"Mommy umuwi na tayo. Daddy kiro is alone. Kailangan nya tayo wala syang kasama sa bahay" Paulit ulit na sinasabi ni Zayne iyon. Naawa ako sa anak ko.
Buti nalang ay wala si Zeke kung hindi magagalit na naman sya kay Zayne dahil sa pangungulit nito. Umalis ito kasama si Zeus ewan ko kung saan sila pumunta. Nahihiya naman akong mag tanong.
It's been a week since tumira kami sa bahay ni Zeke. Nangangapa pa rin ako pero alam kong masasanay din kami.
Malamig pa rin ang pakikitungo nya sa akin ni. Kakausapin nya lang ako sa tuwing mag tatanong sya kung ano ba ang paboritong pagkain ng mga anak namin.
Sa loob ng isang linggo walang bukang bibig si Zayne kung hindi si Kiro. Hindi ko iyon maaalis sakanya dahil si Kiro ang kinalakihan nyang ama. Mailap pa rin ito sa kanyang tunay na ama. Di katulad ni Zeus palagay na palagay na ang loob nya kay Zeke.
"Zayne nandito na si Daddy Zeke mo. Ayaw mo ba sakanya?" Malambing na tanong ko sakanya.
Umiling ito "Bad sya! May gun pa sya mommy. Sabi ni Daddy kiro mamamatay tao sya! Diba bad yun?!" Himutok pa ni Zayne.
Di ko alam kung paano ko pa ipapaliwanag sakanya ang nangyayari.
"Zayne. Kiro is not your dad okay? Kahit pagbalibaligtarin mo pa ang mundo si Zeke pa rin ang daddy mo. Don't be to hard on your dad nakikita mo naman yung mga efforts nya para maka bawi sainyo diba? Besides, hindi mamamatay tao ang daddy nyo. Ayaw nya lang ng bad people kaya tinuturuan nya ng leksyon. I'm really sorry anak, I know kasalanan ko ang lahat. Kung sinabi ko lang sana ang totoo nung una palang. Hindi ganito ang mangyayari" Pag papaintindi ko sakanya. Alam ko kahit anong sabihin ko hindi pa din maiintindihan ni Zayne dahil bata pa ito.
Ngumuso si Zayne at napa buntong hininga.
"Do you love him mommy?" She asked.
Natigilan ako sa tanong ni Zayne. Mahal ko nga ba si Zeke?
Oo mahal ko sya. Kahit anong mangyari sya pa rin ang laman ng puso ko at hindi naman iyon nagbago. Siguro natakpan lang ng galit noong panahon na iniwan nya kami.
"Yes. I love your dad. But I'm scared that he might hurt me again"
Hinaplos ko ang ulo ni Zayne para makatulog na ito.
"How did you met him?" Tanong pa nya saakin.
"I will tell you one story baby" Malambing na bulong ko sakanya.
Tuwang tuwa naman ito at yumakap pa saakin.
"Once upon a time in a very very far away land there was a poor girl who fell in love with the bad guy. The girl hate the guy so much because the guy is so mean and bad. But destiny takes them together and they fell in love with each other. Times goes by, God gave them a two little babies named Zayne and Zeus"
Itutuloy ko pa sana yung kwento ko ng makita kong humihilik na si Zayne. Marahil ay pagod na ito kakaiyak dahil namimiss nya si Kiro.
Kahit ako man ay lagi ko syang iniisip tuwing gabi. Kung kumusta na ba sya, kumakain ba sya.
Di ganoon kadali para kalimutan si Kiro. 6 years ko syang nakasama noon panahon na wala si Zeke.
Kaya alam kong masakit sa part nya ang nangyari. Nasasaktan din ako ngunit alam ko ito ang tama.
Inayos ko ang pagkakahiga ni Zayne hinalikan ko sya sa noo bago ako lumabas ng kwarto nya.
Pagbaba ko sobrang tahimik, napaka laki ng bahay na ito para sa aming apat.
Nakarinig ako ng sunod sunod na busina sa labas. Marahil ay nakauwi na sila Zeke.
Bumaba ako para salubungin ang mag ama ko.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Mafia Boss
Romance"Everything was like a dark sky until you, my brightest star, came through. We've had our ups and downs, but my heart always knew we'd make it this far. You are my wish come true, my love. I love you more and more everyday." Zeke Rade Jadelania "Tha...
