Chapter 28

11.8K 311 4
                                    

Mag kahawak kamay kaming pumasok sa isang mall malapit sa school ng mga anak ko. Nagyaya kasi si Zayne na kumain sa labas matagal tagal na daw kasi kaming hindi lumalabas. Sobrang busy kasi ni Kiro sa companya nya at kahit ako man ay nawawalan ng oras kapag nasa Cake shop ako.

Yes, may napatayo na akong coffee shop ito ang bunga ng paghihirap ko.

"What do you want kids?" Tanong ni Kiro sa dalawa.

Inirapan ni Zeus ang daddy nya at tamad na tumingin saakin. Si Zayne naman ay busy sa pagpili ng makakain nya.

"Zeus pumili ka na wag nang matigas ang ulo okay?" Paglalambing ko sakanya. Kahit ganyan ang trato nya sa daddy nya alam kong mahal nya ito. Di lang talaga showy si Zeus sa nararamdaman nya.

Napabuntong hininga ito at nagsimula ng pumili nang kanyang pagkain.

"Manang mana sa ama" pagpaparinig ni Kiro.

Sinamaan ko ito ng tingin dahil baka marinig sya ng mga bata.

"Daddy. I want sundae fries burger and spaghetti" naka ngiting tugon ni Zayne.

"Zayne stop eating a lot of food. You might get fat like Ruby Rodrigez" Pangangaral ni Zeus sa kanyang kapatid

Ngumuso si Zayne "Kuya promise this will be the last time na kakain ako ng marami" Itinaas pa ni Zayne ang kaliwa nyang kamay.

Sabay kaming natawa ni Kiro dahil sa pagaaway nila. Mahal na mahal ni Zeus ang kanyang kapatid tulad ng pagmamahal ko sakanila

"Zeus what do you want?" Pag aagaw ng atensyon ni Kiro kay Zeus

"Fries and spaghetti" sagot ni Zeus

Humarap saakin si Kiro "Babe what do you want?"

"Kahit ano" naka ngiting sabi ko na tinanguan nya

"Mommy wala naman pong pagkain na kahit ano ah" inosenteng sagot ni Zayne

Nginitian ito ng daddy nya bago pumila para sa order namin. Habang hinihintay namin si Kiro naglaro muna ang dalawa sa kanilang tablet. Ayoko sanang lumaki sila sa luho kaya lagi kong inaaway si Kiro kapag may laruan oh gadgets itong binibigay sa dalawa.

"Mom I miss Nani" malungkot ang boses ni Zayne

Niyakap ni Zeus si Zayne at hinalikan sa noo "I miss Nani too Zayne. Dont worry we will visit her okay?" Pagpapagaan ng loob ni Zeus sakanya.

Naiyak ako sa nakikita ko ngayon alam kasi ni Zeus kung paano patahanin si Zayne. Im so thankful kasi kahit bata palang si Zues marami na itong alam.

Masyado kasing napalapit si nanay sa dalawa kaya namimiss nila ito. Kahit ako ay nalulungkot ako dahil malayo nana man kami kay nanay.

"We will visit Nani if we have a time Zayne. Dont be sad okay?" Pinunasan ko ang ilang butil ng luha sa kanyang pisngi.

Yumakap din si Zeus saakin tulad ng ginawa ng kapatid nya. Nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng dalawang mapagmahal na anak. Nagpapasalamat din ako dahil hindi niya kami pinabayaan. Hindi kami pinabayaan ng panginoon.

"Mom Iloveyou. I love dad too tell him how much I love him" bulong ni Zeus saakin

Napangiti na ako ng tuluyan.

"Anong kadramahan to?" Natatawang sabi ni Kiro pagdating nya.

Inilapag nya ang tray na hawak nya at tumabi kay Zayne.

"Yung mga anak mo kasi nagdadrama. Namimiss na daw nila ang Nani nila"

Hinawakan ni Kiro ang matambok na pisngi ni Zayne "Ayaw mo bang kasama si daddy?"

Mabilis na umiling si Zayne "Gusto po." Magalang na sagot nito

Samantalang si Zeus ay busy sa pagkain sa fries na nasa mesa. Kung titignan para syang walang pakealam sa mga taong nasa paligid nya. Tahimik at madalang lang magsalita si Zeus kapag may ibang tao. Lagi kong nakikita sakanya si Zeke dahil kamukhang kamukha nya ito hindi katulad ni Zayne na nagmana saakin.

"Mom?" Bumalik ako sa realidad dahil sa pagtapik ni Zeus sa pisngi ko

"Lumilipad na naman ang utak ng mommy nyo" Biro ni Kiro

"Are you okay mom? Masama ba ang pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong ni Zeus saakin.

Nginitian ko sya at hinalikan sa pisngi "No baby. Natulala lang ako sa kapangitan ng daddy nyo"

Sabay silang natawa ni Zayne dahil sa biro ko. Sinamaan ako ng tingin ni Kiro I stick my tongue out.

"Gwapo ako right baby?"

Inilagay ni Zayne ang kamay nya sa ilalim ng baba nya. Kunwari ay nagiisip pa ito

"You dont need to think Zayne. Daddy is ugly" tamad na sagot ni Zeus

Pinalo ko ng mahina ang kamay nito dahil sa mga lumalabas sa bibig nya. Buti nalang hindi napipikon si Kiro sa pagiging magaspang ng ugali ni Zeus.

"Kuya Zeus you're so mean. Daddy is handsome he looks like you" pagtatangol ni Zayne sa daddy nya.

Mabilis namang umiling si Zeus at sinamaan ng tingin si Kiro

"Look Zayne I dont know if you are blind or what. Hey I look like mommy not daddy." Naka simangot na sambit ni Zeus

Sinubuan ng fries ni Kiro si Zeus "Oo na sge gwapo kana mag kamukha na kayo ng mommy mo. Basta ako kamukha ko si Zayne. Right baby?"

Pumalakpak si Zayne at tuwang tuwa ito.

"Whatever" inis na bulong ni Zeus

Di na kumibo si Kiro kumain lang kami. Pinagmasdan ko lang sila na masayang naghaharutan alam ko na naiinis din si Kiro kapag binabara sya ni Zeus.

"Ayen is that you?"

Napalingon ako sa boses na nangaling sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko

Si Lara!

"LARA!" Sigaw ko

Lumapit ito sa table namin nabigla ito nang makita nya ang dalawang bata na busy sa pagkain.

"Mommy who's that?" Tanong ni Zeus saakin.

Ngumiti si Kiro kay Lara. Nagpapalit palit ang tingin nito saaming apat.

"She is Lara my friend. Lara this is my son Zeus Rui and my daughter Zayne Roshel. Kiro this is Lara, Lara this is Kiro my husband" pagpapakilala ko

Napa awang ng konti ng bibig nito halatang nag sisink in palang sa utak nya ang nakikita nya.

"Ah hello sainyo." Naka ngiting sambit nito

Kumaway si Zayne kay Lara "Hello po Tita Lara! Take your sit po" pagyayaya ni Zayne

"Iwan ko lang kayo saglit sa daddy nyo okey? Mag uusap lang kami ng tita nyo. Kiro wait lang ah?"

Tumango ito kaya hinatak ko si Lara palayo sa mga anak ko.

"Anak mo ba talaga iyon? Bakit kamukha ata ni Sir Zeke?"

Tinakpan ko ang bibig nya gamit ang palad ko dahil baka may makarinig sakanya.

"Shh. Ang ingay mo. Anak ko iyon at hindi sila anak ni Zeke okey? Anak sila ni Kiro" pag papaintindi ko sakanya

Tinaasan nya ako ng kilay "Sa tingin mo ba maniniwala ako? Eh parang pinagbiyak na bunga si Sir Zeke at yung anak mo eh!"

Inikot ko ang kulay tsokolate kong mata. Nakalimutan ko na makulit pala si Lara

"Kung ano man yung nakita mo wag mo nalang pansinin okey? Please lang ngayon nalang tayo nagkita mag babangayan pa tayo?" Pagtatampo ko

She pout her lips and hug me "Namiss kita gaga. Ang tagal mong nawala tapos ngayon makikita kita may mga anak kana?"

Natawa ako ng konti "Syempre maganda kasi ako" pagmamayabang ko

Itunulak nya ako ng kaunti "Ang kapal ng mukha mo ah" naka taas kilay nyang sagot

I just laugh. Sya pa rin si Lara na kaibigan ko.

Dealing With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon