Chapter 32

11.5K 311 6
                                    

"May tinatago kaba saakin Kiro?" Tanong ko sakanya habang pauwi kami.

Di ako kinibo nito pinagpatuloy nya lang ang pagmamaneho nya. Alam ko na may tinatago sya saakin dahil hindi ito maka tingin ng deretso saakin.

"Mommy Kuya Zeus look like the man we met in mall." Napalingon ako kay Zayne dahil sa sinabi nya.

"What are you talking about Zayne?! Can you please cut that idea" Bulyaw sakanya ni Kiro

"KIRO! YOU DONT NEED TO SHOUT!" Galit na sambit ko ayoko sa lahat ay pinagtataasan nya ng boses ang mga anak ko

Mangiyak ngiyak na tumingin saakin si Zayne. Inabot ko ang kamay nya "Shh. Don't cry" pagaalo sakanya ng Kuya Zues nya.

"Dad you don't need to do that!" Galit na sambit ni Zeus.

"SHUT UP ZEUS!" Galit na sigaw nya.

Mabilis kong inabot ang kamay ni Zayne "Shh. It's okay baby tama na" pag aalo ko sa mga anak ko

Di ako kinikibo ni Zeus alam ko na marami itong itatanong mamaya at yun ang pinaka tatakutan ko sa lahat. Dahil ayoko sa lahat ay ang mag tanong sya tungkol kay Zeke.

Binalingan ko si Kiro "Ano bang problema mo ah?" Mahinahon ngunit madiin kong saad.

Paulit ulit na umiikot sa isipan ko ang sinabi ni Zeke kanina. You can't keep the truth forever. Lalabs din lahat ng baho sa katawan ko.

Anong ibig nyang sabihin? May tinatago saakin si Kiro malakas ang pakiramdam ko. Kahit masama ang ugali ni Zeke hindi hindi iyon magsisinungaling at gagawa ng kwento.

"Kiro! Answer me! May dapat ba akong malaman?" Di ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa inis.

"Mamaya na tayo mag usap Ayen" malamig na tugon nito.

Tumahimik nalang ako sa isang banda habang tinatanaw ang mga anak ko. Alam ko na hindi titigil si Zeke hanggat hindi nya nakukuha ang gusto nya. Iniisip ko palang na malalaman nya ang lahat parang na akong kakapusin ng hininga. Hindi ko kakayanin kapag nawala saakin ang mga anak ko. Kaya gagawin ko lahat para protektahan sila. Ilalayo ko sila kay Zeke hanggat kaya ko alam ko na hindi tama ang ginagawa ko pero hindi nya ako masisisi dahil nasaktan ako.

Pagdating namin sa bahay nauna itong bumaba malalaki ang hakbang na ginawa nya palayo saamin.
Napa buntong hininga nalang ako sa kinikilos nya.

"Mommy what the hell his problem? Daddy was acting weird because of the man we met in mall." Naka simangot na tanong saakin ni Zeus.

Kahit ako man ay di ko alam kung ano ang sasabihin ko tinitigan ko lang si Zeus na yakap yakap ang nagtatampong si Zayne.

"Tara na bumaba na tayo"

Kinarga ko si Zayne nakasubsob ang mukha nito sa balikat ko habang si Zeus bitbit ang bag na dala ko.

Di pa man kami nangangalahati sa paglalakad ay biglang lumabas si Kiro.

"Zayne" malambing na ang boses nito kumpara kanina.

"I hate you daddy! I hate you!" Tuloy tuloy ang pagiyak ni Zayne.

Malungkot ang mga mata ni Kiro ipinukol saakin. Di ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may itinatago saakin si Kiro.

"Let's go mom!" Hinatak ni Zeus ang laylayan ng damit ko kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang maglakad palayo kay Kiro.

Lumalayo na ang loob ng mga anak ko sakanya dahil sa ginagawa nya. Ayoko na dumating sa punto na magalit ang mga anak ko sakanya.

Pumanhik kami sa taas pinasok ko sa kwarto nila ang dalawa. Tahimik na humihikbi si Zayne pagkalapag ko sakanya sa kama.

Lumuhod ako sa harapan nya
"Zayne stop crying okay? Look at you. You look like a mess right now. Hush now Zayne"

Napangiti ako ng mapait habang tinitignan ko ang mga anak ko. Nakayakap si Zues sa kanyang kapatid. Malaki ang pasasalamat ko na mahal nila ang isa't isa.

Nilapitan ko silang dalawa at niyakap ng mahigpit. "Pagod lang ang daddy nyo dahil sa trabaho kaya madalas nya kayong masigawan. Lets just understand him babies. I know he loves you so much." Itinaas ko ang mukha ni Zayne "Hey baby cheer up! Di mo na kamukha si Daddy nyan" Pagbibiro ko sakanya

Ngumuso ito at humalukipkip "I don't care mom." Masungit na sambit nito.

Natawa ako ng kaunti dahil sa reaksyon nya. "Change your clothes bababa lang ako"

Pagbaba ko wala akong nakitang bakas ni Kiro sa sala kaya naglakad ako papunta sa mini bar ng bahay. At tama ako nandoon sya umiinom

Napako ang tingin nito saakin naki pagtitigan lang ako sakanya

"Do you think na masasagot ng alak lahat ng bumabagabag sayo?"

Di ako lumapit sakanya nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. Patuloy lang ito sa pag inom nya para bang uhaw na uhaw sya kaya kailangan nyang uminom ng napaka raming alak.

I close my fist pinipigilan kong magalit dahil ayoko na humantong sa away ang nangyari kanina. Mas lalo lang maapektuhan ang mga anak ko kapag naririnig nila kaming nag aaway.

"Kiro please stop drinking alcohol. Talk to me alam ko na may dapat tayong pag usapan"

"ANO BANG PAG UUSAPAN NATIN?! SI ZEKE?! ANO?! SYA BA?! DAHIL BA NAKITA MO SYA KANINA! HAH?!"

Nabigla ako binato nya ang basong hawak nya. Nanginginig at galit na galit ang mata nito na naka tingin saakin. Ano bang nangyayari sakanya bakit nag kaka ganyan sya?

I stay calm "Kiro lower down your voice maririnig ka ng mga bata. Gusto ko lang itanong bakit sinabi iyon ni Zeke? May itinatago kaba saakin? Why don't you tell me? Just be honest"

Ngumisi ito "You still love him? Don't you? This is bullshit. Sge sumama kana sakanya!"

Oo inaamin ko may kung anong naramdaman ako ng magtama ulit ang mga mata namin ni Zeke after 6 years. Pero hindi iyon sapat na iwanan ko si Kiro ng basta basta. Alam ko sa sarili ko na sya na ang mahal ko wala ng natitira pa para kay Zeke.

"I love you. Kung ano man yung iniisip mo hindi tama iyon. Please calm down hindi naman masosolve ng lahat ang pag inom mo ng alak Kiro. Tell me kung may problema ka I am ready to listen. Ngayon pa ba tayo mag kakalabuan? Alam mo lahat ng pinagdaanan ko Kiro ikaw ang naka saksi kung paano ako iniwan ni Zeke at kung paano nya inabanduna ang mga anak ko." I tear escape from my eyes. Di ko mapigilan na hindi maiyak

Patakbo na lumapit ito saakin at niyakap ako ng mahigpit "Natatakot ako na mawala ka saakin Ayen." I hug him back.

"Alam ko na kung gaano mo sya kamahal noon kaya natatakot ako na baka iwanan nyo ako. Sawang sawa na akong maiwan baby."

Iniharap nya ako sakanya "Promise me hindi ka maniniwala sa lahat ng sasabihin sayo ni Zeke kung sakali man na magkita kayo" puno ng pagsusumamo ang tinig nya.

Wala sa sarili akong napatango sakanya. Natatakot ba syang iwanan ko oh natatakot sya na may mabunyag sa mga tinatago nya?

-

Dealing With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon