MLFTC-44
*****
"Yana..." Natigil ako sa paghakbang at napakuyom ng aking mga kamao.
"Huwag kang lumapit!" Bulyaw ko sa kanya.
Ngunit alam kong matigas ang ulo nito kaya bigla na lamang itong lumitaw sa harapan ko at agad na hinawakan ang aking pisngi.
"Yana, makinig ka muna sa akin, pakiusap..." Pagsusumamo ni Mattheaus sa akin ngunit nailing ako.
"Niloko mo ako!" Alam kong walang epekto ang sampal ko sa kanya pero ginawa ko pa rin at gaya nga nang inaasahan ko'y 'di man lang ito natinag.
"Hindi kita niloko, Yana." Aniya at nagsimula nang lumuha.
Nahabag ang puso ko ngunit mas matimbang ang galit ko para sa kanya. Hindi ko siya pinansin at humakbang muli.
"Yana!" Pigil nito sa kaliwang braso ko.
"Hindi ikaw ang Mattheaus na minahal ko, dahil kung ikaw, siya? Hindi siya maglilihim sa akin kung talagang mahal niya ako." Matigas kong wika at binawi ang aking braso.
Muli akong humakbang nang walang lingonan palayo sa kanya. Ayaw ko mang saktan siya ngunit mas nasasaktan ako sa nalaman ko. Hindi nagtagal ay nakalabas ako muli sa bakod. Nagtaka pa ang taga-bantay kung paano ako nakapasok ngunit 'di naman ako nito inusisa pa. Siguro ay dahil na rin sa itsura ko, puro ako putik at iyak ako nang iyak. Napahawak ako sa aking tiyan.
"Huwag ngayon anak ko, pakiusap..." Pagsusumamo ko.
Nais kong huwag sana muna siyang magwala sa sinapupunan ko. Masyado nang masakit ang nangyari sa akin at 'di ko na kayang lumasap pa ng iba pang sakit. Dahan-dahan lang akong lumakad hanggang marating ko ang silid-aklatan. Agad na bumungad si Egoy sa akin.
"Ate Yana! Takbo!" Sigaw nito.
Namilog ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang sumunod na lumabas; taong-lobo! Awtomatiko akong napabalik at lakad-takbo ang ginawa ko.
"Ate Yana!" Sambit pa ni Egoy nang maabutan niya ako. Umiiyak ito at halata sa mukha ang matinding takot.
"A-ate Yana, umalis ka na. Ililigaw ko sila." Umiling ako.
"Hindi kita iiwan dito!" Sagot ko at hinila na ito.
Inalalayan ako ni Egoy na tumakbo ngunit hindi pa man kami lubusang nakakalayo ay bumungad na sa aming harapan ang dalawang taong-lobo.
Napayakap sa akin si Egoy ngunit kinalas ko ito at itinago siya sa aking likuran.
"Ako ang kailangan niyo, 'di ba!? Nakikiusap ako, huwag niyong idamay ang bata!" Pagmamakaawa ko sa gitna nang aking pag-iyak.
"A-ate Yana..." Nanginginig sa takot na sambit ni Egoy.
"Nandito ako Egoy." Bigla namang nag anyong tao ang lobo.
"Hangal! Lahat ng mapapalapit sa iyo ay kailangang mawala!" Anito at muling bumalik sa pagiging taong-lobo.
"Parang awa niyo na---" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil pareho na kaming tumilapon ni Egoy sa sahig.
Ngunit nagulat ako nang may sumalag sa pagkakatilapon ko, si Zsakae! Ibinaba niya ako at itinuon ang atensyon sa kaaway. Halos magkalasog-lasog ang mga ito dahil sa ginawa niyang pag-atake. Ngunit isa lang ang pumasok sa kukute ko ngayon, isa rin pala siyang bampira!
"Yana, si Egoy!" Ani Zsakae. Agad akong natauhan at dali-daling lumapit kay Egoy na nakahandusay sa lupa.
"Diyos ko!" Sambit ko nang makita ko ang kalagayan nito.
May malaking sugat ito sa kanyang tagiliran. Marahil ay nahigip siya sa matulis na kuko no'ng taong-lobo.
"Egoy!" Pukaw ko rito at tinapik ang kanyang pisngi.
Isinandal ko ang kanyang ulo sa aking hita at muli itong tinapik. Panay din ang pagpahid ko ng luha sa aking pisngi.
"Egoy! Gising!" Ngunit wala pa rin itong tugon.
Inihiga ko siyang muli at idinikit ang aking tainga sa kanyang dibdib. Hindi na ito tumitibok, wala na ring pitik ang kanyang pulso. Dali-dali kong ginawa ang pang-unang lunas.
"Egoy! Ano ba! Gumising ka! Pakiusap!" Sambit ko habang patuloy ito binubuhay gamit ang pagbibigay ng hangin at pagdiin ng mga palad ko sa bandang dibdib nito.
"Egoy! Huwag ngayon! Ano ba!" Pilit ko siyang binubuhay kahit na alam kong wala na. Kinabig ko na lamang ito sa kanyang batok at niyakap. Duguan man ang damit ko dahil sa sugat nito ay 'di ko na ininda pa. Mas lalo akong naiyak ng matindi.
"Egoy naman e! Mag-aaral ka pa 'di ba? Sa linggo na nga ang pasok mo. Bakit..." Halos 'di ko na matuloy pa ang sasabihin ko dahil sobrang nahihirapan na ako sa paghinga.
"Egoy naman...bakit bumitaw ka bigla?" Napahagulhol na ako at halos yakapin ko na ng husto si Egoy. Bigla naman akong hinila ni Zsakae at inilayo kay Egoy.
"Ano ba! Bitawan mo ako! 'Di ko puwedeng iwanan si Egoy!" Pagpupumiglas ko. Iniharap ako ni Zsakae sa kanya at kinulong ang aking mukha sa kanyang mga kamay.
"Kailangan nating umalis, Yana! Wala na si Egoy!" Aniya. Umiling-iling ako.
"Hindi! Pakiusap Zsakae..." Napaluhod na ako.
Ang sakit mawalan ng minamahal. Napalapit na sa akin ng husto si Egoy at 'di ko matanggap na nawala siya nang dahil sa akin. Itinuring ko na siyang parang kapatid ko at labi akong nasaktan nang mawala ito.
"Pakiusap Zsakae...iwan mo na lang ako..." Wika ko.
"Bakit Yana? Sa tingin mo ba matatapos agad ang lahat ng 'to? Hindi Yana!" Napatakip ako ng aking mukha.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Bigla naman akong binuhat ni Zsakae at inilayo sa lugar.
Tanaw na tanaw ko si Egoy na nakahandusay sa lupa ngunit laking pasasalamat ko nang makita kong kinuha siya ni ate Mocha at inilayo rin sa lugar. Yumakap ako ng husto kay Zsakae at talagang kailan na kailangan ko nang makakapitan ngayon.
*****
Happy birthday po kay ate @aprilsamaniego11
April Salvan! XD Love you po ate.
(April 11)
BINABASA MO ANG
MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]
VampirosSeries 2 Highest Rank on Vampire Genre #3 Zoldic Legacy Series Si Ayesha Yana Darvin o mas kilala sa palayaw na Yana ay walang kamuwang-muwang na napadpad sa lugar kung saan nakatira ang tanging kinikilala na lamang niyang kamag-anakan na si Cather...