"Ma .."
"Oh anak? Kumusta kana dyan?"
"Okay lang po ma. Kayo po dyan? Kumusta na po si bunso?"
"Ayun. Honor student parin ang kapatid mo. Nak. Ano kasi .. Kailangan nang magbayad ng tuition fee ng mga kapatid mo. Pasensya kana ah? Alam mo--"
Pinutol ko ang sasabihin ni Mama.
"Ma. Okay lang po. Ipapadala ko nalang po. Kumusta na po si Tatay?"
"Okay lang ang tatay mo Nak. Gusto mo bang makausap? Sandali at gigisingin ko"
"Ma. Wag na po. Tatawag nalang po ulit ako mamaya. Si Kiel ho ba nasaan?"
"Kiel! Tawag ka ng ate mo!"
Narinig kong sigaw ni mama sa kabilang linya. Napangiti ako ng mapait. Namimiss ko na sila
Sobrang hirap na malayo sakanila
"Ate! Ate!"
"Oh. Hello? Kumusta kana bunso? Kumusta ang pag aaral mo? Balita ko honor student kapa rin ah?"
"Opo ate. Okay lang po. Ate. Kailan kaba uuwi? Malapit na ang birthday ko"
"Naku. Hindi ko pa alam. Pero pangako uuwi ako sa birthday mo bunso. Sge na. Baka maiyak pa ako. I-kumusta mo nalang ako kay kuya at kevin ah? Ingat kayo dyan. I love you"
Pinatay ko na ang tawag bago pa ako maiyak. Hindi ko alam kung saan ko kukuha ng pera para maipadala kay Mama. Malapit na rin ang birthday ni Kiel. Hindi ko alam kung makakauwi ba ako oh hindi.
Nahihiya naman akong mang hiram kay Zeke. Isang linggo palang ako sakanya.
Napaupo nalang ako sa kama at naiyak.
"Hey"
Mabilis kong pinunasan ang luha sa mata ko at humarap kay Zeke.
"Ano? Hindi kaba marunong kumatok?"
Blanko ang expression nyang tumingin saakin. Hindi ko pa nakitang ngumiti ang lalaking to! Parang ang bigat ng problema.
"Here "
Nabigla ako ng iabot nya saakin ang naka sobreng puti. Nag alangan akong kunin iyon. Ano ba ito?
Binuksan ko iyon at napa awang ang bibig ko. Sobrang kapal ng perang nakalagay doon.
"Para saan to? Hindi ko matatanggap to"
Ibabalik ko sana sakanya ang perang binibigay nya pero inunahan nya ako
"Its yours. Your advance salary. Don:t worry. Paghihirapan mo lahat iyan. Its not free. I'll make sure every penny I spend for you will be worth it"
"Salamat" kahit ano pa yan! Basta may bayad gagawin ko.
"So. Come with me"
Nagtataka akong tumingin sakanya. Come with me? Yayayain ba nya akong mag date? Weeeee. Haha.
"Saan?"
"Just come with me lady. Stop asking and shut your mouth."
"Ang sungit mo talaga. May dalaw kaba?"
Napaatras ako ng dahil sobrang sama ng tingin nya saakin.
"JOKE LANG! SGE NA! Magbibihis lang ako"
Itinulak ko sya palabas ng pinto at isinara iyon. Baka kasi pumasok nana man sya at manyakin ako!
Isang dress ang sinuot ko at doll shoes sa ilalim. Halos kasi mga dress ang damit na ibinili ni Zeke. Mag iinarte paba ako? Kaya tinaggap ko na. Wala din naman akong masusuot kung hindi kopa kukunin ang mga damit na binili nya.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Mafia Boss
Romance"Everything was like a dark sky until you, my brightest star, came through. We've had our ups and downs, but my heart always knew we'd make it this far. You are my wish come true, my love. I love you more and more everyday." Zeke Rade Jadelania "Tha...
