"Hoy! Bata. Tahimik ka nga. Ang ingay ingay mo. Sasabog na 'yung tenga ko isusumbong talaga kita kay papa!" Sabi ng isang batang lalaki sa batang babae.
Nasa palaruan sila at nakita niya 'yung batang babae na walang tigil sa pag-iyak at nabwebwesit na siya sa ingay nito.
"ANO BA! Sabing tumigil ka na sa pag-iyak!" Pero imbes na tumigil nga ang batang babae mas lalo pa itong lumakas.
"DI KA TALAGA TITIGIL?" Banta niya at lumapit pa ng lalo dito sa kanya.
"WAAAAAA! AYAW! AYAW! AYAW! ALIS KA DITO! WAAAAA! MAMA!" At dahil sa hindi niya ito mapatahimik hinila niya ito para tumayo. Kahit nagpupumiglas ang batang babae ay nakaya niya itong patayuin.
"Hindi ko alam ang gusto mo kaya bibilhan na lang kita ng Lollipop kasi paborito ko 'yun eh. Ang ingay ingay mo naman kasi. Nakakainis na. Tumahan ka na. Sige. Simula ngayon ako na ang Super hero mo. Ayos ba 'yun?" At ngumiti sa kanya ang batang lalaki. Pinunasan naman ng batang babae ang mga luha niya sa mukha.
"Ta-la-ga? I-kaw na ang Su-per he-ro ko?" Paputol putol na tanong ng batang babae dahil sa paghikbi niya.
"Oo naman. Pangako!" At itinaas pa ng batang lalaki ang kanang kamay niya para mangako.
"Ano ka ba. Hindi ganyan. Ganito." At nag pinky swear ang batang babae. Kinuha naman niya ang kamay ng lalaki para magpinky swear din.
"Halika na. Ibibili kita ng Lollipop." At masaya silang tumawid ng kalsada para tumungo sa isang tindihan ng mangyari ang di dapat mangyari.
"MASTER! Master. Master. Gumising po kayo. Master. Imulat niyo po ang mga mata niyo." Nagsusumamo ang kanyang Butler sa kanyang batang amo.
Iminulat naman nito ang dahan-dahan ang dalawang mata ng narinig ang nagsusumamong tinig ng kanyang Butler. Nilingon niya ang kanyang ulo para hanapin ang bata na kasama niya kanina-nina lamang. Ngunit hindi ito mahagilap ng kanyang mga mata.
"Yung kaibigan 'kong babae. Tulungan mo." Halos nanghihinang pakiusap ng batang lalaki sa kanyang Butler.
"Master. Sinong batang babae?" Inilinga linga naman ng Butler ang kanyang paningin pero di niya makita ang batang babae na sinasabi ng kanyang batang amo.
"Meron. Meron. Butler kinuha siya. Kinuha siya." At pumikit na ng tuluyan ang mga mata ng batang lalaki.
"MASTER!"
***
A/N: HAY! Hello. I have a new story. Yes! May bago. Hindi na KPOP. HIHIHI. Sana support niyo pa din. Mwahugs!
BINABASA MO ANG
Fraternity Sweetheart
ActionSabi nila pag nagmahal ka ng isang tao lahat-lahat tungkol sa kanya ay kaya 'mong tanggapin. Pero paano kapag sapilitan kang jinowa? May magagawa ka pa ba? Pero ateng. Isang super duper extra Hot at Genius lang naman ang magiging boylet mo ay tatang...