"So don't want to study?" Seryosong tanong saakin ni Zeke
Umiling lang ako ng tatlong beses. Ayoko sa University na pinapasukan ko isang araw palang ako pero hindi ko na matiis ang mga estudyante doon. Puro bastos at walang modo. Ma gugustuhin ko nalang bumalik sa coffee shop na pinagtratrabauhan ko.
"I thought you want to reach your dreams? What makes you change your mind?" Ininom nya ng wine na hawak nya.
"Ayoko dun. Pati professor ang bastos. Pakiramdam ko hindi ako tatagal doon."
Kaya kong abutin ang pangarap ko kahit hindi ako naka pag aral ng college. Bakit lahat ba ng College Graduate may trabaho ngayon.
Pinagmasdan ko si Zeke. Nakatayo sya at naka harap sa bintana. Nasa sala kasi kami.
Sino bang babae ang hindi mahuhulog sa tulad nya.
Matangkad. Makisig. Gwapo. Mayaman at YUMMY! HAHAHA
Kaya paniguradong swerte ang magiging asawa nito. Bigla ko nalang naalala ang kontrata na pinirmahan ko.
"Ah Zeke. Bakit pala kailangan kong mag panggap bilang isang Fiance mo?" Usisa ko
Humarap sya saakin at tinitigan ako. Binitawan nya ang hawak nyang baso na may konting laman pa ng wine
Masarap kaya yun? Haha
"Its none of your gaddamn business."
"Alam mo hindi kita maintindihan. Pinapagawa mo ang isang bagay na ayaw mo naman ipaliwanag saakin"
Hindi bat tama naman ako? Paano ko gagawin ang isang bagay na sa una palang ay hindi ko naman naiintindihan
"I need to find a wife. My father want me to get married as soon as possible"
Tinaasan ko sya ng kilay "Oh bakit ako pa? Andami namang babae dyan. Yung mas maganda sexy at mayaman. Hindi katulad ko. Tignan mo na hindi man lang ako nakatapos ng college"
Hindi nya ako kinibo. Tinignan nya lang ako ng deretso sa mata kaya naki pag titigan din ako. Titigan ba ang gusto nya? Okay! GAME
"It was easy for you to belittled yourself huh? You are wonderful the way you are. Don't compare yourself with anyone."
I was caught off guard to what he said. I am wonderful the way I am. Emeged. Napa english pa ang lola nyo! Hahaha.
Seryoso. Bigla nalang akong nailang kaya iniwas ko ang tingin ko at nagmamadaling umakyat sa taas.
Sabi nya maganda ako. Oo alam ko yun. Pero iba pala pag sya na ang nagsabi na maganda ako. Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba.
Putsha! Ang tanda mo na Ayen kinikilig kapa?! Tumigil ka nga! Suway ko sa sarili ko
Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at nagtitili. Oo na malandi na muna ako ngayon! Hihi. Masama ba? Single naman ako.
Aamin na ako! Crush ko na si Zeke. Crush lang naman hindi naman siguro masama yun hindi ba? Sino bang hindi mahuhulog sakanya. Okey na lahat. Ugali lang nga ang kapintasan sakanya.
"Ayen!"
Napabalikwas ako sa pagkahiga ko dahil sa sunod na sunod ka kalabog sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Bumaba ako at binuksan ang pinto
"Ano--"
Hindi ko man lang natapos ang pagsasalita ko ng biglang pumasok si Zeke at hinalikan ako
Nanlaki ang mata ko. Nagulat ako dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.
He ended up unlocking my bra.
"BASTOS! ANO BA SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO AH?"
Lumayo ako sakanya dahil baka ano pang gawin nya saakin! Putsha. Kakasabi ko lang na CRUSH ko sya but hindi ako papayag na may mangyari saamin!
BINABASA MO ANG
Dealing With The Mafia Boss
Romansa"Everything was like a dark sky until you, my brightest star, came through. We've had our ups and downs, but my heart always knew we'd make it this far. You are my wish come true, my love. I love you more and more everyday." Zeke Rade Jadelania "Tha...
