Chapter 23

12.4K 349 2
                                    

Nagising ako sa isang madilim at hindi pamilyar na lugar. Napadaing ako dahil sa higpit ng pagkakatali ng kamay at paa ko. Nakaupo ako sa gitna ng isang madilim na lugar na sa pag kaka alam ko ay isang ware house dahil sa mga tambak na nakapaligid saakin.

Maalikabok at sobrang lawak ng lugar.
Luminga linga ako sa paligid napapikit ako dahil sa sinag ng ilaw na tumama sa mukha ko pagbukas ng pinto.
Naaninagan ko ang dalawang lalaki na papunta sa kinaroroonan ko.

"SINO KAYO? ANONG KAILANGAN NYO SAAKIN?!" Sigaw ko paglapit nila saakin

Di pamilyar ang pagmumukha nila saakin ngayon ko palang sila nakita. Di ko maaninagan ang mukha ng isa dahil nasa madilim na bahagi ito. Matangkad at may itsura ang isng lalaking nasa harapan ko at sa tantya ko ay kasing edad lang sila ni Zeke.
Naalala ko bigla si Zeke. Paniguradong nag aalala na saakin yun. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala kong may bata na sa sinapupunan ko.

Kinabahan ako dahil nasa harapan ko na sila.

"He has a good taste huh?" Sabi ng isang lalaki.

Lumapit saakin ang isa nyang kasama at hinawakan ang panga ko.

"Wag mo akong hawakan!" Nagpupumiglas ako dahil ayoko sa klase ng paghawak nya. Nangingilabot ako

Tinawanan ako nito "I can touch you if I want" diniinan nya ang pagkakahawak saakin kaya napasigaw ako sa sakit.

"Stop it" rinig kong suway ng kasama nya.

Walang tigil sa pag agos ang luha sa aking mga mata dahil sa takot. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero isa lang ang nangingibabaw.

Natatakot ako sa maaaring mangyari saamin ng baby ko.

"Ano bang kailangan nyo saakin?"

Ang kaninang tahimik na lalaki naman ang lumapit saakin at pinunasan ang mukha ko.

Nanlaki ang mata ko dahil ang lalaking nasa harapan ko ay si CALVIN!

"Ikaw?" Gulat kong tanong

Isang tipid na ngiti ang isinukli nya saakin "I don't want to do this but Zeke push me to be like this. Im so sorry angela" Sambit nya bago ako layuan.

"Call him" utos ni Calvin sa kasama nya. Sigurado ako na si Zeke ang tatawagan nila pero di pa sya malakas. Lalo lang syang manghihina kapag nalaman nya na nasa ganito akong kalagayan.

They will kill him. Sigurado ako na papatayin lang nila si Zeke.

"Please don't call him. Ano bang kailangan nyo saakin? Saamin?" Sunod sunod kong tanong. Nanatili lang nakatalikod saakin si Calvin.

Ang kasama nya ang sumagot "Because of that asshole! Nawala lahat ng pinaghirapan ko! GUSTO KONG MARAMDAMAN NYA KUNG PAANO MAWALAN NG ISANG MAHALAGANG BAGAY SAKANYA! He deserve to die" Galit na galit na tugon nito. Nanlilisik pa ang kanyang mga mata.

Di ko alam kung ako ang ibig nyang sabihin. Isa lang ang naiintindihan ko nasa panganib kami ng anak ko.

"Do you even know who is Zeke? What kind of business he run? What kind of person he is?" Tanong ni Calvin na ikinabigla ko.

Nalilito akong tumingin sakanya "Anong ibig mong sabihin?"

"Zeke has a lot of secrets."

Ngumisi ito "Ang pinaka mamahal mong boyfriend ay isang leader ng black organization. He is a Mafia boss. He killed many people already and he even sell some drugs and guns. Do you know anything about that?"

Natigilan ako sa sinabi nya. Si Zeke? Isang mafia boss? Mamamatay tao?
---

Zeke POV

Kanina pa ako hindi mapakali dahil hangga ngayon ay hindi pa umuuwi si Ayen. She said she'll buy something but until now ay wala pa sya.

Dealing With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon