Nagising ako dahil sa sunod sunod na putok ng baril galing sa labas. Pawis na pawis na tumakbo papasok si Zeke sa aking kwarto.
"Dumapa ka!"
Kahit nalilito ako ay sinunod ko ang sinabi nya. Eto na naman ang kaba na nararamdman ko parang lalabas ang puso ko. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit palagi nalang kaming pinapaulanan ng bala.
"Ano bang nangyayari?" Tanong ko sakanya habang nasa paanan kami ng kama
Di ako kinibuan nito. Nanatili lang syang naka yuko sa tabi ko habang may hawak na cp.
Parang kakapusin ako ng hininga dahil sa kaba. Lagi nalang kaming nasa panganib.
Ganito ba talaga ang mga mayayaman. Palagi nalang nasa peligro ang buhay.
"Hello. Damn Kiro. Faster! I need a back up! That fckin idiots raid my house!"
Pakiramdaman ko mawawalan ako ng malay sa sobrang kaba. Kahit naka aircon na sa kwarto ko ay basang basa parin kami ng pawis ni Zeke. Sino bang hindi kakabahan kapag pinapaulanan kayo ng bala.
"Bakit ba?! Tang'na naman oh Zeke. Ano bang nangyayari?!" Inalog alog ko sya dahil ayaw nyang sabihin saakin.
"Damn. Stop it Ayen. Trust me. Wag na wag kang lalabas dito kahit anong mangyari okay? Listen to me. Lock the door"
Hahabulin ko sana ito ng bigla nalang nabasag ang salamin ng aking kwarto dahil sa putok ng baril.
"Kyaaaaah!" Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.
Tulad ng sinabi ni Zeke nilock ko ang pinto sa labas. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero isa lang ang sigurado ako Nasa panganib si Zeke! Gago talaga sya, akala ba nya ay bakal ang kanyang katawan para lumabas at maki pag putukan sa labas!
Lord please wag nyo pong hahayaan na masaktan si Zeke kahit napaka gago nun ay mahal na mahal ko sya.
Di ko alam kung saan pa ako kukuha ng hangin para mawala ang kaba sa aking dibdib. Isang oras na ang nakalipas ngunit di pa nakaka balik si Zeke dito. Humupa na ang putukan sa labas. Ano ba talaga ang pakay nila? Bakit lagi nalang may nag tatangka sa buhay ni Zeke? Tch! Sobrang sama kasi ng ugali nya kaya andami nyang nakaka banggang tao!
"Ayen! Open the door!"
Si Zeke! Nag mamadali akong tumakbo para buksan ang pinto.
Namutla ako dahil sa itsura ni Zeke. Puno ng dugo ang kulay puti nyang damit. May ilang galos sya sa mukha at leeg. Hawak hawak nya ang kanyang kaliwang balikat. Namumutla ito at parang ano mang oras ay bibigay sya.
"Jusq! Zeke!"
Natumba ito sa harapan ko buti nalang ay nasalo ko.
"Zeke! Gumising ka! Wag naman ganito! Panagutan mo muna ako bago ka mamatay!" Pinagsasampal ko ang mukha nya pero nanatiling naka pikit ang mata nito.
"TULONG!" Nag sisigaw ako kahit napaka labo na may maka rinig saamin.
Narealize ko nalang na umiiyak na pala ako dahil sa pagpatak ng butil ng luha ko sa nakaka awang itsura ni Zeke sa paanan ko
"Zeke please." pakiusap ko.
"Sir!"
Nag angat ako ng tingin, tumatakbong lumapit si Kiro saamin na may hawak na baril. May iilang lalaking kasama ito.
"Kiro! Tulungan mo si Zeke please mauubusan na ata sya ng dugo!"
Binuhat nila si Zeke at ibinaba. Inakay ako ni Kiro pababa.
Halos malagutan ako ng hininga dahil sa nagkalat na bangkay sa bahay. Putok ang ulo ng lahat ng makikita ko. Halos maduwal ako dahil sa nakaka diring nakita ko. Napatakip nalang ako ng bibig at kumapit ng mahigpit kay Kiro.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Mafia Boss
Romance"Everything was like a dark sky until you, my brightest star, came through. We've had our ups and downs, but my heart always knew we'd make it this far. You are my wish come true, my love. I love you more and more everyday." Zeke Rade Jadelania "Tha...