Chapter 1

31.3K 688 46
                                        

"HOY! ABA'T ANG SARAP PARIN NG TULOG MO AH?! MAG BAYAD KA MUNA NG RENTA!"

Nagising ako sa sunod sunod na kalabog at sigaw ni Manang Bebang. Kinuha ko ang unan ko at itinakip sa mukha ko.

Kahapon pa nya ako kinukulit magbayad sa renta ng apartment. Ano bang magagawa ko? Wala pa akong sahod.

"ISANG LINGGO! PAG HINDI KAPA NAGBAYAD PAPALAYASIN NA KITA DYAN!"

Tamad akong tumayo at pumunta sa banyo. Kahit mag bunganga pa sya buong araw sa labas ng apartment ko wala din naman akong mailalabas na bayad. Sa makalawa pa ang sahod ko sa coffee shop na pinagtatrabauhan ko ngayon.

Oo nga pala. Ako si Ayen Angela Rivera. 21. Nakatira sa isang bulok na apartment na pag mamay ari ni Manang Bebang.

Naligo na ako at nagbihis. Hindi na ako nag abala pang kumain dahil ubos na ang stock ko. Tiniis ko nalang ang isang balot na Skyflakes. Sanay naman akong magutom kaya push lang.

Mahirap pa ako sa daga. Ayoko maging pabigat sa mga magulang ko kaya naki pag sapalaran ako dito sa Manila.

Mahigit dalawang taon na akong nakatira sa manila. Minsan ay umuuwi ako sa Pampanga para bisitahin si Mama at Tatay.

Ipinilig ko ang aking ulo at huminga ng malalim bago lumabas.

Dahan dahan akong nag lakad palabas dahil baka makita na naman ako ni Aling bebang at dito na naman mag puputak.

Kinuha ko ang bike ko at nagsimula ng mag pedal. Hindi ako sumasakay sa taxi oh ano.  Medyo malapit lang naman sa tinitirhan ko ang coffee shop na pinapasukan ko.

Paglabas ko ng kanto bigla nalang may sasakyan na muntikan ng bumangga saakin.

"Ahhhh!"

Naramdaman ko ang pagbagsak ko sa daan. Sobrang sakit ng pwet ko. Walanghiya! Papatayin pa ata ako! Pinilit kong tumayo kahit sobrang sakit ng balakang ko.

Lumapit ako sa sasakyan. Sinipa ko ang gulong ng sasakyan at kumatok "Walanghiya ka! Bumaba ka dyan sa bulok mong sasakyan! Babangasan kita!"

Nang gigigil ako sa galit. Naramdaman ko ang hapdi sa tuhod ko. Bumaba ang driver ng sasakyan.

"Ms. Run now"

Tinaasan ko sya ng kilay "Bakit hindi ikaw ang tumakbo? Tutal ikaw naman ang naka isip. Sabihin mo nga sa amo mo na lumabas sya kung ayaw nyang basagin ko ang salamin ng kotse nya. OY! WALANGHIYA KA! LUMABAS KA NGA!!"

Hinawakan ng driver ang braso ko "Ms. I told you. Get out. I will pay for the damage here's my business card. But please for now, you need to run"

"Eh baliw ka pala e. Bat ako tatakbo? Sungalngalin kaya kita ng pera mo?! Anong pay pay ka dyan!"

Sabay kaming napalingon ni Manong driver ng lumabas ang lalaking naka pormal na damit. Tinignan ko sya mula sapatos hanggang mukha.

Holy mother of God. Nasa langit na ba ako? Ang gwapo! Sheeeet! Sheeet! Sheeet!

"What do you want? Money?"

Nanlamig ako sa sobrang lamig nyang magsalita. Naka kunot noo syang tumingin saakin at sobrang seryoso ng mukha nya.

Ng maka bawi ako sa gulat ko. Lumapit ako sakanya.

Nakatingala pa ako dahil sa sobrang tangkad nya. Ano bang pabangong gamit nito? Infairness ah. Ang bango. Matanong ko nga sya mamaya. Wahaha.

"Oy! Wag moko ma english english dyan! Tanga ba kayo oh ano? Paano kung nasagasaan ako ah?! Hindi porket mayaman ka ay mababayaran mo na ako! Para sabihin ko sayo hindi ko kailangan ng pera mo! Bwisit. Gwapo na sana pero napaka arogante! Sumakit sana tyan mo!"

Dealing With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon