Chapter 18

14.6K 410 11
                                        

Basang basa na ako sa ulan ngunit di pa rin ako binabalikan ni Zeke. Magdidilim na ang paligid. nilalamig at gutom na gutom na ako. Galit ako, galit ako kay Zeke dahil sa ginagawa nya saakin. Wala syang puso! Sagad hanggang ngalangala ang kasamaan nya. Sino bang mabuting tao ang iiwan ang isang babae sa gitna ng ulan?
Gustuhin ko mang umuwi di ko magawa dahil napaka layo ng lugar na ito sa bahay ni Zeke. Naiyak nalang ako sa itsura ko ngayon, para akong baliw dahil sobrang gulo ng aking buhok.

Napasinghap ako ng may tumigil na pares ng sapatos sa harapan ko.

Tumingala ako para tignan kung sino.

Seryoso ang mukha nyang naka tingin saakin. Hinubad ni Zeke ang suot nyang jacket at ipinatong sa nilalamig kong katawan.

Hinila nya ako patayo at marahas na niyakap. "Damn. Im so sorry baby. Im such a Jerk. Sorry for leaving you here. Fck. Im so sorry" bulong nya sa tenga ko.

Wala akong ibang marinig kundi ang malakas na tibok ng puso nya.

Nanghihina ako, di ko mabuka ang bibig ko.

Unti unting bumigat ang talukap ng aking mga mata.

"Hey. Damn. Dont close your eyes. Please"

Ngumiti ako ng pilit bago ako mawalan ng malay.

--

Nagising ako dahil sa sinag ang araw, sobrang bigat ng pakiramdam ko. Inilibot ko ang paningin ko at doon ko lang napagtanto na nasa kwarto ako ni Zeke.

Tinignan ko ang suot ko sa ilalim ng kumot. Nanlaki ang maliit kong mata dahil naka panjama at tshirt ako. Dont tell me, binihisan ako kagabi ni Zeke? Shit. Kahit kailan napaka manyak ng lalaking yon!

Bigla ko nalang naalala lahat ng nangyari kagabi, iniwan nya akong mag isa sa parking lot ng mall kahapon. Di man lang ba nya naisip na sobrang lakas ng ulan?

Napaigting ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.

Di ko magawang lumingon dahil galit ako sakanya. I loathe him.

"Eat this" Narinig kong tugon nya bago nya inilapag ang isang tray sa side ng kama. Di ako kumibo, pinilit kong tumayo kahit sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Hindi pa naman ako nakaka hakbang ng bumagsak sa harapan nya.

Di ako nag papasalamat dahil sinalo nya ako. Mas nanaisin ko pang bumagsak sa sahig, doon naman sya liligaya diba? Ang saktan ako paulit ulit.

Wala syang kasing sama! Masama pa sya kay Santanas!

"Bitawan mo ako!" Mahinahon na tugon ko

Hinigpitan nya lalo ang pagkakahawak saakin "Im so sorry." Bulong nya sa tenga ko

"Sorry? Naririnig mo ba yang sarili mo ah? After what you did. May gana kapang humarap saakin at humingi ng tawad? Sana pinabayaan mo nalang akong mamatay sa lamig doon! Hindi bat iyon naman ang ikakasaya mo? Ang makita akong nasasaktan" Puno ng hinanakit na tugon ko

Di ko maitago ang sakit na nararamdaman ko dahil sa ginawa nya. Kung tratuhin nya ako para lang akong isang hayop sa harapan nya.

Inipon ko lahat ng lakas ko para itulak sya palayo saakin.

"SANA HINAYAAN MO NALANG AKO DOON! DAHIL MAS NANAISIN KONG MAMATAY SA LAMIG KESA MAKASAMA SA ISANG BUBONG!"

Iniwan ko syang tulala sa loob ng kwarto nya. Padabog kong isinara ang pintuan ng kwarto ko. Kailangan ko ng umalis dito, di ko na kayang makasama pa sya.Ayokong makita ang pagmumukha nya.

I start packing my things, di ko maiwasan ang hindi maiyak dahil sa nangyayari. Hindi pa kami nag uumpisa natapos na agad. Maybe we are not really meant for each other. At habang kaya ko pang bumangon sa pag kakahulog ko sakanya babangon ako.

Dealing With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon