After 6 years
Nakatayo ako at masayang pinagmamasdan ang dalawang bata na masayang nagkukulitan sa ilalim ng mainit na araw.
"Ang cute nila no?"
Ngumiti ako ng tipid kay Kiro "Kanino pa ba sila mag mamana? Maganda ang nanay nila" pagbibida ko
Humalagapak ng tawa si Kiro dahil sa sinabi ko. Sinamaan ko ito ng tingin
"Di lang naman ikaw yung kamukha nila eh. Tignan mo nga hawig na hawig si Zeus kay Zeke"
I was caught off guard to what he said. Its been a long time since the last time I heard that name. The man who leave me hanging without even a single word.
"Lets not talk about this Kiro" mahinahon na saad ko
Hanggat maaari ayoko syang isipin. Iniwan nya ako noon kahit hindi pa ako gising iniwan nya kami ng mga anak ko.
Flashback
Pagmulat ko ng mata ko kulay puting kisame ang sumalubong saakin. May nakalagay na kung ano ano sa kamay at bibig ko. Hindi ko nagalaw ng maayos ang katawan ko dahil sa dami ng mga aparatus na nakalagay.
"Ayen!" Nilapitan ako ni Kiro at hinawakan ang kamay ko
Ipinikit ko ulit ang aking mga mata ng makaramdam ako ng pagkahilo
"DOC DOC!" Nagsisigaw si Kiro habang palabas
Nagmamadaling pumasok ang dalawang doctor sinuri nila ako at ano ano ng ginawa nila saakin.
Isa isa din nilang inalis ang aparatus na naka lagay sa katawan ko. Nagagalaw ko na ang mga daliri sa kamay ko
"Kumusta po ang baby ko?" Naiiyak na tanong ko sa doctor kahit nahihirapan akong magsalita.
Nakahinga ako ng maluwag dahil ngumiti ang doctor "You're baby is fine I mean they are fine."
They. Ibig sabihin dalawa ang magiging anak ko? Napahawak ako sa medyo may kalakihan ko nang tyan. Sa pag kaka alam ko hindi pa malaki ang tyan ko noong nangyari ang aksidente.
"Ilang araw na po ba akong tulog?" Tanong ko
"Hindi po araw. Tatlong buwan po kayong tulog. Na coma po kayo buti nalang ay mahigpit ang kapit ng mga baby nyo. Excuse me po"
Nakatulala pa rin ako sa kawalan. Tatlong buwan akong tulog? Na coma ako?
"Ayen" pag aagaw ng atensyon ko ni Kiro.
Nasaan si Zeke? Bakit sya ang kasama ko dito sa hospital? Hindi ba dapat si Zeke ang nandito.
"Si zeke?"
Nag iwas ito ng tingin at di mapakali
"Kiro" Pagbabanta ko sakanya.
Napa buntong hininga ito at seryosong tumingin saakin.
"Hindi ko alam. Pagdating ko dito wala na sya."
Iniwan nya ako? "Hindi ako iiwan ni Zeke. Nag sisinungaling ka!" Sigaw ko sakanya
Hinawakan ni Kiro ang kamay ko "He left you. Iniwan ka nya kahit hindi kapa okey. Ayen tanggapin mo na ang katotohanan na hindi ka minahal ni Zeke"
Unti unti ng pumatak ang luha sa aking mga mata. Iniwan nya ako hindi nya ako mahal.
Puot at pait ang tanging nararamdaman ko sa puso ko.
End of flashback
Simula noon hindi ko na inisip si Zeke oo nung una mahirap dahil mahal ko sya at may batang umaasa sakanya. Pero natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Kung iniwan nya ako pwes kakayanin ko.
6 years. Anim na taon syang hindi nagpapakita saakin ni anino nya hindi nya pinakita. Sa anim na taon na iyon parang impyerno ang buhay ko. Im so thankful dahil hindi ako iniwan ni Kiro. Kaya kong palakihin ang mga anak ko ng wala sya.
Naghanap ako ng trabaho pagkatapos kong manganak kahit sobrang hirap tiniis ko para mapalaki ko ng maayos ang mga anak ko. Umuwi ako sa pampanga at doon ko napagpasyahan manganak at palakihin ang mga anak ko. Nakapundar ako ng bahay na hindi naman kalakihan ngunit sapat na para saamin ng pamilya ko. Kasama ko sa bahay si tatay at nanay at ang dalawa kong kapatid.
Sa halos syam na buwan na pagbubuntis ko si Kiro ang laging nasa tabi ko sya rin ang kinilalang ama ng mga anak ko. Hindi ako nagsisisi na sya ang kinilalang ama ng mga anak ko He deserve it.
Niyakap ako ni Kiro patalikod. We've been in a 3 long years relationship. Yes kami na ni Kiro at hindi ako nagsisisi na binigyan ko sya ng espasyo sa puso ko. Pinaramdam nya ang mga bagay na hindi pinaramdam saakin ni Zeke noon.
Magkasama kami sa bahay nya ngayon. Kakalipat lang namin dito noong isang araw ayoko pa sana dahil mamimiss ng mga bata si nanay pero dahil makulit si Kiro wala na akong nagawa kundi ang sumama sakanya.
"PDA. Excuse me mommy Zayne is here" nakasimangot na sambit ni Zeus.
Kinarga ito ni Kiro "Daddy put me down!" Inis na inis ang mukha ni Zeus
"Aba! Nagbibinta kana ba ah? Bakit ayaw mo nang magpakarga kay Daddy ngayon?" Kunwariy nagtatampo na wika ni Kiro.
Napangiti na lang ako sa kakulitan nilang mag ama. Wala na akong mahihiling pa sapat na ang pamilya ko para saakin. Sa murang edad ni Zeus marami na itong alam kahit ako ay namamangha sa klase ng pagiisip nya.
"Mommy gusto ko po ng ice cream"
Nagtatalon si Zayne sa tabi ko at yumakap sa mga paa ko. Nginitian ko ito at niyakap pabalik
"Kiss mo muna ako" paglalambing ko sakanya.
"Mommy kaya nagiging spoiled si Zayne eh. Binibigay mo lahat ng gusto nya"
I pout my lips "Nagseselos si Kuya Zeus oh Zayne"
Ibinaba ni Kiro si Zeus "Dad please stop acting like a child you're too old for that." Reklamo ni Zeus sa daddy nya.
Ginulo ni Kiro ang buhok ni Zeus kaya lalong nainis si Zeus
"Kuya nilalambing ka lang namin ni Daddy ah" pagtatangol ni Zayne sa daddy nya.
Inirapan ni Zeus ang daddy nya at naka simangot na umalis. Tawa lang kami ng tawa ni Zayne habang naka tanaw sa nagtatampo kong anak.
Zayne Roshel Rivera at Zeus Rui Rivera. Di ko sinunod sa apelido ni Zeke ang mga anak ko. Aba sinuswerte sya! Di sya ang nahirapan sa pagluwal sa mga anak ko.
Dahil matalino ang mga anak ko minsan na din nilang natanong kung bakit hindi mag kapareho ang apelido nila sa daddy nila. Di ko naman masabi ang tunay na dahilan kaya kinaylangan kong mag sinungaling.
Sinabi ko sakanila na hindi pa kami kasal ni Kiro kaya hindi pa pweding isunod ang apelido nila sa daddy nila.
"Mommy kanino ba nag mana si Kuya Zeus? Parang ang bigat bigat ng problema nya" naka ngusong sabi ni Zayne habang naka hawak sa kamay ni Kiro.
Nagkatinginan kami ni Kiro saglit at sabay na nagiwas ng tingin. Bugnutin nya si Zeus palaging nang aaway ng mga batang babae kapag nasa school. Naiirita daw kasi ito dahil sa pagpapapansin ng mga ito sakanya. Di ko maitatangi na gwapo ang anak ko kamukhang kamukha nya si Zeke.
"Sa mommy mo baby. Yung mommy mo kasi noong nililigawan ko sobrang bugnutin. Hindi marunong ngumiti parang laging pasan ang mundo"
Sinamaan ko nang tingin si Kiro dahil sa paggawa nya ng kwento.
Zayne laugh. "Mommy sainyo pala nag mana si Kuya Zeus eh. Si Zayne nagmana kay Daddy" Yumakap ito sa braso ni Kiro.
Napangiti nalang ako habang nakatanaw sa masayang mukha ni Kiro. Masaya ako dahil parang anak ang turing nya sa mga bata.
Alam ko darating ang araw na malalaman ng mga bata ang totoo. Sana kapag dumating ang araw na iyon ay maintindihan nila ako kung bakit ko ginawa iyon.
"MOMMY! HINDI PA BA KAYO TAPOS MAG PDA DYAN?!" Sigaw ni Zeus na ikinatawa naming tatlo.

BINABASA MO ANG
Dealing With The Mafia Boss
Romance"Everything was like a dark sky until you, my brightest star, came through. We've had our ups and downs, but my heart always knew we'd make it this far. You are my wish come true, my love. I love you more and more everyday." Zeke Rade Jadelania "Tha...