Its been 5 months simula ng umalis kami sa puder ni Zeke at hangga ngayon ay hindi pa sya nagpapakita sa mga anak ko.
Puno ng pangungulila ang aking puso sakanya pero alam ko na babalikan nya kami. Hindi na gagawa ng bagong pagkakamali si Zeke.
"Mommy bakit wala pa si daddy hangga ngayon?" Malungkot na tanong ni Zayne.
Hinaplos ko ang pisngi nito "Uuwi din ang daddy nyo dito. Soon"
Naaawa na ako sa mga bata dahil umaasa sila na babalik ang daddy nila.
Wala kaming pinang hahawakan kung babalik pa sya pero umaasa ako na babalik sya. Kahit di na para saakin kahit para sa mga anak ko nalang.
Limang buwan na ang lumipas hindi pa ba sapat iyon para maayos nya ang lahat.
"Hmmmp! Hahanap nalang ako ng ibang daddy!" Padabog na sabi nya bago sya umalis at pumunta sa mga kalaro nya.
"May inaasahan pa ba kayo sa lalaking yon?"
Napalingon ako dahil sa sinabi ni nanay. Nasa likod pala sya. Pinaliwanag ko lahat kay nanay at alam ko naman na naiintindihan nya iyon.
"Ma hindi ko alam pero umaasa ako na darating sya" malungkot na sagot ko.
Hinawakan ni mama ang kamay ko. Ngumiti sya, yung ngiti na nag papa kalma saakin kapag may bumabagabag saakin.
"Kahit anong mangyari anak parati lang kaming nandito ng tatay mo. Napalaki mo nga yung mga anak mo na wala sya kaya alam ko makakaya mo din na wala sya" Pag papagaan ng loob ko ni mama.
Tama si mama, nakaya ko noon na wala sya sa tabi namin. Kaya makakaya ko din sya na wala sya ngayon.
Pero ayoko na lumaking walang tatay ang mga anak ko.
"Oh day! Tara na mag bingo tana!" (Oh day. Tara na mag bingo na tayo) sigaw ng kapit bahay namin
"Agli mu! Ikayu namu sge! Munta naku mu" (Sandali lang. Kayo na muna sge. Pupunta nalang ako) balik sigaw naman ni mama kay Aling Linda.
"Ma sge na punta kana. Minsan ka na nga lang mag libang eh. Ako nalang po mag huhugas ng mga plato" pagtutulak ko kay mama.
Napakamot ng batok si mama "Naku nak. Di naman talaga ako naglalaro nun e. Nagpapalipas lang ako ng inip. Osge na. Pakainin mo nalang ulit ang mga anak mo ah?" Paalala ni mama bago sya umalis.
Pumasok ako sa bahay, yung bahay na napatayo ko dahil sa paghihirap ko. Masaya ako dahil naiangat ko na sa pag hihirap ang mga magulang ko.
Di katulad noon, napapag aral ko na ang dalawa kong kapatid ngayon. Pinagtutulungan namin sila ni Kuya Kyle.
"Mommy. Lalabas lang po ako saglit pupuntahan ko si Ella" paalam ni Zeus. Yung batang tinutukoy nya ay ang kababata nya.
"Sge anak. Uwi ka mamaya para kumain ah? Pinaghanda kayo ng Nani nyo" paalala ko. Humalik sya sa pisngi ko bago lumabas ng bahay.
"Ate!" Tuwang tuwang bati ni Kiel saakin pagkababa nya.
"Dahan dahan! Mahuhulog ka!" Suway ko sakanya.
"Hehe. Te. Dinan nang pera. Atin kumung salwan. Please?" (Hehe. Ate. Pengeng pera. May bibilhin lang ako. Please?)
"Nanu na na man salwan mu Kiel kiel! Ay pasalamat ka kaluguran daka. Ayne oh. Muli ka agad ah. Eka nukarin mumunta" (Ano nana mang bibilhin mo Kiel Kiel. Ay pasalamat ka mahal kita. Oh eto. Umuwi ka agad ah. Wag ka kung saan saan pupunta) pangaral ko sakanya. Marunong na kasing maki pag barkada ang batang to.
Marami pa namang adik dito sa lugar namin. Kabila kabila nga ang nababalita na nahuhuli.
Ngumiti ito saakin bago umalis. Tumuloy ako sa kusina para hugasan lahat ng pinagkainan namin kanina.
Habang nag huhugas ako ng plato di ko maiwasan mapaisip. Kumusta na kaya si Kiro, matagal tagal na rin simula ng huli naming pagkikita.
Nalulungkot ako dahil alam kong di maganda ang paghihiwalay namin.
Nalulungkot din ako sa tuwing sumasagi saaking isipan si Zeke. Siguro nga hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Ilang beses naba kaming nagkalayo?
Dapat ko pa bang ipaglaban ang nararamdaman ko para sakanya?
Dapat pa ba akong umasa na babalik sya para saakin oh kahit man lang para sa mga anak ko?
Limang buwan, hindi paba sapat ang mga panahon na iyon para maayos nya ang sarili nya.
Gaano paba katagal bago maubo ang pamilyang pinapangarap ko.
Yung kahit simple lang basta malayo kami sa gulo.
Aanhin ko ang maraming pera kung lagi namang nasa peligro ang buhay ng mga anak ko.
Mas nanaisin ko nang mabuhay ng simple. Ang importante kasama ko ang mga anak ko.
"Kalalam mu naman ata isipan nak" (Ang lalim naman ata ng iniisip mo anak)
Napalingon ako kay tatay na seryosong naka tingin saakin.
"Po?" Nabiglang sagot ko.
"Ano ba yang gumugulo sa isipan mo anak? Yung tatay ba ng mga anak mo?" Pang uusisa si tatay.
Umupo ako sa tabi nya. "Pa. Iniisip ko lang po kung masama ba akong tao dahil hindi maibigay saakin ang pamilya na hinahangad ko" nanubig ang gilid ng aking mga mata. Pinilit kong hindi maiyak pero di ko na kinaya.
Sa loob ng limang buwan pinakita ko sa mga anak ko na matapang ako.
Pero hindi, mahina ako.
"Emu sasabyan yan. Peragulan dakang masalese atin takut keng ginu. Dinagul kang maganakang anak. Kaya emu isipan yan. Datang ing aldo egana ganang anyaran mu ibye na keka ning Ginu. Siguru susubukan naka talaga ngeni kung agyu mu. Kasi balu na ning Ginu alagpasan mu ngan ini" (Wag mong sabihin yan. Pinalaki kita ng maayos ng mayroong takot sa Diyos. Lumaki kang mabait na anak. Kaya wag mong isipin yan. Darating yung araw lahat ng hinihiling mo ibibigay sayo ng Diyos. Siguro sinusubukan ka lang talaga kung kaya mo. Kasi alam ng Diyos malalagpasan mo lahat ng to)
Yumakap ako kay tatay. Malaki talaga ang pasasalamat ko na may mapagmahal akong mga magulang at kapatid.
Mag aalas kwatro na ng hapon pero di pa umuuwi ang mga bata.
Lumabas ako saglit para tawagin sila para kumain.
Paglabas ko sakto namang may tumigil na sasakyan sa harap ng bahay namin.
Ewan ko bakit pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.
Titig na titig ako sa sasakyan hinintay ko na bumukas ito. At halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng may lumabas na lalaki sa sasakyan.
Sunod sunod ang paglunok na ginawa ko.
Nagtama ang mga mata namin.
parang tumigil saglit sa pag ikot ang mundo.
Totoo ba tong nakikita ko?
Si Zeke nandito na.
Ngumiti sya.
Yung ngiti na nagpapa lambot sa mga tuhod ko.
Yung ngiti na namiss ko ng sobra.
"Ayen."
Yung boses nya na parang musica sa aking tenga.
Di ko na kaya. Tumakbo ako papalapit sakanya at niyakap sya ng mahigpit.
"GAGO KA! BAT NGAYON KA LANG DUMATING! KALA KO NAMATAY KANA!"
BINABASA MO ANG
Dealing With The Mafia Boss
Romance"Everything was like a dark sky until you, my brightest star, came through. We've had our ups and downs, but my heart always knew we'd make it this far. You are my wish come true, my love. I love you more and more everyday." Zeke Rade Jadelania "Tha...
