mamatay ka na!" Walang pag-alinlangan nitong tinarak sa akin ang punyal ngunit sinalag ko ito gamit ang aking kamay.

Bumaon ito sa palad ko at tumama sa aking dibdib ang matulis na dulo nito. Hindi ito pa ito tuluyang nakabaon. Konting tulak na lang nito'y talagang babawian na ako ng buhay.

"Mattheaus...ayos lang... Mahal...na mahal kita..." Mahinang usal ko sa pagitan ng aking paghikbi.

'Di na ako pumalag pa at niluwagan ang puwersa sa aking kamay. Ngunit bigla itong natigilan at hinaplos ang tiyan ko.

"Yana..." Aniya at nagsimula nang tumulo ang mga luha niya sa mata. Nakikilala na niya ako.

Dali-dali niyang hinugot ang punyal sa aking kamay at halata sa mukha ang pagkabahala.

"Yana...hindi ko sinasadya..." Nanginginig ang boses nito.

Agad niya akong kinarga at kinulong sa mga bisig niya. Pinilit kong iniangat ang kaliwang kamay ko sa kabila ng panglalanta ng katawan ko.

"Ayos lang sabi..." Nakangiti kong sagot.

"Hindi. Nasaktan kita, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa iyo." Pinunasan ko ang luha niya.

"Mattheaus, buhay naman ako 'di ba? Maayos ako..." Niyakap naman niya ako at pinugpog nang halik.

"Mahal na mahal kita Yana." Aniya at ayaw pa rin huminto ng mga mata nito sa pagluha.

"Ikaw ang buhay ko Yana, simula't sapul ay ikaw lamang ang inibig ko. Kailanman ay 'di 'yon magbabago." Ginawaran niya ako ng matamis na halik. Lahat ng sakit dito sa puso ko'y lahat naglaho.

"Hindi!" Pareho kaming napabaling ni Mattheaus kay Alyana.

"Mattheaus..." Pigil ko sa akmang pagbabago ng anyo nito.

"Ano ba Alyana! Itigil mo na ito!" Awat ni Zsakae.

"Zsakae, ipatapon siya sa Isla Herodes!" Wika ni Mattheaus. Isla Herodes?

"Hindi! Ayoko doon! Gagawin lang nila akong utusan doon!" Pagmamakaawa ng kapatid ko.

"Mattheaus, h'wag na, pakiusap!" Pigil ko.

"Ibilin mo na lamang siya kay inay Nely, pakiusap!" Segunda ko.

"Zsakae, ikulong siya sa bartolina." Muling utos ni Mattheaus. Napangiti ako. Salamat naman at nagbago ang isip niya.

"Kuya, dalian mo. May dalawang araw ka na lang para ilayo ang anak mo. Malapit na raw sila sa ilusyong tulay." Ani Zsakae.

"Umalis ka na Zsakae. Sabihin mo kay kuya Steffano na ihanda niya ang barkong gagamitin ko." Ani Mattheaus.

"Bitawan mo ako Zsakae!" Pagpupumiglas ng kapatid ko.

"Magtigil ka Alyana! Pasalamat ka at may awa pa sa iyo si Yana! Kung bakit pa ba kasi hinayaan pa kitang pakawalan!" Galit din na bulyaw ni Zsakae sa kapatid ko.

Agad din silang naglahong dalawa at naiwan kaming dalawa ni Mattheaus.
"Ano bang nangyayari?" Takang tanong ko kay Mattheaus.

"Ayos ang lahat Yana." Aniya at lumakad na kami.

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon