MLFTC-23
Enjoy sa update. Magiging madalas na po itong delay updates pero bagsakan, meaning tatlo o higit pang chapter ang updates ko sa susunod na posting.
Salamat sa uunawa minamahal kong mga diwata.
*****
Iniitsa niya lang ang tsaketa sa sulok at may kinuha sa loob ng tukador. May kung anong bote itong kinuha at isinalin sa kulay gintong kopita. Nilagok niya ang lahat ng laman nito at lumapit sa akin. Inilapag niya sa katabi kong mesa ang hawak niyang bote at maging ang kopita. Mataman naman nito akong tinitigan kaya't napayuko ako dahil parang nakakapaso ang mga titig nito sa akin.
Bigla naman niyang hinawi paitaas ang tsaketang suot ko kaya't napapitlag ako. Maingat din niyang itinaas ang suot kong bestida ngunit pinigilan ko ang kanyang kamay. Hinawakan niya lang ang kamay ko at inalis, saka tuluyang inangat ang bestida ko. Pakiramdam ko'y lulubog na ako sa sobrang kahihiyan dahil konti na lang ay makikitaan na ako.
Binitawan naman niya ang kanang kamay ko at kinuha ang bote. Walang ano pa'y walang pasabi niya itong ibinuhos sa sugatan kong hita.
"...aah!" Daing ko nang pagkalakas dahil sa sobrang hapdi.
Mabilis niyang kinabig ang batok ko at pinakagat sa akin ang kanyang braso.
"...ugh!" Ungol ko habang kagat ko ang kanyang braso.
Nag-uunahan sa pagtulo ang aking mga luha dahil sa sobrang sakit at hapdi. Hindi ko inaakalang alak pala ang ibinuhos nito sa akin. Diyos ko! Sinaunang tao nga talaga ang nilalang na ito dahil alak ang ginagamit bilang panglinis ng sugat imbes na alkohol.
Bahagya niya naman akong itinulak at pinasandal sa kama. Biglang nanghina ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niyang 'yon. Kitang-kitang ko naman ang pag galing ng kagat ko sa kanyang braso. Ibang klase talaga siya!
Dahan-dahan naman nitong inangat ang hita ko at natigilan ako sa ginawa niya. Bigla na lamang kasi siyang yumuko at walang pasubaling dinilaan ang sugat sa aking hita. Namilog naman ang aking mga mata sa biglaang pag galing ng mga sugat ko. Hindi naman kaya'y may sa lahing engkanto ang lalaking 'to!?
"A-anong ginawa mo?" Sa wakas ay naiutas ko.
Kumikit-balikat lang ito at nilubayan na ang hita ko. Tumayo naman na ito at lumapit muli sa tukador at may kinuha ulit. Isang bestida na kulay asul ang iniabot nito sa akin.
"Magbihis ka..." Utos pa nito. Natigilan akong muli.
"S-saan?" Alanganin ko pang sagot.
Hindi ito umimik at seryoso lamang na katitig sa akin. Kung hindi lang talaga kakaiba itong lalaking 'to, marahil ay nasapak ko na ito. Napalunok ako at walang nagawa kundi ang magbihis sa harapan nito. Ngunit bago ko pa man mahubad ang suot ko'y tumalikod na ito. Nakahinga ako ng maluwag. Kahit pa-paano'y may respeto rin pala ito sa akin. Dali-dali akong nagbihis at itinabi ang marumi kong damit.
Saka naman ito humarap sa akin."Dito ka lang..." Anito at saka lumabas ng kuwarto.
Mas lalo akong nakahinga ng maluwag. Makailang beses ko yatang pinigil ang aking paghinga. Hindi ko talaga mapigilan ang kabahan sa kanya. Hindi siya isang ordinaryo, bagkus isa siyang bampira.
Dahan-dahan naman akong napatayo at tinantsa kung kaya ko na bang ikilos ang kanang hita ko. Napangiti ako. Salamat naman sa Diyos at gumaling na ito ng tuluyan.
Ngunit paano niya kaya iyon nagawa?
Bumukas naman bigla ang pinto kaya't awtomatiko akong napaupo. Aatakihin ako sa puso dahil sa lalaking 'to. May inilapag naman ito sa maliit na mesa, na sa tingin ko'y pagkain. Kumakain din ba sila?
"Kumain ka na..." Anito.
Kay tipid naman nang binibigkas nitong mga salita. Nanatili naman ako nakaupo lang sa kama kaya binuhat na lamang nito ang mesa gamit ang isang kamay. Napaawang ang aking bibig dahil sa sobrang pagkamangha pero agad ko rin namang itinikom ito nang mapuna ko ang malagkit niyang pagtitig sa akin. Itinulak naman nito ang pinggan palapit sa akin. Alanganin pa akong kumilos dahil napakahirap talaga nitong basahin.
Umalis naman ito sa harapan ko at nahiga sa kama. Napalunok naman ako ulit at walang kibo na ring kumilos upang makakain.
Hindi nagtagal ay natapos din naman ako at bahagyang sumulyap sa antigong orasan. Ala-una na ng madaling araw at tila ba nakapagtataka't hindi pa ako dinadalaw ng aking antok.
"Yana..." Natigilan na naman ako at bahagya itong nilingon.
Kung bakit ba kasi nagsisitayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko.
"M-maari ba akong magtanong?" Wika ko.
Umayos naman ito sa pag-upo at sumandal.
"Kung nabigla ka at naguguluhan, masasanay ka rin. Mamaya na kita dadalhin sa kuwarto mo. Mahiga ka na rito." Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi.
Ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong magtanong pa. Kalaunan ay natauhan din naman ako sa iba niyang sinabi. Magtatabi kami!?
"H-ha? S-sa a-ano---ay!" Bigla na lamang kasi nito akong binuhat at inihiga sa kabilang dulo ng kama.
Agad akong napatalikod at niyakap ang aking sarili. Kinakabahan ako na 'di ko mawari. Wala akong naging nobyo kahit isa lang at unang beses kong mahalikan, maging ang makatabi ang isang lalaki sa kama.
Napalunok ako. Ramdam ko naman ang biglang paghila niya sa kumot at tinakip sa akin. Ngunit mas lalo kong ikinabigla ang sunod niyang ginawa. Iniunan nito sa akin ang kanyang kanang braso at ang kaliwang braso naman nito'y nakadantay sa bewang ko. Maging ang mukha nito'y isiniksik sa aking leeg. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng katawan nito ngunit wari pakiramdam ko'y nasasapat na itong matinding init ng aking katawan.
"Ano ba talaga kita?" Wala sa loob kong nautas.
"Ang iniirog mong nagmula sa nagdaang taon." Bulong niya.
Hindi na muli akong kumibo at marahang ipinikit ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]
VampireSeries 2 Highest Rank on Vampire Genre #3 Zoldic Legacy Series Si Ayesha Yana Darvin o mas kilala sa palayaw na Yana ay walang kamuwang-muwang na napadpad sa lugar kung saan nakatira ang tanging kinikilala na lamang niyang kamag-anakan na si Cather...