Chapter 35

12.1K 317 4
                                        

Pagdating ko sa shop nag kakaguluhan lahat ng tao kaya tumakbo ako papasok.

"Ma'am!" Hinihingal na salubong saakin ni Kaycee.

Nagtataka akong tumingin dahil may mga food inspector sa loob.

"Sir excuse me po. What's happening here?" Kinakabahang tanong ko sakanila.

May iniabot syang papel saakin na may nakasulat na pansamantalang isasara ang cake shop ko dahil may isang costumer na nag reklamo dahil marumi daw ito.

"WHAT?!" Di maka paniwalang tanong ko pagkatapos kong mabasa ang ibinigay nila.

"Ma'am were just following the rules. Inireklamo po kayo ni Mr. Jadelania dahil daw may nakitang buhok at ipis sa mga cup cakes na ginawa nyo and one more thing ma'am he wants to file a case against you because you break the contract"

"The hell."

Napahilot ako sa sentido ko.

"Ikaw na ang bahala dito" sabi ko kay Kaycee bago lumabas ng shop.

Walanghiya talaga ang lalaking iyon hindi talaga titigil hanggat hindi nya nakukuha ang gusto nya.

"Where are you going?" Pagpipigil saakin ni Calvin

Inalis ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko. "I will kill him"

Di ko alam kung paano ako nakarating ng buhay sa building na nasa harapan ko. Kulang nalang ay paliparin ko ang kotse ko dahil sa pagmamadali gustong gusto ko syang sikmuraan dahil sa ginagawa nya. Lalo akong nainis ang makita ko syang nakiki pag harutan sa labag ng opisina nya pagkatapos ng ginawa nya saakin.

Naglakad ako papunta sakanila

"ZEKE!" Nangangaliting sigaw ko

Napalingon lahat sila saakin. Di man lang sya nabigla dahil nandito ako.

Talagang alam nya na darating ako dito. Kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking to!

"Oh it--"

Di ko sya hinintay na makatapos ng pagsasalita. Pagkalapit na pagkalapit nya saakin sinampal ko sya sa harap ng mga empleyado nya.

Napasinghap lahat ng tao dahil sa ginawa ko.

"ASSHOLE! STOP MESSING AROUND ZEKE! I KNOW YOU ALREADY KNOW WHAT HAPPEND!"

Tumigas ang expression ng mukha nito nabigla ako ng hatakin nya ang kamay ko

Padabog nyang isinara ang pinto ng opisina nya at isinara.

Bigla nalang akong kinabahan dahil sa ginawa nya. Galit na galit ang mukha nito marahil dahil sa pagkakasampal ko.

Lahat ng tapang ko ay bigla nalang nawala dahil sa kaba.

"Why the hell did you slap me infront of my employee?!" Nang gigigil na tanong nito saakin.

Pinilit kong maging matapang sa harapan nya. Dinuro ko sya "JERK! Kasalanan mo kung bakit sinampal kita! Ano ba talagang gusto mo ah! Napaka gago mo talaga kahit kailan. Wala kang kasing sama"

Itinulak nya ako sa pader at ikinulong sa mga bisig nya. Nanghina ako dahil sobrang lapit ng mukha nya saakin

"You want to know what I want? You and your body" bulong nya sa tenga ko na nagpataas ng mga balahibo ko.

"PERVERT!" Sigaw ko sa pagmumukha nya.

Itinulak ko sya palayo ngunit dahil malakas sya wala di man lang sya natinag.

"GET OUT! YOU SON OF A BITCH! WALA KA TALAGANG KWENTANG TAO! NAPAKA SAMA MO! GAGO! TAR*NT*AD*!"

Nanlaki ang mata ko ng idikit nya ang labi nya sa labi ko.

Sa sobrang bigla ko ni hindi ko sya magawang itulak palayo.
Nalasahan ko ang dugo galing sa bibig ko dahil sa marahas na halik nya saakin.

Pinilit kong itulak sya palayo ngunit di ko magawa.

Lumalim ng lumalim ang halik na iyon hanggang sa nanlambot nalang ako at napakapit sa batok nya.

I kiss him back. Yes I don't fckin know why parang may sariling utak ang katawan ko. Gustong gusto ko syang itulak pero ayaw gumalaw ng kamay ko

"Hmmmm!" Protesta ko.

Hingal na hingal kami pagkatapos ng halikan. Napasubsob ako sa dibdib nya dahil nanlambot ako. Bakit ko ginawa ito? Napaka tanga mo talaga Ayen! Pagdating sakanya mahina ka

"I hate you. I hate you!" Pinagsusuntok ko sya sa dibdib habang umiiyak.

Hindi sya umilag sya mga palo ko sinalo nya lahat ng iyon. Seryoso syang naka tingin saakin habang pinapalo ko sya.

Pinunasan nya ang luha sa aking pisngi

"Kailangan paba kitang pahirapan bago ka bumalik saakin?" Madamdaming sambit nito habang pinupunasan ang luha sa aking pisngi.

Doon ako natauhan ginamit ko lahat ng lakas ko at itinulak sya palayo saakin.

"I will never come back to you again! Kahit anong gawin mo hinding hindi na ako babalik sayo! Napaka sama mo! Kahit kunin mo ang lahat saakin hinding hindi ako babalik sayo. At kailanman ay hindi ka sasaya dahil masama kang tao!" Sumbat ko sakanya.

I know this is below the belt pero bagay lang sakanya iyon. Besides hindi naman sya masasaktan dahil masaya sya.

Lumambot ang expression ng mukha nya akmang hahawakan nya ako ng umiwas ako.

"Tell me what do you want ibibigay ko just please let me explain first. Hindi kita iniwan! Its not my intension to leave you in that situation! I want to stay but I can't. Hindi ba ibinigay ni Kiro ang sulat ko sayo?"

"STOP!" Tinakpan ko ang mag kabilang tenga ko dahil ayoko ng marinig ng kahit ano pang kasinungalingan galing sakanya.

"You want me to believe you? Damn you! Kahit anong sabihin mo hindi na ako maniniwala sayo! Iniwan mo ako noong panahon na kailangan kita and now Im happy with Kiro babalik ka?!" Natawa ako ng mapakla "Humanap ka ng taong walang ginagawa para masabayan sa mga trip mo sa buhay! Dont me! Iba nalang!"

Tatalikuran ko sana sya ng bigla nya akong higitin papalapit sakanya. Hinawakan nya ng mahigpit ang panga ko, isinandal nya ako sa pader.

"Fine. If I can't make you mine again then okay but I will make sure you will suffer. Kayo masaya ako hindi? Never. Mark my work Ayen ikaw at ikaw parin ang lalapit saakin remember that!"

Pabalibag nyang binitawan ang mukha ko at naglakad palayo saakin.

"You're heartless!" Naiiyak na tugon ko masama pa sya kay santanas!

"You make me like this. Im willing to change for you but you choose him over me! And what? You lost our baby? You expect me to believe that? Stop lying, Angela. Alam ko na anak ko sila"

Doon na nagsimulang tumulo ang luha ko kaya napatakbo nalang ako palabas ng opisina nya.

You never lost your baby Zeke but you lost me. Kung may lakas lang ako ng loob na sabihin sayo lahat ng katotohanan ginawa ko na.

But the pain makes me want to keep your children from you forever.

Wala kang karapatan na mag kaanak dahil masama kang tao.

Dealing With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon