"Are you out of your mind Ayen?!" Nangangaliting tanong saakin ni Kiro
Nasa parking lot kami ng cake shop ngayon nakita nya kasi si Calvin na nagtatrabaho sa cake shop buti nalang ay nahatak ko agad ito kaya hindi na sila nag away sa loob.
Hahawakan ko sana ang kamay nya pero mabilis nyang iniwas iyon.
"Alam mo ba ang ginagawa mo ah?! Damn it Ayen! Remember sya ang dahilan kung bakit muntik ng mawala ang mga anak mo noon sayo!" Sigaw lang ito ng sigaw buti nalang ay walang tao sa parking lot.
"Kiro relax okay? Wala syang gagawing masama" pagdedepensa ko
Natawa ito ng mapakla "What?! After what he did to you magiging mabait kapa sakanya? This is bullshit Ayen!"
Sinuntok nya ang pinto ng sasakyan nya napapikit ako ng mariin dahil sa ginawa ni Kiro.
"Here me out first babe. I just want to help him because he badly needs work. Kailangan nyang pakainin ang kapatid nya at daddy nya I know he already change please lets give him a chance" pagmamakaawa ko
Ang buong akala ko ay makukumbinsi ko sya pero lalo lang akong napanganga sa susunod nyang sinabi.
"What if si Zeke ang bumalik at humingi ng tawad sayo? So ganun lang din kadali para sayo na patawarin sya?"
Wala akong nasagot parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Papatawarin ko rin ba sya katulad ng ginawa kong pagpapatawad kay Calvin?
Mabilis na bumalik saakin ang lahat ng pinagsamahan namin at ang sakit na iniwan nya saakin
"Bakit di ka maka sagot? Tama ako hindi ba? Kapag dumating si Zeke, iiwan mo ako"
Lumapit ako kay Kiro at yumakap sakanya. Gusto kong iparamdam sakanya na hindi ko sya iiwan "No babe. Malaki ang kasalanan nya saakin there's no way in hell I will forgive him. I loathe him to death"
Inalis nya ang mga kamay ko na naka palupot sa bewang nya. Hinatak nya ako papasok sa sasakyan para akong basura na itinapon nya lang bigla.
He slamp the door. Pinaharurot nya ang sasakyan napahawak lang ako ng mahigpit sa upuan "KIRO! SLOW DOWN! ANO BA WALA TAYO SA KARERA!"
Parang wala lang itong naririnig patuloy lang sya sa pagmamaneho ng mabilis. Nahigit ko ang hininga ko dahil muntik na kaming may masagasaan.
"KIRO! I SAID SLOW DOWN! DAMN IT!"
Humawak ako sa braso nya para pigilan sana sya ng bigla nyang apakan ang preno dahilan para masubsob ako sa harapan at mauntog ang ulo.
"Ouch" Daing ko dahil sa lakas ng pag kakahampas ng ulo ko.
"NAHIHIBANG KANA BA AH?! ALAM MO BA ANG GINAGAWA MO? TANG'NA LANG AH KIRO! WAG MONG PAANDARIN ANG PAGIGING MAKITID NG UTAK MO!" Inilabas ko lahat ng frustration sa katawan ko.
Di ako kinibo ni Kiro binuhay nya ang makina ng sasakyan, hindi na mabilis ang pag papatakbo nito pero alam kong galit sya dahil sa higpit ng pagkakahawak nya sa manubela mg sasakyan.
Pinili ko nalang tumahimik sa isang banda dahil baka maaksidente pa kami sa daan. Ayoko naman na mawalan ng magulang ang mga anak ko. Hindi ko alam kung bakit nag kaka ganito si Kiro.
Hawak hawak ko ang ulo ko pagdating sa bahay. Masakit iyon dahil sa malakas na pagkakahampas pakiramdam ko ay magkakapasa pa ito.
Una syang bumaba kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sundan sya sa loob.
"MOMMY!" Nadatnan ko si Zayne na gumagawa ng home work kasama ng Kuya Zeus nya.
Humalik si Zayne sa pisngi ko "Mom what happend to daddy? Di nya ako pinansin tuloy tuloy lang sya sa taas" pagsusumbong saakin ng bata.
"Pagod lang ang daddy mo baby. He needs to rest" pagsisinungaling ko
Nabigla ako ng lumapit si Zeus at hinawakan ang noo ko "What happen to your forehead mom? Bakit namumula?" Naka kunot ang noo nito habang nagtatanong para syang si tatay.
"A-h kasi baby nauntog si mommy sa kotse kanina. Hayaan mo maaalis din yan mamaya"
"No mommy you're lying. Nag away ba kayo ni Daddy? Did he hurt you mom?!" Galit na tanong saakin ni Zeus
Nakalimutan ko na matalino pala ang anak ko. Pumikit ako ng mariin "Im not lying okay baby? Pupuntahan ko lang ang daddy nyo tapusin nyo ang mga home works nyo"
"Help me finish my homework mom" Ibinigay saakin ni Zayne ang mga notebooks nya
"Okay sge" Niyaya ko silang umupo sa sofa.
Umalis si Zeus nakita ko itong pumunta sa kusina marahil ay nagugutom na sya.
"How's your school baby?" Malambing na tanong ko sakanya habang nagsusulat sya ng homework nya
"I met a new friend mommy he is Kutch Park he is a korean. Mommy I think I like him his so cute kasi eh!"
Mamulamula ang mukha nito at may pahampas hampas pang nalalaman sa paa ko.
"Bata kapa Zayne ah? Study first okay?" Pagpapaliwanag ko sakanya
"Kutch Park? That asshole!"
Pinalo ko ng mahina ang bibig ni Zeus dahil sa lumalabas sa bibig nya. "Where did you get that word Zeus?" Medyo tumaas ang boses ko dahil ayoko sa lahat ay ang nagsasabi sya ng mga ganyang salita.
Pinapakita nya lang na nagmana talaga sya kay Zeke at naiirita ako kapag sumasagi sa isip ko iyon. Sa lahat ng pweding manahin kay Zeke ang klase ng pagsasalita pa nya.
"Im sorry mom" yumakap saakin si Zeus at Zayne niyakap ko sila pabalik.
"Ikaw Zayne focus ka sa studies mo ah? Bata kapa anak gusto ko mag aral kayo ng maayos. Ikaw naman Zeus wag kang pupulot ng mga salitang Kalye okay? Im sorry kung napagalitan kayo ni mommy ayoko lang na lalaki kayong masamang tao"
Tulad ng ama nyo, gusto kong sabihin iyon ngunit di ko magawa. Niyakap ko lang silang dalawa
"By the way mom put this in your head" Inabot nya saakin ang yelo na naka lagay sa panyo.
Iniwan ko sila sa sofa na nag aaral umakyat ako sa taas para kausapin si Kiro.
Nadatnan kong nakahiga si Kiro sa kama nakasubsob ang ulo nito. Lumapit ako isa isa kong inalis ang sapatos at medyas sa paa nya.
"Babe im sorry if I didn't tell you about this alam ko kasi na magagalit ka. I just want to give him a chance babe he deserve it right? Besides hindi naman sya masamang tao. Please talk to me hindi ako sanay na galit ka saakin" Patuloy lang ako sa pagiyak dahil ngayon lang kami nag away ng ganito.
"Leave me alone" malamig na tugon nito.
Pumikit ako ng mariin "No. Talk to me naapektuhan ang mga bata Kiro! Don't be immature!" Sigaw ko sakanya
Humarap ito saakin "Me? Immature? Naririnig mo ba ang sarili mo Ayen?!" Sumbat nito saakin
"This is bullshit Kiro kung hindi mo naiintindihan ang naging desisyon ko. Aalis nalang kami ng mga anak ko dito" final na sabi ko
Lalabas na sana ako ngunit mabilis nyang hinigit ang braso ko paharap sakanya.
Ang kaninang galit na expression nito ay lumambot. "No baby. Don't leave me im sorry"
Niyakap nya ako ng mahigpit kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang yakapin sya pabalik. I did not mean what I've said gusto ko lang na magka ayos kami ni Kiro.
"Im sorry if I hurt you baby." Hinawakan nya ang namumula kong noo
"Masakit pa ba?" Nag aalalang tanong nito saakin.
Umiling lang ako.
He kiss my forehead "I love you baby I will trust you on this. Ayoko lang na masaktan ka Ayen katulad ng dati"
I smile "Im okay babe. I promise"
BINABASA MO ANG
Dealing With The Mafia Boss
Romance"Everything was like a dark sky until you, my brightest star, came through. We've had our ups and downs, but my heart always knew we'd make it this far. You are my wish come true, my love. I love you more and more everyday." Zeke Rade Jadelania "Tha...
