Chapter 41

13.1K 344 3
                                        

"Mommy bakit parang may tao sa labas?"

Sumilip ako sa binta, tama si Zeus maraming tao sa labas. Bigla nalang akong kinutuban ng hindi maganda. This same situation happend na.

"Did you lock the door outside?" Tanong ko kay Zeus.

Tumango naman ito.

"Zayne. Come here baby" kinuha ko ang mga anak ko at niyakap.

Masama ang pakiramdam ko, parang may hindi magandang mangyayari.

Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Zeke at buti nalang ay sumagot ito.

"Oh geez! I've been calling you."

Kinakabang salubong nya na labis kong ikinabahala. Sa tono ng boses nya parang may mangyayari.

"Zeke may mga tao sa labas" naiiyak na sumbong ko sakanya.

Ayokong may mangyaring masama sa mga anak ko.

"Relax okey? Pauwi na ako. Listen to me Ayen. Remember where's my room?"

"Yes" naiiyak sa sagot ko.

"Good. Go there. Isama mo ang kambal. Sa likod ng headboard ng kama ko may makikita kang switch doon. Press it. Bubukas ang ilalim ng kama ko. May underground doon. Pumasok kayo doon. Again may makikita ka ulit na switch doon press it at magsasara iyon. Stay there. Wag kayong lalabas hanggat di ako dumadating. Naiintindihan mo ba lahat ng sinabi ko?" Pang uulit nito.

"Oo" maikling tugon ko.

Kinakabahan man ay lumabas kami ng kwarto ng mga anak ko at tumuloy sa sinasabi ni Zeke.

Narinig ko ang iilang kalampag mula sa labas.

Lalo akong kinabahan.

Hinanap ko sa likuran ng headboard ang sinasabi nya.

"What are you looking mommy? What's happening?" Tanong ni Zayne saakin.

"HANAPIN NYO SILA!" Rinig kong sigaw mula sa labas.

"Mommy who's that?" Kinakabahang tanong ni Zeus.

"Shhh"

Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa. "Mamaya ko na sasabihin baby okay?" Pag lalambing ko sakanila.

Pagkakita ko ng switch na sinasabi ni Zeke pinindot ko iyon at tama sya. Bumukas iyon at sumalubong saamin ang isang hagdan..

"Wow!" Namamanghang tugon ni Zayne.

"Let's go" niyaya ko silang pumasok sa ibaba.

Pagpasok nila. I press the red botton at sumara iyon.

Parang isang maliit na kwarto ang nasa ibaba. So all this time may ganito para sa bahay ni Zeke dahil alam nyang darating ang araw na ito na may mangyayari.

"Mommy can you tell me what's happening here?" Zeus ask me.

Pinaupo ko sila sa sofa.

"See those bad guys na nasa labas? They plan something bad para sa daddy nyo. So kailangan nating magtago dito" pag papaintindi ko sakanya.

"Why mommy? May ginawa ba si Daddy sakanila?" Nalilitong tanong ni Zayne.

Huminga ako ng malalim "Mayaman kasi ang daddy nyo kaya maraming may gustong pumatay sakanya. You know bad guys naman diba? They will do everything just to hurt you're dad" pagpapaliwanag ko.

"NASAAN SILA? MGA TANGA HANAPIN NYO!" Rinig na rinig ang sigawan sa taas.

Tinakpan ko ang bibig ng mga anak ko para hindi sila makalikha ng ano mang tunog.

Dealing With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon