"Ma'am tapos na po lahat ng cupcakes na pinapagawa nila. Kayo nalang po ba ang mag dedeliver?"
Napalingon ako kay Kaycee na nasa pintuan ng opisina ko.
Nakalimutan ko na ngayon pala yung orders ng Frontview company. Sa sobrang dami ng iniisip ko muntik ko ng malimutan ang trabaho ko.
"Bakit ba nandyan ka? Pumasok ka nga dito" natatawang sambit ko
Napakamot pa ito ng batok bago pumasok "Paki sabi kay Calvin iready na lahat ng cakes at cupcakes. Siguradin nya kamo na tama ang pagkakalagay sa sasakyan"
Tumango ito bago lumabas so far okey naman ang pagtatrabaho ni Calvin alam ko na medyo mahihirapan sya dahil hindi naman ito ang trabaho na naka sanayan nya. Kung pwedi ko lang tulungan na mabawi lahat ng kinuha sakanya ginawa ko na. Wala talagang kasing sama si Zeke!
Nag ayos ako bago lumabas. Nakakahiya naman kasi baka mag mukha akong tanga sa costumers namin.
"Okay na lahat Ayen. Nasa delivery truck na lahat ng cupcakes at cakes."
"Calvin ikaw na ang mag drive okay lang ba?"
Absent kasi ang driver namin marunong naman si Calvin kaya tiwala ako sakanya.
"Oo naman. Lets go"
Tinulungan nya akong umakyat sa sasakyan na gagamitin namin.
Pinagmasdan ko lang sya habang paakyat sa sasakyan di ko akalain na tatagal sya sa trabaho na to. Di naman ito ang nakasanayan nya pero nag tyatyaga sya dito.
"Okay na ba yung dad mo?" Lumingon ito saakin at ngumiti
Yung ngiti na unang beses kong nakita yung ngiti na walang halong ka pait.
"Yes. Salamat dun sa pera na ibinigay mo di ko alam kung paano ako makaka bawi. Maraming maraming salamat"
Ibinigay ko kasi sakanya ang pera na naipon ko para sa mga anak ko. Di alam ni Kiro iyon kaya ibinigay ko sakanya syempre sa una ayaw nyang tanggapin dahil nahihiya sya. Sinabi ko nalang na kung naka luwag luwag na sya tsaka nalang nya ako bayaran.
"Wala iyon basta ba natulungan kita okay na ako. Pakamusta nalang ako sa kapatid mo. By the way ipag uwi mo sya ng desserts mamaya."
"Nakakahiya na masyado. Di ko alam kung paano pero maraming maraming salamat talaga dahil hindi tinutulungan mo pa rin ako kahit napaka dami kong ginawang mali sainyo"
Lahat naman ng tao may karapatan na patawarin sila at mamuhay ng masaya. Hindi ako yung tipong tao na magtatanim ng sama ng loob habang buhay.
Baka pagdating kay Zeke doon ako mahihirapan mag patawad. Hindi ko kayang magpanggap na okay lang saakin ang lahat.
Iniwan nya kami noon kahit halos mag agaw buhay ako.
I sigh. "Mag drive kana. Wag mo na isipin iyon"
Sinunod naman ni Calvin ang sinabi ko. Nakatanaw lang ako sa labas habang papunta sa companya na umoder ng napaka raming cupcakes. Pumirma din kami ng kontrata na mag dedeliver kami lagi ng cupcakes sakanila. May ari ng iba't ibang restaurant ang boss ng Frontview Company naisipan nyang maki pag sosyo saamin.
Pumirma ako kahit hindi ko pa sya nakita. Sayang iyon dahil napaka laki ng pera na papasok sa shop ko.
"Samahan na kita sa loob Ayen"
Tumango lang ako kay Calvin sabay kaming pumasok sa napaka laking building. Bigla ko tuloy naalala yung panahon na isinama ako ni Zeke sa Companya nila.
Humugot ako ng napaka lalim na buntong hininga bago pumasok sa Elevator. Di na ako katulad dati na kinakapusan ng hininga kapag nasa loob ako ng Elevator.
BINABASA MO ANG
Dealing With The Mafia Boss
Romance"Everything was like a dark sky until you, my brightest star, came through. We've had our ups and downs, but my heart always knew we'd make it this far. You are my wish come true, my love. I love you more and more everyday." Zeke Rade Jadelania "Tha...
