CHAPTER Seven: Dark Shadow VS L-Gang

128 7 4
                                    


LOVELY'S POV

"SAMANTHA!"

"NANDYAN NA!" Kainis na Hexter Pangit na 'to! Atat na atat!

"SAMANTHA!"

"Bwesit. PABABA NA!" Kung hindi lang talaga niya ko pinapatira dito kanina ko pa siya sinipa sa future niya. Bwesit siya!

"SAMANTHA!" Anak naman siya ng nanay niya oh! Ilang beses ba siya inire at ganyan siya makatawag?

NAPAKADEMANDING!

"SAMANTHA!" ANO BA! Nakakarindi na!

"SAMANTHA!" Sa totoo lang kung hindi ba naman siya pinanganak na tanga eh alam niya kung bakit ang tagal 'kong bumaba.

"SAMANTHA!" Totoo hindi ba siya nababanas sa katatawag sakin?

Binitbit ko na lahat ang mga pinapabitbit niya.

>Dalawang malalaking balde

>Pitong mops

>Isang supot na puno ng sabon

>Mga telang pampunas

>Pitong walis tambo

>Apat na litro ng pintura

>Pitong malalaking brush

"SAMANTHA!" So tell me sino ang di matatagalan?!

"SAMANTHA!" Oh please Lord!

Halos hindi ako makalakad dahil sa bigat ng mga dala ko.

"SAMANTHA!"

Nasa may hagdan na ako at natanaw siyang nakaupo lang sa isang silya malapit sa sofa.

"SAMANTH~ Oh." I give him a death glared. Saying 'Isa pang tawag mo sakin ibabato ko lahat ng 'to sayo!'

"Ano? Hindi mo ba ko tutulungan? Tutunganga ka na lang diyan?" Kainis kasi eh. Nakatingin lang siya sakin habang dahan-dahan akong bumababa sa mala-stairway to heaven nilang hagdan dahil sa sobrang haba.

"Kaya mo na 'yan. I didn't know that you're a macho women." Mang-asar pa sige pa mang-asar ka pa diyan.

Dahil napuno na ko sa kanya. Tinapon ko lahat ng mops na hawak ko sa pagmumukha niya.

"SAMANTHA!" Bahala ka! Buset!

Pagkababa ko. ABA TININGNAN LANG AKO NG MASAMA!!! Walang modo talaga as ever!

"Ano?!"

Tinuro niya lahat ng mga mops. "Put that in the trunk. Now!"

At walang pasabing lumabas siya. Nilinga ko naman ang palibot ng bahay.

"Wala ba si Butler?" Magpapatulong sana akong magdala nitong mga gamit.

Malakas 'kong sinara ang pintuan ng trunk na ikinagalit niya. "May plano ka bang manira ng sasakyan?!"

I swear galit talaga siya. What's with this car? "Alam mo naman pala eh! Sana ikaw na lang ang nagpasok sa loob!"

Kulang na lang kasi ma-heat stroke ako dito sa pinaggagawa niya. At isa pa. Bakit ba niya ko sinama? At ano naman ang gagawin niya sa mga pesteng gamit na pinadala niya?!

"Get in." Utos niya kaya sinunod ko naman. Pumasok ako at umupo sa likuran ng sasakyan.

"Get in the front!" Umupo na nga ako tapos sisigawan pa?

"Dito nalang ako sa likuran." Sabi ko at hindi siya pinakinggan. Tinatamad na din kasi ako lumabas. Pinagod niya ko.

"I SAID GET HERE IN THE FRONT NOW!" Halos mabasag ang eardrum ko dahil sa sigaw niya kaya dala ng takot ay napalabas ako ng kotse at umupo sa unahan.

Fraternity SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon