Maaga akong gumising dahil ngayon ang unang araw ko bilang isang 1st year Collage student. Bachelor of Science in Business Management ang kinuhang kurso ni Zeke para saakin.
Naligo na ako at nag bihis. May uniform na agad ako dahil binili iyon ni Zeke. Pati ang mga gamit na gagamitin ko.
Napangiti ako dahil sa itsura ko ngayon. Hanggang taas ng tuhod ang palda na suot ko. Ang blouse naman ay may necktie. Parang katulad ng uniform na suot ko sa coffee shop na pinag tratrabauhan ko
Ready na ako at lahat pero hindi parin ako lumalabas. Naalala ko kasi ang ginawa ko kay Zeke kahapon. Baka bigla nya akong bugahan ng apoy paglabas ko ng pinto
Aish. Bakit ba ako matatakot? Kung titignan naman ay mas malaki ang kasalanan na ginawa nya saakin.
Huminga ako ng malalim bago ko napag desisyonan na lumabas. Kung hindi ko lalakasan ay loob ko ay mabubulok ako sa loob ng kwarto ko.
Dahan dahan kong pinihit ang pintuan. Inilabas ko ang ulo ko para sumilip. Baka kasi nandyan lang sya nag aabang.
Nang makita ko na walang tao sa hallway ng bahay. Lumabas na ako at dahan dahang bumaba sa hagdan.
"You look stupid"
"Ay kabayong lumalangoy!"
Nabigla ako ng may magsalita sa likuran ko. Hawak hawak ko pa ang dibdib ko dahil sa bigla.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Hinihintay ko ang pag sigaw nya oh pananakit saakin pero Naglakad lang pababa si Zeke at parang hangin lang ako na nilagpasan nya. Oh okqy. Hindi naman pala sya galit e. Tsaka bakit ba sya magagalit. Bagay lang sakanya iyon dahil sa kamanyakan nya
Bumaba na din ako at tumuloy sa kusina. Nadatnan ko syang umiinom ng kape. Umupo ako sa harapan nya. Ni hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin. Bwisit na lalaking to. Sobrang suplado.
Kumain nalang ako at hinayaan sya sa pag inom nya ng kape.
Nagtimpla din ako ng sarili kong kape at kumuha ng tinapay.
Isinawsaw ko ang tinapay sa iniinom ko. Ganito kasi ang ginagawa namin ni Tatay sa tuwing mag aalmusal kami sa pampanga.
Laking probinsya talaga ako kaya kahit saan mo ako dalhin ay hindi ko maiwasan na hindi gawin ang mga naka sanayan ko.
"Kinakain ba yan?" Parang nandidiring tanong ni Zeke
Tinaasan ko sya ng kilay dahil sa pag iinarte nya.
"Oo. Mayaman ka kasi kaya hindi mo alam gawin ito. Try mo kaya para malaman mo"
Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. Hindi ko pinansin ang tingin nya saakin
"Kiro will assist you to your class. Remember what I've said? Go home after your class. Dont go anywere. And kiro will fetch you too"
"Oo na. Mag tagalog ka nga. Inumpisahan mo na hindi mo pa tinuloy"
Tumayo na ako at pinunasan ang bibig ko. "Bakit hindi nalang ikaw ang maghatid at sundo saakin?" Masungit na tanong ko
Tinignan nya lang ako at nginisihan "Are you crazy? Im not a driver. And one more thing who the hell you are"
Ouch ah? Ang harsh magsalita ng lalaking to. Sinamaan ko lang sya ng tingin at nilagpasan.
"Bwisit. SUMAKIT SANA YUNG TYAN MO NG BONGGANG BONGA! WAAAAAH!" Frustrated na sigaw ko. Pag kalabas ko ng pinto nadatnan ko si Kiro na nag hihintay sa labas.
Hindi ba sya naiinitan sa suot nya? Mamaya tirik na tirik ang araw tapos naka tuxedo sya? Grabe talaga si Zeke. Dinadamay nya ang mga alagad nya sa katangahan nya.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Mafia Boss
Romance"Everything was like a dark sky until you, my brightest star, came through. We've had our ups and downs, but my heart always knew we'd make it this far. You are my wish come true, my love. I love you more and more everyday." Zeke Rade Jadelania "Tha...
