In life we may encounter a lot of challenges but we need to be brave enough to face it.
May mga bagay na natutunan ako sa mga pinagdaanan namin ni Zeke.
Na kahit ilang beses kang masaktan, kailangan mong tumayo at tanggapin ang lahat.
Ilang beses na akong sinaktan ni Zeke pero pinatawad ko sya. Mahal ko kasi sya, kaya kahit ilang beses nya akong saktan nandito pa rin ako handang patawarin sya.
Yan nga siguro ang tunay na pagibig.
Kahit anong pagsubok ang harapin nyo magkasama nyo iyong haharapin.
We and Zeke are now happily married with our two kids. I couldn't even think na I'll be able to live this kind of life. I am so blessed indeed.
Siguro wala na akong mahihiling pa sa buhay ko ngayon.
Isang mapagmahal na si Zeke at mga anak. Sapat na para saakin. Hindi ko nga inakala na may pag asa pa palang magbago si zeke.
Andami naming nasaktan na tao bago kami maging masaya and its all worth it.
"Honey!" Rinig kong sigaw ni Zeke mula sa itaas.
Nakalimutan kong sabihin sainyo
Sweet na sya ngayon.
Honey? Ang baduy diba?
"ANO?!" Balik sigaw ko naman
Nasa kusina kasi ako naghahanda ng baon para sa mga anak ko.
Nasa grade 9 na pareho si Zeus and Zayne pero pinapabaunan ko pa rin sila.
"Sa tingin mo ba hindi na naman magdadabog si Zayne nyan?" Medyo alanganing tanong ni Zeke.
Ayaw kasi ni Zayne na pinapabaunan ko sya dahil may canteen naman daw sa school.
Inirapan ko lang si Zeke at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Yumakap mula likuran ko si Zeke. Inamoy amoy nya ang batok ko
"You smell so good baby" bulong nya.
"Zeke may ginagawa ako" inis na taboy ko sakanya.
Lalo nyang hinigpitan ang yakap nya saakin.
"What if sundan na natin ang kambal?"
Siniko ko sya dahil sa sinabi nya.
"Ayoko. Hindi naman ikaw yung nahihirapan pag naglilihi eh." Naka ngusong sambit ko.
"Mommy Daddy!" Inalis ni Zeke ang yakap nya saakin.
Sumalubong saamin ang naka simangot na mukha ni Zayne.
"Mom were here! Sa kwarto nyo na gawin yan!"
Kinuha ko ang baso na nasa mesa hahagis ko sana kay Zayne yun buti nalang ay mabilis na nahawakan ni Zeke ang kamay ko.
"Joke lang po mommy" naka ngising tugon ni Zayne.
"Eto na ang baon mo" Iniabot ko sakanya ang lunch box na may laman na baon nya.
"Mommy! May Canteen naman sa school" inis na wika nya.
"Hey princess, nag effort ang mommy mo na gawin yan. Bakit ba ayaw mo nang magbaon ah?" Tanong ni Zeke sakanya.
"May nanliligaw na kasi sakanya" biglang dumating si Zeus.
"Kuya! Thats not true! Kaibigan ko lang si Kent!" Depensa naman ni Zayne.
Nagka titigan kami ni Zeke dahil sa pag aaway ng dalawa.
"Sinong Kent?" Seryosong tanong ni Zeke.
Kinuha ni Zeus ang baon nya bago nya sagutin ang tanong ng Daddy nya.
"Kent Montemayor" maikling sagot ni Zeus.
"Daddy! Were just friend! Hindi totoo ang sinasabi ni Kuya Zues!"
"Ikaw Zayne wag ka muna mag paligaw ah ang bata bata mo pa para sa ganyan" Sermon ko sakanya.
"Dalaga na ang anak ko"
Binatukan ko si Zeke dahil sa sinabi nya. Hindi man lang papagalitan ang anal nya.
"Ouch!" Reklamo nya
Itinaas ko ang kamao ko sa harap ng mukha nya.
"Bantayan mo yang anak mo!"
"Opo! You Zayne! Dont let him court you!"
"Bye mom!" Paalam ni Zeus saakin.
Humalik ako sa pisngi nya bago ko sya pinaalis.
Ang naka busangot naman na si Zayne ay nanatili sa tabi ko.
"Mommy do you really need to do this?" Reklamo nya.
Tinaasan ko sya ng kilay "Magpahatid ka sa daddy mo."
Iniwan ko syang naka simangot sa harap ng gate.
Ayokong magaya saakin ang mga anak ko na hindi naka pag tapos ng pag aaral. Marami akong pangarap para sakanila at sa nakikita ko naman alam kong maabot nila iyon.
I am really contented on what I have right now. Wala na akong ibang mahihiling pa.
Tumunog ang cp ko na naka patong sa mesa,
Calvin calling ...
"Hello?" Sagot ko
"Nandyan ba si Zeke? May kailangan kasi syang pirmahan dito sa office"
"Naku. Inihatid nya yung anak nya. Hayaan mo pag kauwi nya sasabihin ko nalang"
"Alright! Thank you so much Ayen for bringing back my company"
"You deserve everything you have right now Calvin"
I hang up the call bago pa sya magdrama. Yes, ibinalik ni Zeke ang company ni Calvin. Hindi pa ganon kalaki ang tiwali ni Zeke kay Calvin pero magkaibigan na ulit sila ngayon.
Hindi pa naman huli para sakanila. Parang si Kiro lang, nag ka ayos na kami. Humingi ako ng tawad sakanya naintindihan naman nya iyon.
Nagtatrabaho na sya ulit kay Zeke. Alam ko napakahirap dahil sobrang daming nangyari sa pagitan namin.
Ito talaga ang buhay na hinihiling ko noon pa. Isang masaya at simpleng pamilya.
At tungkol sa maruming trabaho ni Zeke? Wala na lahat ng iyon.
Noong panahon na hindi sya agad naka balik saamin inayos nya ang lahat.
Tunay nga ang pagmamahal na nararamdaman ni Zeke para saakin.
At wala na akong mahihiling pa doon.
Kahit anong unos pa ang dumating sa buhay naming dalawa.
Malalagpasan namin iyong magkasama.
"Babe"
Lumingon ako kay Zeke may dala itong bulaklak.
"Flowers for you my wife" malambing na wika nya.
Tinaggap ko naman ang bulaklak na ibinigay nya.
"Thank you"
"Thank you my love, for everything. Your sweet nature is one of the many things about you that always make me think of what my life would have been like if we'd never met. Thank you for that gentle look in your eyes. I love you a little more every single day"
He hold my hands and kiss me on my lips.
Its just a smack pero ramdam na ramdam ko yung pagmamahal.
"So kailangan na ba akong kiligin?" Natatawang sambit ko na ikinasimangot nya.
"Kidding aside baby. Sobrang nag papasalamat ako sa Diyos dahil binigyan nya ako ng isang mapag mahal na asawa. Hinding hindi ako magsasawa na patawarin at tanggapin ka dahil mahal na mahal kita."
I hug him tight. Kahit ilang trials pa ang dumating alam ko na kakayanin namin lahat lagpasan iyon.
"Can we do it now?" Bulong nya sa tenga ko.
Tumawa ako ng malakas bago marahang tumango.
Napahiyaw ako ng buhatin nya ako.
"Triplets na to this time" Natatawang wika nya.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Mafia Boss
Romance"Everything was like a dark sky until you, my brightest star, came through. We've had our ups and downs, but my heart always knew we'd make it this far. You are my wish come true, my love. I love you more and more everyday." Zeke Rade Jadelania "Tha...
