Chapter 4

18.4K 590 58
                                    

Maaga akong nagising. Hindi kasi ako sanay matulog na may aircon. Sobrang lamig. Hindi ko alam patayin kaya tinitiis ko nalang kagabi ang lamig. Grabe talaga ang mga mayayaman.

Ala sais palang ng umaga. Gusto kong ipagluto si Sir Zeke kaya maaga akong tumayo. Baka kasi palayasin nya ako. Wala pa akong matitirhan ngayon kaya kailangan kong mag pakabait

Naghilamos ako at pinusod ko ang kulay brown kong buhok. Sobrang laki ng damit na ipinahiram nya saakin. Para na akong naka bestida dahil hanggang tuhod ko na. Wala akong suot na short sa pang ilalim. Naka underwear lang ako dahil nilabhan ko palang kagabi ang suot ko.

Dahan dahan akong bumaba dahil baka magising si Zeke.

Inilabas ko sa Ref ang sausage, bacon
Kumuha din ako ng tatlong itlog at spam. Marunong akong magluto. Tinuruan ako ni mama ng mga gawaing bahay para matuto akong mabuhay mag isa.

Nakararamdam ako ng lungkot sa tuwing naiisip ko ang pamilya ko sa pampanga. Alam kong ako nalang ang inaasahan nila para maahon ang pamilya namin.

Ang dalawa kong nakababatang kapatid ay nag aaral pa rin. Si kuya naman ay may asawa at pamilya ng binubuhay.

Ako man ay naka tapos lang ng high school. Hindi na kayang tustusan ng mga magulang ko ang pag aaral ko. Si mama ay labandera lang at si Tatay naman ay nag tratrabaho lang sa contruction site.

Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera na ipapadala kina mama. Malapit na ang katapusan. Bayaran nana man sa ekswelahan na pinapasukan nina Kiel at Kevin.

Napa buntong hininga nalang ako. Aalis ako mamaya. Kailangan kong humanap ng trabaho. Hindi pweding tumunganga lang ako dito.

Pagkatapos kong magluto ay hinugasan ko lahat ng ginamit ko at inayos ang hapagkainan.

Nauna na akong kumain dahil ayoko sumabay kay Zeke. Naiilang ako sa tuwing titignan nya ako. Para bang may balak syang masama.

Pagkatapos kong kumain. Humanap ako ng maiinom ni Zeke. Nag kakape ba sya juice oh tubig lang? Oh baka naman wine agad ang tinitira nya?

Bahala na igagawa ko nalang sya ng kape. Kung ayaw nya edi wag nyang inumin.

"Hey"

"Ay! Si Zeke na mukhang kabayo!" Nabigla ako ng may magsalita sa likuran ko.

Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi ko. Shit. Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko. Nanlilisik ang mata nyang tumingin saakin. Naka boxer lang sya at sando. Yummy!

Napakamot ako ng batok "Joke lang! Ikaw kasi bigla ka nalang nagpapakita!"

Tinignan nya ako mula ulo hanggang baba. Napalunok ako ng sampung beses! Dahil parang hinuhubaran nya ako sa klase ng pagtitig nya.

"Oy! Ang manyak mo talaga! Oh ayan na ipinagluto na kita. Kumain kana"

"You cooked all of this?"

Kita mo? Ang adik lang maka tanong. Hampasin ko kaya sya ng basong hawak ko?

"Ay hindi. Yung halaman ang nagluto nyan" sagot ko sakanya.

Sino pa ba ang iniisip nyang magluluto nito? Eh kami lang namang dalawa ang tao dito. May sira ata sa ulo ang lalaking to eh.

"Crazy."

"Eh ikaw yung baliw e. Pwedi bang mag tagalog kana lang? Tayo lang naman dalawa dito ah. Dinudugo ilong ko sayo"

"Do you even know who I am?"

"Ikaw si Zeke Rade Jadelania. Ako ba ginagago mo? Kakasabi mo lang ng palangalan mo kahapon"

Dealing With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon