"Siraulo ka." Naiiyak na tugon ko
Gusto ko syang hampasin dahil mahina na nga ito nakuha nya pa akong pakiligin sa simpleng banat nya.
"I ended up like this because of you. I cant imagine my life without you ayen" Dagdag pa nya.
Kaya lalong namula ang pisngi ko. "Tama na please Zeke. Nahihiya na ako" Oo sa unang pagkakataon tinubuan ako ng hiya sa katawan sakanya.
Di ko alam kung iiyak pa ba ako oh tatawa
"Alam mo bang takot na takot ako kanina dahil akala ko ay iiwan mo na ako. Zeke di ko alam kung kaya ko bang mabuhay ng wala sa piling ko. Pwedi bang mangako ka saakin?" Tanong ko sakanya
Ngumiti ito at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Sure. Ano?"
"Promise me. Di kana papatay ulit. Zeke natatakot ako paano kung makulong ka dahil doon? Di ko kaya kapag wala ka. Mahal na mahal kita kahit napaka gago mo"
Natigilan ito sa sinabi ko. Maputla na ang mukha nya lalo itong pumutla. Lumuwag ang pagkakahawak nya sa kamay ko at lumikot ang kanyang mga mata.
Napabuga ako ng hangin nang wala sa oras. "Mahirap ba ang hinihiling ko?" Nahihirapang tanong ko
Ayoko syang masaktan, ayokong marumihan ang malinis nyang kamay.
"No. I promise." Napangiti ako sa sagot nya.
Niyakap ko ito "Mag pagaling ka Zeke. Marami pa tayong pupuntahan magkasama" Puno ng pagmamahal na tugon ko.
Kahit nahihirapan sya niyakap nya din ako pabalik.
"Basta nandyan ka lang sa tabi ko gagaling ako"
---
"Zeke ano ba!" Sigaw ko sakanya dahil nasa leeg ko ang mukha nya. Nakikiliti kasi ako dahil Naka higa kami ngayon sa kama.
Di na kami bumalik doon sa bahay nya. Tumuloy muna kami sa isang rest house nya dahil nag papagaling pa ito.
"Lets stay like this for awhile please" paglalambing nya saakin. Lalo nyang isinubsob ang mukha nya sa leeg ko. Damang dama ko ang mainit nyang hininga na tumatama sa leeg ko
"Pasalamat ka ganyan ang kalagayan mo" Di ko matago ang ngiti sa labi ko.
"What if it turns out that I am a killer? What will you do?"
Natigilan ako sa tanong nya. Itinulak ko sya ng bahagya.
"Di magandang biro yan Zeke" banta ko sakanya.
Nakapikit ito habang hawak ang kamay ko.
"Yeah. Its not funny" bagot na sagot nya.
Pinagmasdan ko lang sya habang naka pikit ang kanyang mga mata. Mapula at may pasa ang kanyang mukha ngunit di pa rin maitatago ang napaka gwapo nyang mukha.
"Stop staring, I know Im handsome" Hinampas ko sya ng mahina sa tyan
"Ang yabang mo."
Tinulungan ko syang umupo. Medyo nahihirapan pa syang gumalaw dahil sa sugat nya sa balikat. Kaya hanggat maaari di ko sya iniiwan lagi lang akong nasa tabi nya.
Di ko rin naman nanaisin na umalis sa tabi nya dahil kahit ako ay natatakot. Baka pag gising ko bukas wala na sya sa tabi ko
"Zeke bakit ba lagi nalang may gustong pumatay sayo?"
Tinignan nya ako at nginitian "Because Im rich" maikling tugon nya na tinanguan ko lang
He take a deep breath. Help my chin up and gave me a peck.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Mafia Boss
Roman d'amour"Everything was like a dark sky until you, my brightest star, came through. We've had our ups and downs, but my heart always knew we'd make it this far. You are my wish come true, my love. I love you more and more everyday." Zeke Rade Jadelania "Tha...
