Chapter 29

12.1K 324 4
                                        

"Mommy hindi nyo po ba kami masusundo mamaya?" Tanong saakin ni Zayne habang inaayusan ko sya ng buhok.

"No baby may work kasi si mommy baka si daddy nalang ang sumundo sainyo then if you want tumuloy kayo sa shop"

Kailangan ko kasing pumasok sa shop ngayon dahil may umorder daw ng napakaraming cakes and cupcakes. Hindi daw ma handle ng mga tauhan ko iyon kaya napag pasyahan kong pumasok.

"Mom wag mo nang iispoiled si Zayne. For sure you will let her eat sweet foods na naman" sermon saakin ni Zeus

Inayos ko ang damit ni Zeus at lumuhod sa harapan nya "Sorry po sir" natatawang sambit ko

Humalukipkip si Zeus "Lets go Zayne magbibihis pa si mommy" pagyayaya ni Zeus kay Zayne

Bibo at pala ngiti si Zayne hindi katulad ni Zeus na parang ang bigat bigat ng problema. Mag kahawak kamay silang bumaba

"Daddy!" Nagtatalon si Zayne at yumakap sa binti ni Kiro

Mahilig si Zayne na yumakap sa binti.

"You don't need to jump Zayne. Stop acting like a 2 years old kiddo" suway sakanya ng kuya Zeus nya

"Zeus" pagbabanta ko kay Zeus

Zayne pout her lips.
"Si Kuya talaga kahit kailan napaka nega. Hm. Lets go daddy" pagyayaya ni Zayne sa daddy nya

Napahalakhak nalang si Kiro sa reaksyon ni Zayne. Naka nguso kasi ito habang naka kapit sa braso ng daddy nya.

"Kiro be careful okay?" Paalala ko sakanya

Sobrang bilis kasi mag maneho ni Kiro kaya dapat lagi syang nireremind.

"Yes babe" Lalapit sana sya saakin pero agad itong hinarangan nang naka simangot na si Zeus

"Kiss me mommy. Dont kiss daddy"

Napakamot ng batok si Kiro at ginulo ang buhok ni Zeus.

"Dad stop messing my hair!" Reklamo ni Zeus sa daddy nya.

Humalik ako sa pisngi ni Kiro "Sge na umalis na kayo Zeus baka ma late kapa sa class mo. Be good okey? Iloveyou babies"

Hinalikan ko sa pisngi ang mga anak ko. Inihatid ko sila sa labas ng bahay at tinulungang umakyat sa sasakyan

"See you later beautiful" naka ngising tugon ni Kiro

Sinarado ko ang pinto ng sasakyan at kumaway sakanila.

Pinagmasdan ko lang ang palayong sasakyan saakin. Nasa ika tatlong baitan na si Zeus at Zayne alam kong marami pa silang pagdadaanan pero isa lang ang masasabi ko

Lagi lang akong nasa tabi nila kahit anong mangyari hindi ko sila iiwan tulad ng ginawa sakanila ni Zeke. Kami ng daddy nila kahit na hindi tunay na anak ni Kiro si Zayne at Zeus alam kong mahal na mahal nya ang mga ito

Naka ngiti akong pumasok sa bahay namin.

-

Nagdrive ako mag isa papunta sa cake shop ko. Yes I have my own car kung dati bike lang ang meron ako ngayon masasabi ko naman na unti unti ko nang nabibili lahat ng gusto ko. Pero kahit ganoon pa man ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang nakasanayan kong buhay sa pampanga kaya nagpatayo ako ng bahay doon iyon ang tinitirhan ng mga magulang at kapatid ko.

Pagdating ko sa cake shop sumalubong saakin ang napaka raming costumers halos lahat ng nandito ay magkakaibigan at mga estudyante.

Ngumingiti ako sa kahit sinong tao ang maka salubong ko.

"Goodmorning ma'am" bati saakin ni Kaycee isa sa mga pinagkakatiwalaan ko sa mga empleyado ko.

"Goodmorning din. Na check mo na ba lahat ng stocks natin? Wala na bang kulang?" Tanong ko sakanya habang papasok kami sa kusina.

Dealing With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon