Paulit ulit na bumabalik ang mga salitang binitawan ni Zeke sa utak ko. Normal? Kagaya ng gusto ko? Bakit abnormal ba sya? Tch. Ang adik lang maka emote eh no?
"Why are you smiling? Idiot"
Pinitik nya ang noo ko dahilan para magising ako sa pag papantasya ko.
"Ganyan kaba manligaw ah?" Humalukipkip ako.
"I am who I am" Bagot niyang sagot
Sinamaan ko lang sya ng tingin, nakaka asar talaga ang lalaking to. Napaka moody,
"Bahala ka nga dyan!" Inis na bulyaw ko sakanya bago ko sya talikuran
"Magbihis ka. Aalis tayo"
"Bakit? Mag dedate ba tayo?"
Blanko ang expression nyang tumingin saakin "Yeah" Bagot nyang sagot
Tinalikuran ko lang sya at umakyat sa taas. Sobrang lawak ng ngiti ko. Akalain mo yun niyayaya ako ng date ng lalaking to.
Ano bang dapat kong isuot? Dress? Short? Jeans?
Napag pasyahan kong mag suot ng isang kulay pink na dress. Isa syang tube. Hapit na hapit ang dibdib ko. Tinernuhan ko iyon ng kulay asul na sandals. Dahan dahan akong bumaba dahil di ako sanay mag suot ng ganito. Aaminin ko, di ako komportable sa suot ko ngayon. Palagi nalang kasing tshirt at jeans ang sinusuot ko.
Pagbaba ko para akong hinuhubaran ni Zeke sa tingin nya. Naiilang akong tumingin sakanya
"Tigilan mo nga ako" suway ko sakanya
"Change your clothes"
Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi nya. "Pangit ba?"
"No. It just, Damn. Okay fine! Let's go"
Nabigla ko ng hatakin nya ako, ano bang problema nya?
Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya sumakay na ako. Pabalibag nyang isinara ang pinto, napapikit ako sa inasal nya.
"Look Zeke. Kung labag din naman sa kalooban mo ang ginawa mo. Wag nalang natin ituloy"
Di sya kumibo. Pinaandar nya lang ang sasakyan nya. Isang chevrolet na kuley tsokolate ang gamit namin ngayon.
Napailing nalang ako at tinanaw ang tanawin sa labas ng bintana.
Di parin ako makapaniwala na may gusto saakin si Zeke. Parang noong isang araw ay sobrang sungit at sama ng ugali nya. Di ko matantya kung ano ang ugali nya. Minsan mabait, pero madalas sobrang sungit. Bipolar. Pero kahit ganyan alam ko na importante na sya saakin.
"Zeke .."
"What?" Tanong nya habang naka tingin parin sa kalsada
"Nasaan ang mga magulang mo? Bakit nag iisa ka lang? I mean sobrang laki kasi ng bahay mo tapos --"
He cut me off "Can you shut your mouth? Its none of your gaddamn business." Iritang irita ang pagmumukha nya ngayon.
Nag init ang sulok ng mata ko dahil sa sinabi nya. Not my business? Ano yon? Kahit maging kami hindi nya man lang ako iinform about sa family nya?
Nag iwas na lang ako ng tingin.
Mahabang katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. Di ko na sinubukan pa ulit magsalita, pakiramdam ko lagi lang akong mababara sakanya.
Pagdating namin sa isang mall, binuksan ko agad ng pintuan. Nauna akong bumaba di ko na hinintay na pagbuksan nya pa ako ng pinto.
Naiirita ako!
Nasa mall kami ngayon sa parking lot. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad ko, di ko na sya hinintay pa.
Kung ayaw nyang mag open tungkol sakanya. Okay fine! Wag nalang din nya ako ligawan. Sobrang big deal ba para sakanya iyon? I mean masama bang malaman ang ibang detalye sa pagkatao nya?
![](https://img.wattpad.com/cover/61092438-288-k137617.jpg)
BINABASA MO ANG
Dealing With The Mafia Boss
Romance"Everything was like a dark sky until you, my brightest star, came through. We've had our ups and downs, but my heart always knew we'd make it this far. You are my wish come true, my love. I love you more and more everyday." Zeke Rade Jadelania "Tha...