MLFTC-39

12.5K 415 1
                                    

MLFTC-39

*****

Hindi rin naman nagtagal ay narating na namin ni Egoy ang silid-aklatan. Nagulat pa kami at nagkatinginan ni Egoy nang mapuna naming bukas ang pinto ng silid-aklatan. Dali-dali kaming pumasok ni Egoy at ganoon na lang ang pagkagulat namin nang makitang magulo ang loob. Diretso agad na napatakbo si Egoy sa museo. Agad din naman akong sumunod sa kanya at nang mabuksan nito ang pinto ay pareho kaming nakahinga ng maluwag. Maayos ang loob ng museo, maliban dito sa silid-aklatan. Parang may kung anong hinahanap ang magnanakaw sa lugar na ito dahil talagang ang mga librong nasa ikalawang palapag ay umabot hanggang sa unang palapag.

"May nawala ba Egoy?" Alalang taong ko pa. Nakita ko kasi itong napatakbo rin papasok sa aming tinutuluyan.

"Wala naman ate, maliban lang dito." Tukoy niya sa mga mesa at librong nasa sahig. Napamewang ako at natampal ang aking noo.

"Egoy, ipagbigay alam mo nga ito kay ate Catherine." Utos ko pa.

"Sige ate..." Akmang lalabas na ito sa pinto ngunit hinila ko naman ito ng marahan braso.

"Bukas na Egoy. Gabi na masyado. Halika na, matulog na tayo. Bukas na lang tayo mag-ayos Egoy." Humihikab ko pang sabi.

Bigla akong nakaramdam ng matinding pagod at pagka-antok. At tila ba balewala sa akin ang nangyari dito. Ewan ko ba! Dala siguro ito nang pagbubuntis ko.

"Sige ate, magsasara na lang po ako." Tinanguan ko lamang ito at umuna na ako sa aking silid.

Bukas ko na lamang dadalawin ang pinakamamahal kong Mattheaus.

*****

Kinaumagahan nang magising ako'y diretso ako agad na nag-ayos ng aking sarili. Pinagmasdan ko pa ang sarili ko sa salamin. Talagang 'di na bumalik sa dating kulay itong buhok ko. Permanente na yata itong ganito at talagang nagmumukha akong dayuhan sa buhok kong 'to; parang kay Mattheaus lang. Matapos kong masipat ang kabuoan ko sa harapan ng salamin ay kaagad din naman akong lumabas ng aking silid. Naabutan ko pang naghahain nang agahan si Egoy sa mesa.

"Magandang umaga, Egoy." Masiglang bati ko rito. Ngumiti naman ito sa akin.

"Magandang umaga rin po ate. Kain na po tayo." Tumango lang ako at naupo na sa hapag.

"Ate o, ispesyal 'yan." Ani Egoy bigla at may inabot na pitsel sa akin.

Kumunot ang aking noo ngunit bahagya din namang umaliwalas ang mukha ko nang makita ko ang laman ng pitsel.

"Ay grabe Egoy! Ang sarap nito!" Wika ko pa.

"Naman ate! Alam kong gusto mo 'yan e." Agad naman akong nagsalin sa baso at tumikim ng konti.

Para akong nabunutan ng mabigat na bagay na nakadagan sa katawan ko. Ang sarap talaga nitong minatamis na inoming galing sa katas ng ubas at berry.

"A-ate Yana..." Tawag naman ni Egoy sa akin. Gulat ang mukha nito habang nakatitig sa akin.

"Egoy, bakit?" Napalunok naman ito.

"Dilaw na naman po mata niyo." Sagot nito.

"Ha?" Diyos ko! Nakita ni Egoy! Agad kong kinusot ang mga mata ko.

"Dilaw pa rin ba?" Kabado kong tanong.

"H-hindi na po..." Napahawak ako sa aking damit.

"E-egoy---" Nailing naman ito.

"Ayos lang ate. Minsan ganyan din ang mga mata ni kuya Keanno kapag natititigan ko ito. Ang sabi niya, natural daw iyon at piling tao lang ang may kakayahan niyan. Ang siyensya nga naman, talagang nakakamangha. 'Di ba po ate?" Ngumiti pa ito sa akin at tila ba'y wala lang ito sa kanya.

"O-oo naman..." Kunwari'y sang-ayon ko.

Kung bakit ba naman kasi ngayon pa nagbago ito ng kulay. Nakita pa tuloy ito ni Egoy. Aminado akong kinakabahan talaga kanina. Kumain na lamang ako at 'di na umimik pa.

"Siya nga pala ate. Papasok na ako sa paaralan ngayong linggo. Linggohan kasi ang iskedyul na kinuha ko ate para naman makapagtrabaho ako at 'di ko kayo maiwanan mag-isa dito." Ngumiti ako.

"Nako Egoy, kaya ko mag-isa at saka dapat lang talaga na mag-aral ka para naman makahanap ka ng magandang trabaho sa siyudad." Sabi ko pa.

"Samalat ate." Anito.

Tinanguan ko lamang siya at agad na tinapos ang kinakain ko. Nang matapos kami ni Egoy ay agad na naming sinimulan ang pag-aayos sa mga libro.

"Nasabi mo na ba ito kay ate Catherine, Egoy?" Nailing naman ito.

"Huwag na lang po ate. Panigurado kasing mag-aalala na naman iyon. At saka hindi na po bago sa akin itong ganito. Maraming beses na po itong nagkaganito. Para bang may hinahanap 'yong sumisira dito." Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko.

"Maraming beses na? Grabe naman 'yon. Ano naman kaya ang hinahanap ng taong 'yon." Nailing naman itong si Egoy at ipinagpatuloy ang pagliligpit.

"Siguro 'yong librong hinahanap no'n ate ay ang La Luz De Vermont Zoldic dyornal." Natigilan naman ako sa sinabi ni Egoy.

"Hindi ba 'yan ang pangalan ng unibersidad sa kabilang bakod, Egoy?" Sabi ko pa.

"Opo ate. Ang libro kasing iyon ay naglalaman ng mga importateng bagay mula sa kinanunuan ng mga Zoldic. Dalawang libro 'yan ate, ang isa ay aklat ng ritwal at mga propesiya. Ewan ko ba sa pamilya nila ate Yana. Masyadong makaluma e." Kuwento niya pa. Libro ng propesiya at ritwal? 'Yan ang hinahanap ko!

"Ano Egoy, alam mo ba kung nasaan iyon?" Tanong ko pa kunwari.

"Iyong dalawang libro po? Nasa pangangalaga po ni kuya Keanno, ate Yana."

Mariin akong napakagat ng aking labi. Kung ganoon ay kay Keanno ko lang makukuha ang librong iyon. Kunwa'y tumabi ako kay Egoy at kinuha ang mga libro.

"Puwede bang samahan mo ako sa kanya Egoy?" Napatingin naman ito sa akin ng puno nang pagtataka.

"Bakit po ate?" Ngumiti ako.

"Nako Egoy, gusto ko lamang magpasalamat sa kanya. Alam mo na, iyong ginawa niyang pag-aalaga sa akin no'ng nagkasakit ako." Napatango-tango naman ito. Lumusot sana ang palusot ko.

"Sige ate, sasamahan kita sa mansyon niya kapag hindi na po tayo abala rito, pero sa kabilang bakod 'yon ate. Nasa likod 'yon ng unibersidad. 'Yong bahay ni kuya Zairan at kuya Steffano lang kasi ang narito na tinitirhan nila, pero may bahay din naman sila sa kabilang bakod." Paliwanag niya at tanging tango lamang ang naitugon ko.

MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon